Chapter 2

216 5 3
                                    


CHAPTER 2

-KRINGGGGGGG-

"Hello Ma?" Sagot ko kay Mama na tumatawag habang nagluluto si Clark ng almusal namin.

[Sweetheart, how are you?] -Masiglang bati ni Mama sakin.

"Okay lang po ako dito."

[We'll extend our vacation here for two days huh? Okay lang ba yun?]

"Okay lang Ma sige."

[Sayang kasi, ang saya siguro kung nandito kayo ng Tito Clark mo. Graduating kana kasi, yang Tito mo naman sobrang workaholic. Kumusta naman kayo dyan? Baka naman ubos na ang mga flower vases dyan dahil sa bangayan nyong dalawa ha?" -Pabirong sabi ni Mama. Alam nya kasing aso't pusa kami ni Clark, I mean Tito Clark pag may ibang kasama.

"Hindi naman Ma. Good girl ako.]" Tumawa nalang ako ng pilit. Sino ba naman kasi ang matatawa sa ganun? Alangan namang sabihin kong, "Okay kami dito Ma, saya nga namin dito e. Kaka-sex lang."

Baka naman biglang umuwi dito si Mama at sabunutan yung anak nya.

[O sige anak. Ingat kayo dyan. Naghulog ako sa account mo para may pang-shopping ka naman habang wala kami. Ingat kayo dyan. See you soon!]

"Sige Ma. Bye." At naputol na ang tawag.

"Oh, what's with the face babe?" Di ko namalayan na nasa harap ko na pala si Clark.

"Si Mama tumawag e."

"And?"

"Para ka namang ewan e. Hanggang kelan ba tayo ganito?"

"After your graduation sasabahin natin sa kanila okay?" Sabi ni Clark na tumalungko para magkapantay kami.

"Diba mali to?"

"Babe. Ilang beses ko bang sasabihin sayong walang mali dito. Hindi moko tito, hindi kita pamangkin, Hindi tayo magkadugo. Hindi to incest. Hindi ka Ramirez."

"Pero -"

"Heep. Enough. Kumain na tayo, May pasok kapa. Aalis tayo bukas."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Surprise. Lika na. Kain na"

Tumalikod sya sakin habang nakatalungko giving me hint para mag piggy ride sa kanya.

Ganito kami palagi ni Clark. Lalo na dati.

FLASHBACK

Wendy's POV

"Ang dadaya nyo naman e! Palagi nalang ako yung taya."

"Eh ang bagal bagal mo kasi!"

Naghahabulan kasi kami ng mga kalaro ko at lagi nalang akong taya.

"Sana dumating na yung savior ko" Bulong ko sa sarili ko lagi nalang kasi kong dinadaya ng mga pinsan ko porket ako yung pinakabata sa kanila. I'm 6 years old tapos sila 10, 7, and 9. Haaay. Palibhasa malalaki.

"Pinapaiyak nyo na naman si Wen. Loko talaga kayo. Dun na kayo tawag na kayo ng mga Mommy nyo."

"Eh ang bagal bagal nya kasi Tito Clark!"

"Ang kukulit nyo talaga!" Tatayo na sana si Tito Clark pero nagtakbuhan na yung mga pinsan ko na pamangkin nya.

"Mga loko talaga yun!"

"Bakit umiiyak ka Wen?"

"Eh kasi Tito-hik- nataya na -hik naman ako. Tumatakbo ako -hik- tapos natalisod ako dun sa kahoy-hik- dumugo nga e-hik- kaya naabutan ako ni Kuya Jay"

"Tahan na. Gagamutin natin yan. Sakay na dali."

Sabay turo sa likod nya at nagpiggy ride naman ako.

Savior ko talaga si Tito Clark. Kahit 10 years old palang siya ang pogi pogi nya! Hahaha. Menopause baby kasi sya nila Lola kaya sobrang talino nya.

——————

"O girl, Kumusta naman ang pagbahay-bahayan with your Tito?" Kakaupo ko palang sa upuan ko pero sya na agad ang bumungad sakin.

"Tin. Pwede ba, hinaan mo nga yung boses mo at baka may makarinig pa sayo." Sabi ko sa kanya habang pinandidilatan ng mata.

"Eh kasi naman e. Kwento ka dali. Ang landi mo naman kasi. Hahaha. Ang hot hot ng Tito mo be!"

"He! Sakin na si Clark no!"

"Tito Clark! Gaga!"

"Excuse me. Hindi ko sya Tito no?"

"Hmm. Whatever. So ano? Nag-ano kayo? You know. Umuulan-ulan pa kagabi. Malamig! Hahahaha!"

"Tin!!!!!"

"Sorry. Sorry. Haha. So ano? Kelan nyo balak sabihin? Nakakainis naman kasi bakit si Tita Raph pa ang nakaampon sayo, sya na kapatid ni Papa Clark mo!"

"Wag ka nga. Mahal ko sila Papa no. Nahihirapan lang ako sa sitwasyon namin. Alam mo na. Gossh. Isipin mo yung akala nila Mag-tito lang at pamangkin nya ko nun pala may special relationship. Haaay. Tin ang hirap pala ng pinasok namin ni Clark."

"Bakit di nalang kayo magtanan? Mayaman naman si Papa Clark e."

"Sira. Mahal ko sila Mama no."

"Alam ko naman. Pero girl, nandito lang ako palagi ha?"

"Thankyou Tin. Lika na. Alam kong papalibre kalang! Hahaha."

"Hahahaha. Bessy talaga! Game."

Natapos ang maghapon sa school. Isang buwan nalang gagraduate nako. Hanggang ngayon di ko alam kung saan ako magtatrabaho, si Papa Raph sabi nya sa company ng Ramirez Corp. Sabi naman ni Daddy Set na biological father ko, sa Li Corp nalang daw ako magtrabaho.

Di ko alam kung sino ang susundin ko. Haha. Ang gulo naman kasi ng dalawa kong Papa.

Wala ng asawa si Daddy Set na si Mama ko. Nakakahinayang naman kasi di ko man lang nakita ang Mama ko. Yung tunay na nanay ko daw kasi namatay dahil sa car accident 5 years ago. Nawala raw ako sa hospital nun dahil nagkasunog kaya ayun 3 years ako sa ampunan. Dun ko naman nakilala sila Mama Maricar na umampon nga sakin.

Pero last year dumating sa buhay ko sila Daddy Set. Naghanap sila ng private investigator para mahanap ako. Then yun nga. After DNA. Yun isa nga akong Li. Pero Ramirez padin yung ginagamit kasi naman 3rd Year college nako. Marami pang dapat ayusin.

Masaya ko dahil mas lalong lumaki yung family ko. Nadagdagan ang mga kapatid ko. Sila Kuya Josh and Kuya Clyde lang dati, ngayon naman nadagdagan ang mga pogi kong Kuya. Si Kuya Blake plus si Jasmine na sobrang kulit. 6 years old palang sya pero sobrang kikay. Hahaha.

"Lalim ng iniisip natin aa?"

"Uh Clark"

"Sakay na. Uwi na tayo"

Nakarating na kami sa Condo, nagulat ako dahil may mga baggage doon.

"Clark ano to? Pinapalayas mo na ko?"

"Bakit ko naman papalayasin ang asawa ko? Aalis nga tayo bukas diba?"

"Okay."

Naupo nako sa couch at pinatong ang paa sa table. Nakakapagod ang araw na ito.

A/N: Ready na sa vacation nila?

Mag-Thankyou tayo sa Bestfriend ko nag-edit nito!

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon