Martes. Nagising ako sa umaalingaw-ngaw na sigaw ng roommate ko na si Marina. Hindi muna ako bumangon at nagpatuloy lang sa aking pagtulog. Ang kanyang mga yabag ay paparating. Nakayakap ako sa aking unan at ang mga pawis ko ay tumutulo sa noo ko na nasisinagan ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana.
Narinig ko ang pagpasok niya at ang pagbukas niya ng bintana. Inialis niya ng marahas ang kurtina. Lalo tuloy akong naalimpungatan nang patayin niya ang pinapatugtog kong heavy metal sa speaker. Napabalikwas ako ng bangon at tinignan siya ng masama. Nakahalukiplip siya habang matamang akong tinitigan sa mga mata.
Hindi ako nagpatalo at sinamaan rin siya ng tingin. Ilang segundo kaming nagtitigan ng masama at wala man lang makapagsalita sa amin. Tanging masasamang tingin lang ang aming nagagawa sa isa’t-isa. Makaraan ang ilan pang minuto ay saka ko lang napagtanto ang mga nangyayari.
Nilibot ko ang tingin ko sa kwartong kinaroroonan ko at napagtantong hindi pala ito ang kwarto ko. Saka ko lang napansin ang bintana at ang sinag ng araw na nanggagaling rito. Nanlaki ang mga mata ko at bumalikwas sa pagkaka-upo sa kama na hindi naman sa akin.
“Marina! Where am I? What happened?” Marina poked my forehead and grabbed my hair that made me squeak so loud. “What the fuck? Marina, stop!”
“Hey, stop it! Marina!” Napatigil kaming dalawa nang biglang pumasok si Rio sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na nga akong nahulog sa kama. Nilahad ni Rio ang kamay niya at inabot ko naman ito saka niya ako pinatayo.
I looked at them confused. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Tinignan ko si Marina, nagtatanong ang aking mga mata sa kanya pero tanging irap lang ang ibinigay niya sa akin.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Para akong mahihilo sa sobrang linis. May isang bass guitar na nakasabit sa dingding pero hindi naman ganoon kataas ang pinagkabitan nito. Meron ding drum set at artwork sa itaas ng pader.
May mga libro din sa maliit na shelf na malapit sa study table. Ang cabinet naman ay nasa harapan nung kama na hinigaan ko. Malaki ’yung bintana sa gilid nung kama. Malinis ang study table, walang kahit isang notebook o yosi. ’Yung lamesa sa may gilid ng kama ay may maliit na lamp lang. May mga posters din ng rock bands sa dingding at may kung anong palamuti pa sa orasan nito.
Ibang-iba ’to sa kwarto ko. Maiiyak ako sa sobrang linis. Wala man lang akong nakita na kahit isang cobweb man lang sa kisame. Tapos ang bango pa. Amoy lavender. Hindi ko talaga alam kung bakit ako narito. Dito pa ako nakatulog nang hindi ko nalalaman. Wala akong ideya kung kanino ’to.
“Marina, nasaan ako? Kanino ’to? Ba’t ako nandito?” Tanong ko sa kanya bago niya ituro si Rio na may bahid ng takot na tingin sa aming dalawa.
Tinignan ko si Rio at pinagpaliwanag. Nanghina ang kanyang mga mata nang tignan niya rin ako pabalik.
“Art... Do you still remember what had happened yesterday?” Tanong niya sa akin at napaisip ako.
Oo, naalala ko. Pumunta ako sa Melomania. Nakilala ko si Rio na narito ngayon, at pinakilala niya ako sa iba, nilibot din namin ang buong building. Tapos nung pauwi na ako, inaya niya akong pumunta sa coffee shop na hindi ko naman tinanggihan. Pagkatapos, kumain kami nung instant noodles na binayaran niya at naglakad-lakad nang may makita kaming pusa. Kinuha ko ’yung pusa at pinangalanang Kuro. Napadpad kami sa may children’s park at naglaro sa playground. So far, ’yun lang ang naaalala ko. Pero bakit?
“Bakit ako narito?” Tanong ko ulit sa kanya at tinignan ako na namumula. Nanlaki naman ang mga mata ko doon at sasapakin ko na sana siya pero naunahan ako ni Marina dahil muntik na niyang makalbo si Rio sa pagsabunot dito.
BINABASA MO ANG
The Archer
Romance‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...