Chapter 6: Distant Reverie

37 8 0
                                    

TRIGGER WARNING: ATTEMPTED SUICIDE

Madilim ang buong paligid. Tanging tunog ng mga sasakyan ang maririnig. Narito ako sa tulay kung saan lagi kong nadadaanan. Napasinghap ako sa hangin na umuugoy sa katawan ko. Nanginginig ako sa lamig ngunit hindi ako nagpatinag at nilakasan ang loob na umakyat sa handrails nito. Sa unang subok ko ay nadapa lang ako. Pero doon ko mas lalong tinatagan ang sarili ko.

Hindi ko ito gagawin kung hindi ako nasasaktan. Hindi ko gagawin ang bagay na ’to kung gusto ko pang magpatuloy sa aking buhay. At kung sa tingin ng lahat masaya ka ’e hindi kana nasasaktan. Kahit anong pilit mo na bumangon at ipagpatuloy ang buhay na ibinigay sa ’yo, bakit parang ang bigat sa pakiramdam na may kompletong pamilya ka nga pero wala namang pagmamahal na nakapalibot dito.

Limang taong gulang ako noong pinasali ako ng aking ina sa isang piano lessons sa school namin. Kahit hindi ko gusto kasi sinasaktan ako nung nagtuturo sa akin, pinilit pa rin ako ni mama dahil para daw ito sa ikabubuti ko. Araw-araw akong nag-eensayo, umulan man o bumagyo, patuloy pa rin ako para maging proud naman si mama ko sa ’kin.

Anim na taong gulang ako noong pinasali ako ng aking ama sa archery. Maayos naman ang naging takbo ng training ko at mas nagustuhan ko pa ’to kaysa sa piano lessons ko dahil mas mabait ang instructor ko sa archery.

Pitong taong gulang ako noong sumali ako sa mga competition. Nakilala ako bilang si Artemis Colfer. Ang pinakabatang unang sumali sa isang sikat na classical competition na na-feature ng live sa telebesyon at ang kauna-unahang youngest medalist in my country’s archery history.

Little they did know, behind my ability to play some of the most powerful pieces and my aerobic endurance skill in archery, I experienced abuse and violence from my own piano pedagogue. She was strict, demanding perfection in every practice session. I once told my mother about it but she did not listen to me.

Akala ko normal lang ’yun na pinapagalitan ako at sinasaktan kapag may nagawa akong mali. Kasi ang sabi naman nila sa akin, disiplina lang ’yon. If I played the wrong note, the entire piece would be ruined. I grew up believing that violence was a necessary part of a child’s discipline in order to meet their mother’s high expectations.

Years passed, habang lumalaki ako, parang naiintindihan ko na ang nangyayari sa paligid ko. I was glad that my mother allowed me to stop playing the piano. Nabura na ang sikat na pangalan ko sa mga newspaper at television. Kinalimutan na si Artemis Colfer.

Pagkauwi sa bahay, diretsyo ulit ako sa pag-aaral. Gabi-gabi ko naririnig ang mga hikbi ng aking ina at ang mga nakakalason na ungol na nanggagaling sa dalawang bibig na nagtatalik sa kabilang kwarto.

Ipinagsawalang-bahala ko ang lahat kasi akala ko, pag-aaral lang ang kailangan kong gawin upang maipagmalaki rin ako ng mga magulang ko sa iba.

Sa murang edad, napapansin ko na kung ano ang tama at mali pero hindi ko lang ito pinapansin kasi wala naman akong karapatan na makialam sa gawain ng mga nakatatanda. Pero sa bawat ginagawa nila, doon ko nailalaan ang mga kaalaman na nagbibigay sa akin ng kuryusidad.

Bumuntong-hininga ako at pumikit ng mariin. Tatalon ako dito sa tulay na ’to kasi kahit anong gawin ko, para gumaan ang pakiramdam ko, wala pa rin. Nakikita nilang lahat na normal lang ako at masaya sa paraalan, pero ang totoo, halos mamatay na ako kakaisip sa mga susunod na mangyayari pagka-uwi ko ng bahay.

Akmang tatalon na ako pero may biglang humawak sa palapulsuhan ko. Nilingon ko ito at napatili ng konti nang mahulog ako sa handrails pero mabuti na lang at nasalo niya ako at niyakap pa ng mahigpit upang hindi ako masaktan.

Tinignan ko siya ng masama pero ’yung tibok ng puso ko, sobrang lakas na tila ako ba’y natakot o kinabahan sa paraan ng akma kong pagtalon.

“Don’t die,” bulong niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon