Ilang araw ang nakalipas simula nang mangyari ang araw na kinatakutan nila Marina. Narito ako ngayon sa Studio 17 kasama si Madame Mathilda.
Maaga akong pumasok at hindi na hinintay si Rio. Hindi rin ako nakapag-breakfast at dumiretsyo na rito para hindi ako maabutan ni Rio.
Ilang araw ko na rin siyang hindi pinapansin. Araw-araw niya rin ako hinihintay pero hindi naman ako lumalabas.
Good timing ako ngayon kasi mas napaaga ako ng pag-alis sa kanya. Paglabas ko ng apartment, wala akong Rio na nakita. Mabuti naman. Hindi ko pa siya handang harapin ’e.
“Miss Colfer, are you alright?” Napatingin ako kay Madame Mathilda at tumango sa kanya bilang sagot. “You don’t look okay. Gusto mo bang kumain muna?” Tanong niya ulit.
“I’m good, Madame Mathilda. Thank you,” sagot ko na lang at ngumiti.
Makalipas ang ilang oras ng usapan namin ni Madame Mathilda ay naisipan ko na bisitahin si Jackie sa rehearsal nila.
“Art! Hoy, na-miss kita!” Salubong niya sa ’kin kasabay ang mahigpit niyang pagyakap.
“How are you?” Tanong ko matapos ang aming yakapan sa gitna ng maraming tao.
“May live show kami mamaya sa television! Excited na nga kami ng mga kasama ko. Pang-ilang show na namin ’to pero medyo nakakakaba pa rin!” Wika niya na halatang kinakabahan pero nagawa niya pa ring ngumiti ng malapad.
“Good luck mamaya!” Sabi ko at tinapik ang balikat niya.
“Nag-usap na ba kayo ni Rio? Sabi niya kasi sa ’kin hindi mo raw siya pinapansin. Sinusubukan naman niya na kausapin ka para mapag-usapan niyo ’yung problema niyong dalawa pero naiisip niya rin na hayaan ka muna. He’ll give you some space to think. Ayaw niyang may magawa pa siyang mali sa ’yo kapag palagi ka niyang sinusundan kasi baka maramdaman mong napipilitan ka lang,” bigla akong nakaramdam ng konting kirot sa sinabi ni Jackie.
Matapos niyang sabihin ’yon ay tinawag na siya ng manager nila. I waved my hand at her to say goodbye.
Lumabas na ako sa studio nila. Palakad-lakad lang ako hanggang sa makasalubong ko si Oli kasama si Ram.
“Hi, Miss Colfer!” Bati ni Oli nang makaharap ko siya. Malapad ang mga ngiti niya. Si Ram naman ay tinanguan lang ako.
“Wala bang hello dyan sa senior mo?” Natatawang sambit ni Oli.
“Hello,” sabi ko na lang at yumuko ng kaunti.
Akmang hahawakan ni Oli ang buhok ko nang makaiwas ako kaagad. Awkward akong ngumiti at doon ko napansin si Rio sa likuran nina Oli.
Masama ang tingin niya kay Oli. Napaatras naman ako at ngumiti ulit kay Oli at Ram.
“Anyway, may party mamaya sa bahay ko. Pupunta sina Jackie, Megan, and Orion. Baka gusto mo ring pumunta?” Nagulat ako sa sinabi niya.
Hindi naman pumupunta si Rio sa mga party or gatherings. Lalo na kung sa place ni Oli. Halata naman na may something sa kanila ni Rio.
Pupunta si Jackie. Tapos si Megan and Rio. Speaking of Megan, kapag nakikita ko siya, iniiwasan niya akong tignan. Kapag pumunta ako sa party, baka may mangyaring masama. Nandoon pa naman si Megan.
“So, are you coming with us?” Bagot na tanong ni Ram sa akin at napatingin na lang kung saan.
“I’m not into parties kasi,” ang tanging nasabi ko na lang.
“Come on, Miss Colfer, minsan-minsan lang ’to,” panghihikayat ni Oli sa akin kaya napatango na lang ako.
Hindi ako nakapag-isip ng maayos pero parang gusto ko rin na pumunta para makapag-enjoy ako at makalimutan ko ang mga bumabagabag sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
The Archer
Любовные романы‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...