Chapter 25

67 2 0
                                    

Chapter 25

Nakauwi na kaming Manila at ngayon ay nandito parin ako sa mga Mansion ng mga Li. Nasabi ko na rin sa kanila yung gagawin namin ni Clark.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay pumasok sa kwarto ko si Papa.

"Pa."

"Anak, whatever it takes, nandito lang kami." At pinatong nya ang isang kamay nya sa balikat ko at nakatingin sa akin sa salamin.

Tiningnan ko naman sya at yumakap ako.

"Thankyou Pa"

Masasabi ko na rin sigurong kailangan kong maging matapang dahil alam ko, sa laban na ito ay hindi ako nag-iisa.

"Take this."sabay abot nya sa akin ng isang susi. Susi? Ito yung susi na ginamit namin nung nasa Baguio pa kami. Na-gets ko naman ang ibig sabihin ni Papa.

At tuluyan na syang lumabas.

Tinawagan ako ni Clark kanina at sinabi nya na ang buong Ramirez ay nandun including my cousins.

Habang papasok na kami ng bahay ay nakasalubong ko sina Irish at Kuya Josh na naglalambingan sa Garden.

Kung sana ganito lang kami kalaya ni Clark na ipakita ang kung anong meron sa amin. Na ipakita sa lahat kung gaano namin kamahal sa isa't-isa nang sa gayon ay hindi na namin kailangang ipaliwanag sa iba yung relasyon namin. Yung hindi nila iisipin na hindi kami pwede dahil Tito ko sya.

"You okay babe?"

Tumango naman ako sa kanya at dumeretso na kaming pumasok sa loob.

Nasalubong naman si Cia habang dala-dala ang manika nya at agad naman syang sumampa kay Clark nang makita nya ito. Habang buhat buhat sya ni Clark ay humalik naman sya sa akin.

"Oh Wendy, sakto naman yung pag-uwi mo. Ito kasing Tito mo. Pinatawag kami lahat. Magpapakasal na yata. C'mon sweetie" Bigla namang sulpot ni Mama Maricar na galing sa kusina. Rinig na rinig ko naman ang mga kwentuhan at tawanan ng mga Tito ko.

Pati na rin ang kuladyaan ni Kuya Clyde at Jay pati narin ang pagme-make up ni Shane kay Ja.

Handa naba akong iwan ang pamilyang ito kung hindi man nila kami tanggapin. Handa ko na ba silang kalimutan kung sakaling itakwil na nila ako?

Napakalaki ng parte ng mga Ramirez sa buhay ko. Sila yung itunuturing kong tunay na pamilya habang lumalaki ako.

"Wendy. You're here" Sabi sa akin ni Tita Julia. Hinalikan ko naman sila lahat nang makuha ko ang atensyon nila.

" I heard from Raphael. You are doing doing good in business huh? I think you're really for Ramirez Corp" sabi naman sa akin ni Tito Joel na tatay ni Jay.

"So son, What it is all about?"

Lahat naman sila ay nagtinginan kay Clark nang magsalita si Lolo Arnold.

Tiningnan naman ako ni Clark. At lumapit ako sa kanya ng walang pagaaling-langan. Nandito na kami. Kaya push na ito.

Ako na ang nagsalita.

"Ma, Pa, Tito, Tita, Lolo" lahat naman sila ay napatingin sa akin.

Tiningnan ko silang lahat na parang bang naghihintay ng mga susunod kong sasabihin. Hinawakan naman ni Clark ang kamay ko at ang iba kong Tita ay napansin iyon.

"May relasyon po kami ni Wendy" nagulat nalang ako nang si Clark na ang magsalita.

"What do you mean?" tanong ni Tita Tony na parang naguguluhan pa.

"We're couple. Boyfriend and Girlfriend"

Halos manlaki ang mga mata ng Tita at Tito ko ng marinig iyon. Pati ang mga pinsan kong may kanya-kanyang ginagawa ay napahinto.

Nagulat naman ako ng biglang mapahiga si Clark sa sahig dahil sa malakas na suntok sa kanya ni Papa.

"Gago ka! Pano mo nagawa sa anak ko to? Sa pamangkin mo? Hayop ka!"

"Papa!" halos mapaiyak naman ako ng hawakan ko si Papa.

"At ikaw? Hindi ka man lang ba marunong mahiya Wendy? Hindi kaba nahiya sa mga Tita mo? At hindi lang yun. Hindi mo man lang ba naisip ang mga sasabihin ng tao sayo? Sa atin. Sa Buong Ramirez. The of you are such a disgrace in this family."

Iyak naman ako ng iyak dahil sa sinabi ni Papa.

Inalalayan na ni Mama si Papa at tumingin sa akin. At nakaramdam naman ako ng isang malakas na sampal mula kay Mama.

"Wala ka talagang kwenta Clark!" napatingin naman ako kay Lolo na galit na galit at hawak hawak pa ang dibdib nya. Inaalalayan naman siya ng mga pinsan ko.

"Sorry po"

"Sorry? Ititigil nyo yan. Mahiya kayo! At ikaw Clark. Pati tong pamangkin mo dinamay mo pa sa kababuyan mo!" Sigaw sa kanya ni Papa na noo'y galit na galit na. Nakahanda na kami ni Clark na mangyayari ang mga bagay na ito pero hindi namin alam na ganito pala ang pakiramdam.

"Walang ititigil. Wala kaming maling ginagawa. Mahal ko si Wendy. Wala kaming kasalanan dito. Alam nyong lahat na hindi Ramirez si Wendy. Kaya wala kaming dapat ipaliwanag sa inyo. Mahal ko sya. Papakasalan ko sya. Magiging nanay sya ng mga anak ko"

Isa na namang malutong na sapak ang natanggap ni Clark. Ito ay mula naman kay Lolo.

"I'm so disappointed with you!"

Habang ako naman ay iyak ng iyak dahil nakita kong may tumutulo ng dugo sa gilid ng labi ni Clark.

"Hindi ka man lang nahiya sa mga pamangkin mo. Pano ka irerespeto ng mga yan" dagdag pa ni Lolo sa kanya.

"C'mon Wendy"

At tuluyan nya na akong hinila palabas ng bahay. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magpadala.

Guys. Pasensya na, ito lang yung nakayanan kong heavy scene. First time palang naman ito. Yung mga silent readers ko dyan, Revelation na oh, galaw-galaw. Hahaha!

:facebook.com/Djchrissywatty

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon