Chapter 2: Dark Shadows

44 8 1
                                    

TRIGGER WARNING: EMOTIONAL MELTDOWN AND SELF-HARM

Heto na naman ako. Parang lumulutang. Pakiramdam ko para akong patay na narito sa mundo ng mga nabubuhay. Kakauwi lang namin kanina ni Marina. Katatapos ko lang din na maligo. Tinignan ko ang nakapalibot na mga kahon ng sigarilyo sa buong kwarto ko. Nakakalat ito sa sahig at sa kung saan-saang sulok ng aking lamesa at drawer.

Napabuntong-hininga ako habang binibilang kung ilan na 'yung naubos ko sa dalawang taon kong pagtatago rito sa aking kwarto. Kung titignan, madilim ang buong kwarto ko dahil tinakpan ko ng plywood ang bintana nito. Sakto lang 'yung laki nito, kasya lang ang isang study table, closet, at kama.

Paulit-ulit lang din ang sinusuot kong mga damit. Kapag tinititigan ko ang aking kisame, marami akong nakikitang supot ng gagamba. Once a month ko lang din pinapalitan ang mga kagamitan ko sa aking higaan.

Hindi ko din alam kung ba't may kama pa ako 'e sa sahig lang naman ako natutulog kahit maalikabok. Alam kong marumi ang kwarto ko pati na rin ang pagkatao ko. Hindi ko rin alam kung sino ako o kung ano ba talaga ako. Tanging masasamang pangyayari lang ang pumapasok sa isip ko.

Kumatok si Marina sa kwarto ko at pinagbuksan din siya kaagad. Pagkapasok niya, binigyan niya ako kaagad ng cheesecake at tubig. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang buhok ko.

"Hindi mo alam kung gaano kaganda ang buhok mo. Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin," may kinuha siyang maliit na salamin sa bulsa niya at itinapat sa mukha ko. "Gan'yan ang itsura mo ngayon, Art..."

Hindi ko alam ang mararamdaman. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at inalala kung anong itsura ko noon. Hindi ko na namalayan ang luha na pumatak sa mata ko. Pinunasan ko kaagad ito at binalik ang salamin kay Marina.

"Art, anong masasabi mo?" Tanong niya na naluluha na rin.

Hindi ko siya sinagot at tumahimik na lamang. Ayokong magsalita. Ayokong saktan na naman ulit siya. Ayokong umiyak.

"Art, sagutin mo naman ako..." Mangiyak-ngiyak na wika niya at hinawakan ang mga nanginginig kong kamay.

Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Hindi ako mapalagay. Nanginginig ang mga kamay ko sa kakaisip kung bakit ako naging gan'to.

"Mari, anong nangyayari? Bakit ganito? Anong meron? Ganito na ba ako ngayon? Bakit hindi ko alam?" Sunod-sunod kong tanong. Gusto ko pang magtanong kung anong nangyari sa akin. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na lang ako bigla.

"Art, huminahon ka. Umupo ka muna," tumayo na rin si Marina at pina-upo ako pero hindi ko na namalayan na naitulak ko na siya sa sahig.

Hinawakan niya ang tuhod niya habang umiiyak na tumingin sa akin. Pinagmasdan ko ang mga mata niya at doon na ako sumigaw ng malakas.

"Fuck! Marina, I'm sorry! Hindi ko na alam kung bakit ganito na lang ako palagi..." Sinabunutan ko ang sarili ko at napapasigaw na sa sakit.

"Art, tama na. Tumahan kana, Art. 'Wag mong saktan ang sarili mo, pakiusap. Ayokong ganito ka..." Naiyak na kaming dalawa nang tuluyan. Humagulgol kaming dalawa at nahiga sa sahig.

"I'm sorry, Art. I should have never brought this up," she whispered in between tears. "Pero gusto ko lang naman kasi na makilala mo ulit ang sarili mo..."

Lahat ng mga naranasan ko sa nakaraan ko ay nagbalik-gunita.

Nasa banyo ako at tinignan ang sarili kong umiiyak. Halos hindi na ako makahinga. Napapasinghap ako. Sumisikip ang dibdib ko. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang lumuha. Nanlalabo na ang mga mata ko at tanging pagdurusa ko lang ang maririnig sa loob ng banyo.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon