Chapter 48 -Page 1

24 1 0
                                    

Chapter 48- Page 1


Nandito ako sa cafeteria habang kasama ang barkada kong nagmemeryenda pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paglalakad ng pamangkin kasama ang isang lalaki. Isang lalaking, kung hindi ako nagkakamali ay kaklase niya. Alam kong sinayaw rin niya si Wendy noong acquaintance kaya't pamilyar sakin ito.



"Sandali lang mga tol" paalam ko sa mga barkada ko.

"Wendy!" agad naman siyang napalingon sakin at tila kunot ang noo. Maging ang lalaking kasama niya ay napatingin sakin.

"Usap tayo" wika ko sa kanya at tumalikod nako para pumunta sa isang tahimik na lugar.




Ramdam ko naman ang pagsunod niya sakin.

"Bakit ba Tito?"

"Anong bakit ba? Sino ba yung kasama mo?"

"Tss. Pinapunta mo talaga ko dito para doon lang?"

"Ano lang? Lalaki yun Wendy at ngayon lang ako nakakita ng kasama mong lalaki. Saka bakit ba iyon ang kasama mo? Nasaan ba si Tin?"

(Eto nagta-type :33)

"Urrrgh! Si Oliver yun. Manliligaw ko."

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon