Chapter 19: Fairy Floss

11 3 0
                                        

Nakauwi na ako kanina sa apartment dahil hinatid ako ni Rio at namalayang ilang oras nang hindi lumalabas si Marina sa kwarto niya. Maybe something was bothering her.

Matapos kong itanong sa kanya ’yung tungkol sa kanila nung boyfriend niya ay naramdaman kong parang may mali. Hindi ko naman sinadya na itanong sa kanya ’yung gano’n. Gusto ko lang naman kasi na malaman para masigurado ko talaga ’tong nararamdaman ko para kay Rio.

I took my phone para sana tawagan si Rio nang bigla ko namang nakita ang bagong message niya. Agad ko naman siyang binigyan ng reply at nagpatuloy na kami sa pag-uusap.

Inisip ko ang mga posibleng bagay na ibibigay niya sa ’kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inisip ko ang mga posibleng bagay na ibibigay niya sa ’kin. Ano naman kaya ’yun at bakit niya ako bibilhan? Sana noodles.

 Ano naman kaya ’yun at bakit niya ako bibilhan? Sana noodles

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natutuwa ako kapag inaasar ko siya. Mabuti naman at hindi niya pa pinahaba ang usapan. Alam na alam niya kung anong paborito kong inumin.

 Alam na alam niya kung anong paborito kong inumin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakangiti ako habang hawak ang cellphone ko. Sino ba namang hindi matutuwa sa mga bagay na ginagawa niya para sa ’kin? He just got home pero gusto niya pang pumunta rito para bigyan ako ng iced coffee.

After a few minutes, nakarating na si Rio sa apartment. Ngiting-ngiti siya nang makapasok at nilagay sa lamesa ang mga pinamili niya.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang paper bag na may logo ng 7/11. Tinignan ko siya sa mga mata na parang nangungusap.

“Open it,” utos niya.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon