Chapter 16

60 2 0
                                    

Chapter 16

"Sweetie mauna kanang bumaba dun, aayusin ko lang tong damit ko, itong Papa mo kasi akala ko pamilya lang iimbatahin nya, Nun pala may ibang kaibigan nya rin. He's really proud of you Sweetie, Double celebration na rin raw nyo ni Shane"

"Are you sure Mom? I can help you."

Nandito ako sa kwarto nina Mama dahil gusto ko sanang sabay na kami bumaba dahil nahihiya ako. Si Papa kasi in-announce pang Cumlaude ako. Nahihiya ako dahil baka mag-expect sila sakin. Saka di ko rin naman kilala yung iba sa baba, yung mga pinsan at kapatid ko lang pati narin sina Tita.

"No hija. I can manage. Mauna ka na dun. Mag-entertain ka ng mga bisita mo" Bumaba naman ako at nakita ko na ang mga taong nagke-kwentuhan nandun narin yung mga pinsan ko na nagtatawanan.

"Wendy! Come here!" Nakita ko naman agad si Jay na tumawag sakin at nagmadali naman ako agad sa pwesto nilang mga Ramirez. Nginitian ko silang lahat at natigil ako kay Aila na nakataas ang isang kilay sakin. Minabuti ko nalang na yumuko. Pero ano naman kaya ang sasabihin nya sakin? Bakit hindi pa kami nag-uusap.

Nang maka-upo nako sa kung saan ko katabi ko si Ja na ngayon ay kumakain nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

Clark:

Babe, I'm sorry. I can't make it. I'm in my office. Emergency.

Agad rin naman akong nagreply.

Ako:

Gabing-gabi nasa office ka?

Clark:

Emergency babe. Sorry. Just enjoy your party. We'll see other soon.

Ako:

Okay.

Akala ko naman ay makikita ko si Clark sahil sabi nya ay pipilitin nya naman raw talagang maka-punta. Sabi pa nya dati, lahat daw ay ititigil nya para sakin kahit na nasa kalagitnaan na sya ng board meeting. Pero, I knew it. Promises meant to be broken.

"Malungkot ka yata?"

Nagulat naman ako ng bigla akong kausapin ni Ja, usually kasi nag-uusap lang kami pag about sa Acads o kaya sa mga paborito nyang Author.

"Ha? Hindi naman." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Alam mo, ang problema hindi pino-problema, hayaan mong ang problema ang mamublema sayo" Sabi ni Jaja sakin habang inaayos pa nya ang pagkalaki-laki nyang eye glasses. Maganda naman talaga si Jaja e nahaharangan lang ng malalaking glasses nya yung kagandahan nya, Jay suggested na mag-contact lense nalang pero ayaw nya, mas kumportable raw sya dun.

Hindi ko alam kung nagka-lovelife na sya eh, pero I heard before na inaasar sya ni Jay na sa isang Calvin Montero. Ayon kay Jay yun daw ang first love ni Ja.

(Oops. Nangangamoy si story ni Jaja)

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko.

"Hello?"

"Baby girl!"

Halos mailayo ko ang phone ko dahil sa lakas ng boses ng kaibigan ko. Iba talaga pag ga

"Tin!"

Napatingin naman sa akin ang mga pinsan ko, medyo napalakas yata ang boses ko kaya naisipan ko medyo hinaan.

"Oh bakit ba dika nagpunta dito?" Tanong ko sa kanya ng medyo pabulong pa.

"Hello, Am I that poor? Makiki-share ako ng celebration mo? Hahah"

"Sira! So nasan ka?"

"Nandito sa bahay, Family dinner lang. Ayoko naman kasi ng kamuka ng saiyo. Party mo pero nagiging party ng Tatay mo. Hahaha!"

"Sira ka talaga"

"Sige na. I'm busy with my Papa Jerry e.Congratulations to us! Bye Sis"

"Adik ka talaga, nandyan palang ang boyfriend mo"

"Oo e. Sige na. Bye. Ika-musta mo nalang ako kay Papa Clark mo. Haha! Graduate kana. Pwede na kayong magtanan! Hahahah"

"Sira!"

Matapos namin mag-chikahan ng baliw kong bestfriend ay bumalik na rin ako sa upuan namin.

Nang bumalik ako ay may iba ng mga nadagdag sa upuan ng mga pinsan ko. Merong dalawang lalaki.

"Wendy, Come here! I want you to meet Jam. My boyfriend"

"Hi" Sabi ko naman sa boyfriend ni Shane na Jam raw ang pangalan.

"And this is Francis, Jam's brother"

"Hello."

"Francis.. You can sit here" Itinuro naman sakin ni Francis ang katabi nyang upuan na ngayon ay bakante.

Umupo naman ako sa katabing upuan ni Francis at naupo na rin sya.

"Your necklace is beautiful just like you" Napa-tingin nama ako sa sinabi nya.

"Thanks" Francis really looks good too. Isa rin siguro sya mga 'God's gift to women' ika nga.

"Infinity, I guess its from someone, who's special?"

Napatango nalang ako sa sinabi nya. Yea. Someone who's really really special. Pero nasan naman kaya ang Someone na yun? Pano kung may kasama syang babae sa office nya? Hello. Its 9 in the evening pero nasa office parin sya. No Wendy. Trust Clark. He loves you.

Hi guys! Add nyo ko sa Facebook. Usap tayo -> facebook.com/Djchrissywatty

-Chrissy

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon