Chapter 20: Haunting Regrets

6 3 0
                                    

TRIGGER WARNING: SELF-HARM

Nilanghap ko ang masaganang dugo na dumadaloy sa palapulsuhan ko. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko pero nagagawa ko pa ring tumawa sa ganitong sitwasyon. Hawak ko ngayon ang cutter blade at kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa lamig, nakakaya ko pa ring gumuhit ng mumunting bituin sa aking balat.

“This is all your fault...” Galit kong sambit sa aking sarili. “This is all your fault, Artemis... You deserved it,” I gritted my teeth.

Galit ako. Galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko na maramdaman ang sakit at hapdi na natatamo ko sa pang-aalisputa, pang-aabuso, at pag mamaltrato nilang lahat sa akin. Nasanay na akong masaktan kaya naman ay wala akong maramdaman na kahit anong sakit at hapdi sa balat kong kanina’y makinis.

This is my first time harming myself at ang masasabi ko lang ay gusto ko ang pakiramdam nito. Kanina ay napasigaw ako sa sakit ngunit unti-unti rin itong napapawi. There was like a magic involved. Nakakagaan siya sa pakiramdam.

“Artemis, I’m sorry you are feeling this way...” Natatawang bulong ko sa sarili ko habang inaalala ang lahat ng sinabi sa ’kin ng guidance counselor sa school.

As a third year high school student, piano and archery are what my world revolves around. I excel in both areas, playing piano with the skill of a gentle monster and hitting my targets in archery with precision. Sa katanuyan, halos lahat nakaasa sa ’kin.

I am tutoring my classmate Tamara for Science and Mathematics. Dito siya mahina. Nalaman ng mga magulang ko ang pagtuturo sa kanya, that’s why they decided to punish me in the most painful way. They believe that I should focus on my own studies and not divert my attention to others pero kinailangan ako ni Tamara so I helped her.

Muntik na akong putulan ng daliri dahil sa ginawa ko. Galit na galit sila sa ’kin sa pagliban ko sa training ko. Sometimes I wish na hindi na lang ako nabuhay sa pamilyang ito, would it be easier for me to live? Wala na akong pakialam kung lumaki ako na hindi alam kung paano tumugtog ng piano o gumamit ng bow to shoot arrows sa archery.

I just want to live a normal life. Nakakainggit si Marina. Kahit sila na lang dalawa ng papa niya, masaya sila. As for Tamara, she lives a perfect life. Mahal na mahal siya ng buong pamilya niya kahit hindi siya nag e-excel sa academics.

Pagdating naman sa ’kin, parang baligtad. Tingin ng karamihan sa ’kin, masaya at perpekto ang buhay ko dahil sa kahusayan ko sa mga ganitong bagay. How I wish. Pero wala na akong magagawa kung ganito na.

“Artemis, get out,” narinig ko ang boses ng kuya kong si Apollo sa labas ng kwarto ko. “Stop making a fuss, you’re annoying. Dinner’s ready,” tamad niyang sabi.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. I look pathetic and helpless. The fresh cuts on my wrist were visible so I took a jacket and wore it to hide it.

Nang makita ko ang duguang mga kamay ko ay dumiretsyo ako sa banyo para maghugas ng kamay at ayusin ang sarili ko. Pagkalabas ko ay nakita ko silang naghihintay sa ’kin.

Tahimik akong umupo sa pwesto ko at saka pa lang sila nagsimula na kumain. Ganito sa ’min, hindi kami nagdadasal kapag kumakain at nakasanayan na namin ’to ng kuya ko.

Walang imik kaming kumain sa hinanda ni mama na truffle risotto. Tanging tunog lang ng utensils ang maririnig. Parang may namumuong luha sa mga mata ko sa oras na tumikhim si papa.

Pansin ako ang pagtingin niya ng matagal sa akin. Patuloy pa rin ako sa pagkain kahit na nanginginig ang mga kamay ko.

“Care to explain what you did, Artemis?” Gumuho ang mundo ko nang marinig ko siyang magsalita.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon