Chapter 25: Little Archer

2 1 0
                                    

TRIGGER WARNING: ABUSE AND VIOLENCE

Six years ago, nasa harap ako ng isang napakalaking stadium sa Germany. Punong-puno ang mga tao sa loob mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito na ang World Archery Championships. I could hear the noise of people, the sound of arrows hitting targets. I stood in line, holding my bow. My hands are steady, my eyes are focused. Huminga ako ng malalim, sinusubukan kong kalmahin ang aking sarili.

“Kaya mo ’yan, Artemis!” sigaw ni papa mula sa gilid ng field. “Huwag na huwag kang magkakamali! Remember your training!”

Yes, papa. I will make no mistake. Hinding-hindi kita bibiguin. Pangako ko ’yan sa inyo.

I know my father has high expectations of me because I won the national competition, but it feels different now. The greater the pressure, the greater his dreams I have to achieve.

Makaraan ang ilang segundo, I started to focus my mind. I held the bow, my hands steady even though my heart was shaking.

I raised my bow, pulled the string, and took aim. Pero sa bawat galaw ko, parang naririnig ko ang mga bangayan sa bahay, ang mga sigawan nila mama at papa, at ang mga balitang may kabit si papa. Nakadagdag ito sa bigat na nararamdaman ko.

Papakawalan ko na sana ang arrow pero nang magawa ko, hindi ito tumama sa gitna ng target. Not a perfect shot. I saw the disappointment on papa’s face.

“Artemis, focus!” My coach said, but I can already feel the anxiety creeping inside me. Hinahabol ko ang hininga ko, sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko.

Isang tira na lang. Kapag hindi ko na hit ang target ay paniguradong matatalo na ako. Kaya huminga ako ng malalim at nag concentrate kahit naiisip ko talaga ang mugtong mga mata ni mama kaiiyak dahil kay papa.

Pakiramdam ko, the whole world is watching my every move. Nang pakawalan ko ang arrow ay hindi na naman ito tumama sa target. Not a perfect shot. Wala na, I know I can’t win anymore.

Rinig ko ang pagka disappoint ng ibang manonood sa naging performance ko. Inaasahan nilang ako ang mananalo sa kompetisyon na ’yon. The first time I stepped into the world of archery, lagi akong nananalo. Wala akong ni isang talo sa lahat ng competition na nasalihan ko.

Natapos ang competition at talagang hindi ako ang nanalo. Umuwi akong luhaan at bigo dahil sa ginawa ko. Nasa sasakyan kami ni papa pero tahimik lang siya at ramdam ko ang kanyang galit.

Pagdating namin sa hotel ay hindi na nakapagpigil si papa. “What have you done, Artemis? I told you to win the championships! I have high expectations for you, pero ano ’yon? I named you Artemis to become the greatest archer of all time. You are a big disappointment! Nakakahiya ka!” His words were like arrows hitting my heart.

Huminga ako ng malalim habang sinusubukang hindi manginig sa takot. “Sorry, papa. I tried to win it po talaga.”

“Trying isn’t good enough, Artemis. You have to win! Is that how I raised you? Isang talunan? Nandoon kana sa championships, ba’t ’di mo naipanalo?” His voice was full of frustration.

Sa galit niya, kinuha niya sa bag niya ang dala niyang latigo at pinalo ako. Sumigaw ako sa sakit ng kanyang pagkakapalo at nagmakaawa sa kanya ngunit ’di niya ako pinakikinggan.

“Papa, tama na po... I’m really sorry, papa. I swear I won’t do it again. I promise not to fail like a loser again...”

I cried so hard while he was hurting me.

“I did everything for you, papa. But I couldn’t handle the pressure po, especially with everything that’s going on at home...” I wanted to tell him about knowing he was having an affair, but I was afraid it would only make the situation worse kaya iniyak ko na lang ang lahat.

The ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon