Umaga na at nagsimula na akong maghanda dahil sa wakas, makikilala ko na ang kanyang mama. Pumunta ako sa sala nang marinig ko siyang naghahanda ng makakain.
Kita ko siyang nag ch-chop ng spices na nakatalikod sa akin. Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo at hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang naglalakihang braso.
Napangiti ako sa sarili ko at saka na siya nilapitan.
"Oh, you're awake. How was your sleep?" He asked nung maramdaman niya ako sa likuran niya.
"Kanina pa ako nagising, katatapos ko nga lang mag shower 'e. Alam mo, nahirapan ako ng sobra sa pagtulog," pag ku-kwento ko sa kanya.
I heard him chuckle. "Bakit naman? 'Di ba I told you to sleep well?"
"Walang tulong 'yung sleep well mo 'no! Iniisip ko nga kung papaano ko haharapin 'yung mama mo," matapat kong sabi sa kanya.
"Huwag kang kabahan, my mom is kind to everyone," he assured.
Pero kahit naman mabait, baka hindi rin ako gusto. Paano pa kaya kung malaman ng mama niya na may mental health condition ako? Si Rio din, ano kayang magiging reaksyon niya?
When Marina knew about my condition, she decided she'd help me by studying Psychology. Mas gusto pa daw niya na mas mapag-aralan ang tungkol sa mental health. And in that way, matutulungan din niya ako kung papaano ko makokontrol ang emosyon ko.
"Oo nga, hindi ko pa natatanong sa 'yo 'to..." I started.
"What question?" He asked with anticipation. Tinignan ko muna ang buong mukha niya at napangiti nang makita ang magagandang features niya.
"Bakit mo nga pala ako gustong ipakilala sa mama mo? It's not like I'm your girlfriend anyway," I chuckled.
"You will be..." Sagot na lamang niya at nagpatuloy sa pagluluto.
Napapangiti ako habang pinoproseso sa utak ko ang kanyang sinabi.
Ano ba kasing ibig-sabihin niya? Balak niya ba akong ligawan? Bakit naman niya gagawin 'yon? Does Rio like me? How? Ba't naman niya ako magugustuhan? Why would he like someone like me who is mentally unstable?
Sobrang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang lahat.
Bigla tuloy akong nalito sa kung anong namamagitan sa amin. All I know is that Rio thinks of me as his friend only.
But I like him. I never told him that I secretly like him.
I mean, he's a good catch. He's a gentleman with a talented soul. He takes care of me even when I don't need him to or even when I don't tell him to.
"Food is ready!" Pagtawag niya sa akin habang nasa sala ako at nanonood ng Girl, Interrupted.
I paused the movie at tumayo na ako para tumulong kay Rio na naghahanda ng mga plato at kutsara.
After I washed my hands, napatikhim ako sa aroma ng kanyang niluto na Indian curry. Kumuha na rin ako ng toasted bread. Nung akmang kukunin ko na ang strawberry jam, bigla naman itong hinablot ni Rio at binuksan.
Pagkatapos ay kinuha niya sa kamay ko ang spreader at siya na ang naglagay ng jam sa toasted bread ko. Sinaktuhan niya lang ang pagkakalagay no'n na sakto rin sa panlasa ko.
This is one of the reasons why I like Rio so much. Kahit 'di ko naman sinabi sa kanyang gawin niya, he will do it talaga. Sobrang unexpected niya lagi gumalaw.
"Thank you..." Nahihiyang sabi ko sa kanya.
He smiled at me and that warm glow on his face smoothly faded. Why do I feel like he's an angel that actually saved me from death?
BINABASA MO ANG
The Archer
Romance‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...