Chapter 6

108 2 0
                                    

CHAPTER 6

"Ma! Bakit ang dami naman yatang niluluto? May Fiesta? Hahaha!"

"Hindi. Pupunta yung mga Tito at Tita mo mamaya pati narin yung mga pinsan mo. Umuwi pala si Aila. Kasama mo pala sila last night."

"Ah oo Ma. Ganda nga ni Aila ngayon e."

"O sige mag-breakfast kana. Tulungan mo na din kami dito."

"Sige Ma. Wait lang."

Nakauwi na nga ako dito sa bahay ngayon. Ang lokong Clark wag daw muna. Sabihin ko daw na 'May sakit si Tito Clark at aalagan ko sya' Eh ang loko eh malakas pa sa kalabaw. Pero di ko maiwasang kabahan lalo na nung nakasama namin yung pinsan ko, especially Aila.

Nandito kami ngayon sa rooftop na magpipinsan at inasar nila si Clark na magpa-deliver ng pagkain saka drinks. So ayun nagkasayahan naman kami.

Kwento nang kwento si Aila sa mga experiences nya sa Canda. Si Jay naman sa mga boylet nya. Etong si Jaja. Wala naman kaming mapapala dito dahil puro calculator at libro ang hawak nito. Genius e.

Nang medyo gabi na at nililigpit na namin yung mga kalat. Tipsy lang kaming apat pero si Jaja yung pinakamalakas ang tama dahil hindi sya sanay. Napainom lang sya dahil sa kalokohan ng baklang Jay.

Napasandig si Ja sa akin habang nagliligpit kami at "BWWAAAAAK!" Nasukan nya ako sa damit ko. Bigla namang lumapit si Clark at tarantang-taranta.

"Wendy! Wait sandal ka, punasan natin yan." Pinagpupunasan nya yung mga suka sakin ni Ja.

Nakalimutan yata ni Clark na nandito ang mga pinsan ko na pamangkin nya.

"Tito. Ako na." Sabi ko kay Clark dahil napansin ko ang pagkunot ng noo ni Aila sa ginawa ni Clark. Habang si Jay naman busy sa pagdidiwara kay Ja.

"Ang over-protective naman ni Tito. Bakit samin di ka ganyan ha?!" Sabi ni Jay.

Bigla naman napalaki ang mata ko sa sinabi ni Jay. Jusko. Mabubuko na yata kami.

"Kung di lang talaga pamangkin ni Tito tong si Wends iisipin ko girlfriend mo na sya." Sabi ni Aila habang naka-smirk pa. Jusko. Gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko.

"Mga bully kasi kayo, kaya di nyo na ko kailangan!" Sabi naman ni Clark sa dalawa.

Si Jaja kasi nakatulog na sa balikat ni Jay habang si Jay naman parang diring-diri kay Ja.

"Whatever Tito!" Sabi naman ni Aila.

7PM daw ang start ng Family Dinner nagulat naman ako dahil 5PM palang eh may nag-doorbell na.

"Ma ako na." Sabi ko at iniwan ko na ang hinihiwa kong carrots.

Pagbukas ko ng gate.

Patay naba ko? Dahil may god-like dito sa harap ko.

"Bakit ang aga mo?"

"Ganyan ba ang welcome ng isang girlfriend sa boyfri-Aray!" Sabay pingot ko sa tenga nya.

"Sira ka talaga! Hinaan mo nga yang boses mo!"

"Sorry na. Sorry na. Kiss ko muna." Sabay turo sa lips nya.

Pipingutin ko na sana sya kaso biglang nakalayo ang loko.

"Pasok na ko Babe ha."

Sinarado ko naman na ang gate at papasok na ako sa loob pero ang loko nahalikan ako ng mabilis pagkaharap ko.

"Clark!!!"

"TITO CLARK baby."

Hayyyy. Napakaloko ng lahi nung batang yon.

