Chapter 38

46 1 3
                                    

Chapter 38

Nang makauwi ako sa bahay ay patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko, Hanggang ngayon kasi hindi parin pumapasok sa isip ko yung pag-propose ni Clark kay Stephanie. Siya naba talaga? Paano paba? Paano ako lalaban kung talo na?

Parang kelan lang, Ako. Ako yung nakikita n'ya. Ako lang. Ako lang yung mahal n'ya. Ako yung sinabihan at pinangakuan niya ng pamilyang bubuuin namin. Ako. Ako yun e. Bullshit naman e. Wala naba talaga?

Sobrang sakit kasi, Ang sakit sakit makita nung taong mahal mo na nagmamahal ng iba. At alam kong mas masakit pa 'to pag nakita ko s'yang naghihintay sa altar sa babaeng mahal niya. Babae na dapat na ako yun. Nakakainis naman kasi. Ang tanga tanga ko, Alam kong kasalanan ko to, pero eto ko ngayon iyak ng iyak. Kaya pa ba? Lalaban paba?


"Wag kang sumuko. Pag mahal mo ipaglaban mo, kahit na alam mong sa huli talo. Wag kang susuko agad kung alam mong di pa nagsisimula ang laban"

"Wag kang sumuko. Pag mahal mo ipaglaban mo, kahit na alam mong sa huli talo. Wag kang susuko agad kung alam mong di pa nagsisimula ang laban"

"Wag kang sumuko. Pag mahal mo ipaglaban mo, kahit na alam mong sa huli talo. Wag kang susuko agad kung alam mong di pa nagsisimula ang laban"

Pumasok sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Ivan, tama nga s'ya. Dipa nagsisimula at kung lalaban ako at alam ko namang talo ako, Pwes lalaban padin ako. Kahit sa paglaban ko ay unti-unting nadudurog ako.

Tumayo ako sa kama at agad nag-ayos ng sarili, Dumiretso ako sa kotse. Di ko alam yung gagawin ko,Tama ba to? Engaged na s'ya. Pero. One last time, Gusto ko muna marinig kay Clark na wala na talaga. Na iba na talaga. Na wala naba talaga ko sa kanya.

It's 9 in the evening at habang nagda-drive ako ay patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Nang mapatingin ako sa salamin ng kotse ko ay may isang batang kumakatok. Napatingin naman ako sa kanya. Kaya't binuksan ko agad ang mirror ko.


"Bakit umiiyak ka Ate?"

Umiling nalang ako sa tanong n'ya.

"Aalukin sana kitang bumili ng mga rosas na ito, pero umiiyak ka kaya ibibigay ko nalang sayo yung isa" Hindi ko alam kung OA ba'ko pero nang masabi ng bata yun ay pakiramdam ko ay may kakampi ako, Pakiramdam ko may tao paring special ako sa paningin nila.

"Ate naman. Tumahan ka na nga. Baka akala nila pinaiyak kita. O sige dadalawahin ko na. Di na pwedeng tatlo ha. Hindi ko na maabonohan e. Peace" napangiti naman ako sa sinabi ng bata na ito. Kahit papano ay nakaramdam ako ng kahit kaunting saya.

"Eto bayad" sabi ko sa kanya at inaabutan ko siya ng 5 hundred peso bill.


"Bigay ko na nga lang yan sayo diba?"


"Eh tinda mo yan. Pano yan malulugi ka."

"Its better to sacrifice your own happiness for the sake of someone else" napangiti naman ako ng bigla n'yang sabihin 'yon. Isang diretsong ingles at kumindat pa sa huli. Napangiti nalang ako dahil ang bata bata pa niya pero panay na ang hugot.

"Oh kung ayaw mong bayaran ko, ibigay mo nalang to sa Nanay mo o kaya ibili mo ng pagkain ng mga kapatid mo. Okay?"

"Sige na nga. Salamat Ate. Wag kana umiyak ha." At umalis na s'ya. Huminga muna ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagmamaneho.


*
Nasa elevator na ako at nanginginig kong pinindot ang floor kung nasaan ang unit ni Clark. Sandali lang ay nasa pintuan na'ko nun.

Magdodoorbell palang sana ako pero bumakas na yun at binuksan ni Clark yun habang may kausap s'ya sa phone.

"Yes babe. I'm coming." Wika niya sa linya. Napatingin naman s'ya sakin.

"Wait babe. I have to go"

"Wendy, Any problem?" tanong n'ya sakin. Oo Clark. Problema. Ikaw! Ikaw. Akala ko nung umalis ako makakalimutan kita, pero eto ako ngayon. Akala ko aattend lang ako ng graduation ng kapatid ko, pero eto, nakita ka at napatunayang hawak mo pa rin pala 'puso ko.


"What happened? Hush. Why are you crying? Come inside"


-
Oh ano mangyayari sa loob? Pangunahan n'yo sige. Hahaha. Nakakainis yung mga taong ganito no? Yung minahal mo tapos iiwan kalang, tapos ngayong okay kana saka babalik? Ano yun? Tss :3 Hahaha! Walang hugot to. Sige. Malapit na talaga matapos ang Book 2. Excited nakong simulan ang POV ni Clark sa Book 3. Hahaha. Thankyou so much!

Facebook.com/djchrissywatty

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon