Isang linggo na ang nakalipas. Mula sa sulok ay natanaw ko ang kanyang pigura. Lunes ngayon at narito kami sa loob ng studio. May practice sina Rio para sa gig nila next week. Hindi kami nakatulog dahil pinagmasdan lang namin ang kalangitan mula gabi hanggang umaga. Lagi kaming lumalabas tuwing matatapos ang practice nila. Tamang lakad lang at lagi kaming walang tulog, parang mga nabubuhay na bangkay.
Nang makapunta na kami sa syudad, ang una naming pinuntahan ay ang bagong bukas na coffee shop na pinuntahan namin noong una kaming magkakilala. Walang nagsasalita sa amin, tamang higop lang ng kape habang nakikinig ng musika sa speaker ng shop. Pagkatapos namin mag kape, hinatid niya ako pauwi sa apartment para magbihis dahil gusto niya na samahan ko siya sa studio.
At heto ako ngayon, nakatingin sa kanya mula sa malayo. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Seryoso siya habang nakikinig sa front man nila. Hawak-hawak niya ang pinakamamahal niyang telecaster.
Kanina pa ako nagtatago rito sa sulok at kanina pa rin niya ako hinahanap. Nagsimula na silang tumugtog at ang front man naman nila ay sumabay na sa pag-awit.
♪ I love you, but I don’t really show you.
I’d call you, but only if you want me to.
Oh, don’t you let it stop. ♬
Biglang nagpakitang-gilas si Rio sa pag-kuskos niya sa kanyang gitara.
♩ Oh, I won’t let it happen, baby.
I will never stop, but only if you listen to me. ♪
Sa pagdating ng chorus ay nakasimangot pa rin ang mukha ni Rio. Mukhang hindi siya natutuwa.
♫ Come inside of my heart, if you’re looking for answers.
Look at the stars, go a little bit faster.
Ooh, ooh, hooh-ahh-ooh. ♩
Nang malapit na sila sa bridge part ng song ay biglang lumakas ’yung boses nung front man nila na mukhang ikinainis ni Rio. From his spot on stage, Rio scans the crowd until his eyes meet mine. They sparkle as they find me. He strums his telecaster and a wide smile lights up his face.
♪ Whatever happens to me, baby, I’m sorry.
No one could ever go my way... ♪
The drummer and the keyboardist break into freestyle, adding their own improvisations.
♫ I love you, but I don’t really show you.
Come inside of my heart, if you’re looking for answers.
Look at the stars, go a little bit faster.
Ooh, ooh, hooh-ahh-ooh. ♪
As the song reaches to its final moments, Rio carefully nodded with a smile and did his solo for the outro. He also incorporated some freestyle elements, that alters the song’s original key. The people on set were shocked. They almost tried to stop him but he just smirked and continued playing.
May naririnig pa nga ako na nagsasabing napaka-impulsive niyang tumugtog at feeling niya siya ang front man, feeling nasa isang malaking concert rin daw.
He playfully strums his telecaster while the front man and the keyboardist were humming. Ngiting-ngiti siya habang sinasabayan sila na mag-hum. He then whispered, “I love you,” and continued with, “But I don’t really show you.”
Nang matapos sila ay nag break muna sila saglit. Palabas na sana ako nang maharangan niya ako. Inis ko siyang tinignan pero natawa lang siya at ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
The Archer
Romance‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...