"Dun nalang kayo mag-ayos Wen sa taas ni Tito mo." Sabi sakin ni Mama pagkabalik ko para sana tumulong sa kusina.

"Sige Ma."

Hayyy ang init naman. Tumingin muna ko sa salamin namin sa sala at tiningnan ang muka medyo haggard nako hayyy.

I am just wearing shirt and shorts. May nakita akong lapis sa gilid. Ginamit ko yung para mai-bun yung buhok ko. Ang init kaya saka umakyat nako sa taas.

Naabutan ko si Clark dun, naka-earphone pa habang kinakalampag yung mga table.

Nung nakita naman nya ko e tinanggal nya na yun agad.

"You look hot when you're haggard."

"Sira!"

Natapos na namin ayusin ang mga dapat ayusin.

"Ligo lang ako ha?" Paalam ko kay Clark. 6PM palang naman.

"Mamaya na." Bigla nya naman akong hinila sa braso kaya napaupo nalang ako sa lap nya.

"Clark. Baka may makakita satin." Sabi ko sa kanya at tatayo na sana ko kaso mas hinigpitan pa nya yung hawak nya sakin.

"Namiss kita." Sabi nya sakin at idinikit nya ang noo nya sa noo ko. Hayy. Namiss din kita Clark.

"Namiss din kita" Sabi ko. Hinalikan nya ako ng mabilis sa labi.

"Ate Wendy!"

Bigla ko naman naitulak si Clark dahil kay Cia. Grabe yung bata na to. Kinabahan agad ako dun.

Binuhat ko si Cia. Sya yung pinakabata saming magpipinsan. 4 years old palang pero ang ganda-ganda.

"Tito, tawag ka ni Mommy sa baba." Sabi ni Cia kay Clark na ngayon ay iiling-iling lang habang nakangiti na nakatingin sakin.

"Tawag ka daw! Baba na!" Sabi ko naman sa kanya. Tawa lang nang tawa ang loko.

Ibinababa ko na rin si Cia para makaligo na ako. Iniwan ko muna sya sa Mommy nya na si Tita Julia.

Nandito na ang lahat at sineserve na ng mga katulong yung mga niluto namin ni Mommy.

Opps. I need to pee ata. Nagpaalam ako sandali para bumaba para pumuntang C.R..

Isasarado ko na ang pinto nang makapasok na ako pero nagulat nalang ako nang may tumulak dito at inilabas nito si Clark. Jusko aatakihin yata ako sa mokong na to.

"Siraulo ka! Anong ginagawa mo dito?"

"Namiss na kita e."

"Mahuhuli tayo sa ginagawa mo Clark e!"

"Kaya nga wag kana maingay!"

"Sira ulo!"

Naramdaman ko nalang ang pag-halik nya sakin. Palalim nang palalim. Hanggang sa maramdaman ko nalang yung kamay nya sa loob ng shirt ko. Hinimas nya nang hinimas yung dibdib ko. Wala naman na akong magawa dahil hindi ko maigalaw yung katawan ko dahil sa sensasyong binibigay nya sakin.

"Clark."

Tumingin na sya sakin.

"Lumabas kana. Baka may makakita satin."

"Sabay na tayo."

"No. Iihi ako."

"O sige."

At lumabas na nga sya.

Nang makapag-ayos na ko eh lumabas na rin ako. Medyo matagal na ako dito baka hinahanap nako doon.

Nang makalabas ako e nakita ko si Aila na nakasandal sa sink at nakataas ang kilay sakin.

"Aila?"

"Antagal mo e. Pinasundan ka sakin. Di na kita kinatok baka makaistorbo ko."

"Ah e. Sorry - "

"Let's go."

Ow shit. I'm so dead. Nakita kaya ni Aila yung paglabas ni Clark? Lagot na talaga.

A/N: Ooops? Kinabahan naba kayo dyan? Kelan kaya i-coconfront ni Aila si Wendy? Hmmm.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon