Chapter 20

74 3 2
                                    


I want to dedicate this chapter to 'hikkarushin97, Salamat sa pag-vote lagi girl!


Chapter 20

Kinabukasan ay naisip ko munang dumaan sa condo ni Clark wala rin naman akong trabaho ngayon at nasabi rin nya sakin last time na day-off nya ngayon.


Gusto ko rin sa kanyang sabihin yung about kay Francis dahil ayoko rin namang nag-sesekreto sa kanya.


Binuksan ko na ang  pinto ng unit ni Clark using my spare key and then I saw him watching television pero parang wala naman doon yung atensyon nya.


I was about to kiss him pero bigla syang tumayo.


"What's wrong Clark?"


"You! . . . Where are you last night?"


"My secretary saw you with 'not so good looking guy' "

-"Sino yun Wendy? What's wrong with you? You have your boyfriend pero bakit kailangan mo pang makipag-date sa iba?"


"Teka nga, Bakit ba sumisigaw ka? I can explain"

At dumiretso nako sa kusina para i-ayos ang mga pinamili dahil balak ko pa naman sya ipagluto. Tinuruan kasi ako ng mga katulong sa bahay nina Daddy Seth kung paano ang mas masarap na pagluluto ng Adobo. Yung walang sabaw pero nanunuot sa laman yung toyo.


"You better explain dahil di ako makatulog kakaisip sayo. I tried to call you last night pero patay yung phone mo. Ano sinadya mo ba yun? Para di ako makaistorbo?"


"You please stop accusing me? Diba sabi ko magpapaliwanag ako pero sigaw ka parin ng sigaw!"

Naiinis na ako kay Clark ha. Kung makapagsalita akala mong nakipag one night stand ako kay Francis. Saka hindi ko naman ginusto yun aa? Ayoko lang tanggihan sya dahil may utang na loob ako sa kanya. Sa sobrang inis ko ay naisipang kong  umuwi nalang kaya dumiretso nako sa pinto para lumabas. Pero hindi naman nagtagal ay naramdaman ko na ang braso nya.


"Sorry."

Napahinga nalang ako ng malalim at tiningnan sya. Nakita ko ang mata nya medyo namumula.


"Diba sabi ko naman kasi sayo, mag-eexplain ako pero sigaw ka ng sigaw"


"Natakot lang naman kasi ako e. Baka magustuhan mo na yun lalo pa't di naman kayo komplikado hindi kamuka ng satin"


"Ano ba Clark yan, tingin mo ba gagawin ko yun?" At umupo na kami sa sofa para maipagpatuloy ang usapan namin.


Ki-nwento ko naman sa kanya simula nung nasiraan ako nun at yung pagdating ni Francis kaya alam nyang hindi ko rin matanggihan yung alok ni Francis. Sinabi ko rin na kapatid sya ng boyfriend ni Shane na si Jam.


"That man. Gusto ka nya"

"Don't be threaten honey okay? Ikaw lang yung gusto ko." Sabi ko sa kanya at pinisil ang kanyang ilong, hinila nya naman ako para mayakap.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon