Chapter 21

87 2 2
                                    

Chapter 21

"Okay lang naman sakin kung sa Condo nalang tayo e. Pwede naman tayong mag-movie marathon doon"

"Nakakabakla man, pero gusto ko din naman maramdam kung ano yung mga ginagawa ng mga teenagers  these days"

Nagda-drive ngayon si Clark papunta sa isang mall na sobrang layo talaga sa lugar namin para daw makapag-date kami ng couple talaga. Iba rin ang trip ng Tito ko eh no?

Nang makapasok na kami sa Mall ay sobrang sweet talaga nya. Kung makapalupot as in. Pero syempre di ko mapigilang kiligin lalo pa ngayon na alam kong malaya kami. 

Matapos namin kumain ay hinila nya naman ako sa nakita nyang photobooth na nakita nya. Wala narin naman akong nagawa kung hindi ang magpadala. Nag-set sya ng 9 shots namin. Kung hindi nga naman ba kalahating adik. Hahaha.Alam ko namang ganito talaga kakulit si Clark eh, naninibago lang ako dahil mas madalas syang seryoso simula nung mag-trabaho na sya.

(Nandun sa taas yung pictures nila)

Nang makuha na namin ang pictures namin ay hinila nya naman ako sa isang couple shop.

"Babe, Ang cute nito oh!" Sabay suot sakin nang cap na may puso habang ang sa kanya naman ay palaso.

"Para kang bata! Hahaha"

"Tingnan mo. Miss cute kami diba?" Nagulat ako ng biglang kausapin ni Clark ang isang babaeng namimili rin.

Tumango naman yung babae at mukang kinikilig pa. Konyatan ko kaya to? Tinanong lang e, nakikipag-galawan na.

"Ay. Tumigil ka nga Clark. Baliw ka"

"Baliw sayo" at bigla nya akong hinalikan sa pisngi ng mabilis.

"Sira ka. Hahaha"

Nang mabayaran na namin ang lahat ng kinuha ni Clark ay lumabas na kami. Grabe ang dami nyang binili. Magmula sa caps, shades, shirt, shoes as in lahat lahat couple. Hahaha. Pero ang cute naman kasi talaga.

"Kain na tayo babe?"

Tumango naman ako sa kanya. At hinawakan nya na ang kamay ko.

"Koko!"

Napalingon naman kami sa babaeng halos lumawit yata ang bituka sa lakas ng sigaw.

"Riri?"

"Ghaaad! Koko, ikaw nga!" Nagulat naman ako ng biglang sumampa yung babae kaya't napabitiw ang kamay sakin si Clark. Koko? Sino ba si Koko?

"Ang laki mo na Koko. Akala ko di kana lalaki" sabi nya habang ibinababa sya ni Clark.

"Ikaw naman, akala ko di kana papayat. Sexy mo Riri aa."

"Grabe, ang gwapo mo Koko. Paamoy nga!" Nanlaki naman ang mata ko ng amuyin nga nitong Riri si Clark.

"Ehem." Medyo umubo naman ako muka kasing nakalimutan ni Clark na kasama nya yung girlfriend nya.

Nang maoansin naman nila ako ay nagmaganda ako. Ngumiti ako na para bang gumagawa ng music video. Maganda naman talaga ko. Lalo na sa Riri na to no. Girlfriend ako nyang inaamoy-amoy mo.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon