TRIGGER WARNING: BLOOD
Si Rio, nakahandusay sa daan, duguan at walang malay. Rinig na rinig ko ang malalakas na sigaw at ang nakapanlulumong eksena sa harapan ko. Ang buong paligid ay parang bumagal at naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang tumatakbo ako papunta sa kanya.
“Rio!” Sigaw ko kahit na parang puputok na ang boses ko sa takot at pangamba.
Nang makalapit ako sa kanya, agad kong nakita ang mga natamo niya—mga gasgas at sugat sa mukha, braso, at binti. Ang mas malala pa ay ang dugo na dumadaloy sa bandang ulo niya. Hindi ko alam kung gaano kalala ang mga pinsala niya sa loob, I just know that he’s in a critical condition.
“Please call an ambulance!” I shouted to the people gathered around. May iilang kinuha ang mga cellphone nila at tumawag ng ambulansya.
Hindi ko mapigilang humikbi habang hinahawakan ang kamay ni Rio. “Please, Rio, wake up. Hindi ito pwedeng mangyari. I can’t lose you...”
Moments later, I heard the sirens of the ambulance. That sound seemed like hope and fear spreading through my body at the same time. Pagdating ng paramedics, mabilis nilang inilagay si Rio sa stretcher at sinimulang suriin ang kanyang vital signs.
“How is he now?” Nag-aalalang tanong ko.
“Stable siya, pero kailangan natin siyang dalhin agad sa ospital,” sabi ng isang paramedic. “You can come with us.”
Agad akong sumunod sa ambulansya. My heart seemed to be beating very fast, hindi ko pa rin ma process ang mga pangyayari.
Habang tinutulungan siyang isalansan sa loob, pinanood ko ang mga paramedic na patuloy na sinisigurado ang kanyang kalagayan. Hindi ko mapigilang maiyak ng sobra sa kanyang kalagayan.
“It’s my fault...” Pagsisi ko sa sarili ko. “Kung sana pinakinggan kita, sana hindi kita makikitang ganito...”
Sa loob ng ambulansya, hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya. Nakita kong nakakabit na sa kanya ang iba’t ibang medical devices—IV drips, monitoring devices, at oxygen mask. Pilit kong pinipigilan ang pagluha kasi alam kong kailangang maging matatag ako para sa kanya, pero hindi ko kaya. Nasasaktan akong nakikita na ganito ang sitwasyon niya.
“Malapit na tayo,” sabi ng isang paramedic na nagbigay sa akin ng kaunting pag-asa. “Huwag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin.”
“Maraming salamat po...” Sagot ko habang umiiyak.
Nang makarating kami sa ospital, agad nilang dinala si Rio sa emergency room. Sinubukan kong sumunod pero pinigilan ako ng isang nurse. “You can’t go inside, ma’am. Kailangan po nilang magtrabaho ng maayos. We’ll just give an update soon.”
Naiwan akong nakatayo sa labas ng emergency room at pakiramdam ko’y napakabigat ng nararamdaman ko.
Tinawagan ko si Marina, Miss Claire, at Jackie sa masamang nangyari kay Rio. Makaraan ang ilan pang mga minuto ay isa-isa silang dumating.
“I heard from the people outside na may nangyaring aksidente daw sa labas ng Melomania, I didn’t know it was Rio,” mangiyak-ngiyak na wika ni Miss Claire nang makarating siya kasama si Jackie at iba pang bandmates ni Rio.
“Buti na lang talaga at tumawag ka, Art!” Naiiyak na tugon ni Jackie at niyakap ako.
“What exactly happened, Art?” Tanong naman ni Leo, drummer ng band.
Lumingon ako kay Leo nang may pag-aalinlangan. Hindi ako mapakali. Parang ang fresh pa din ng nangyari. Hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari kay Rio.
BINABASA MO ANG
The Archer
Любовные романы‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...