Chapter 40

39 3 2
                                    

Chapter 40

Matapos kong maibuhos lahat ng hinanakit sa alak na iniinom ay tumayo ako para makisayaw sa gitna.

Kahit ngayon lang, ngayon lang. Gusto kong makalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Alam kong wala na talaga. Kaya habang lunod ako sa alak ay gusto kong makalimot. Malimutan lahat ng sakit. Ang katotohanang may mahal na siyang iba. Ang katotohanang ikakasal na sila.


Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsasayaw ko ay may naramdaman akong brasong humawak sa bewang ko, hinayaan ko nalang iyon, dahil sa States ay mas malala pa ang ginagawa ng lalaki sa kasayaw nila.

“Are you – ?” may sinabi siya kaso ay hindi ko naman narinig dahil sa lakas ng music, Kaya’t inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya.

“What?” sigaw ko sa tenga niya. Nakita ko naman ang pag-ngiti niya ng yumuko ako.

“I said, Are you alone? You can hangout with me.”

“Ah yeah!”

Pinagpatuloy ko lang ang pagsasayaw ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng katawan niya sa likod ko. Nararamdaman ko rin ang pagkalalaki niya na tila yata gusto ng lumabas sa pantalon niya. Well, Hormones.


“Let’s sit” aya niya sakin at hinawakan na’ko sa bewang. Hindi nako nakakapalag sa mga ginagawa niya dahil nararamdaman ko na rin ang pagod at hilo.


-
“What brings you here?” tanong niya sakin nang makaupo kami sa couch. Ipinatong niya ang braso niya sa likod ng couch.

“For fun.”

“Alone?. C’mon. Love problems?”

Napatango nalang ako sa tinanong niya. Ganon ba ako kahalata?

“He’s getting married” ngumiti ako sa kanya ng sabihin ko ito. Tama, kailangan ay kahit paunti-unti ay natatanggap ko na ang pangyayari, dahil alam ko mas marami pang dadating. Alam ko isang araw ay bubuo na rin sila ng pamilya niya. Ang mga anak nila na magiging pinsan ko.

“Drink this” inabot niya sakin ang isang shot glass at ininom ko naman agad ‘yon kahit alam ko na sinabi ng mga pinsan ko noon na wag iinom pag may inaalok sayo dahil baka mamaya ay drugs yon.

Paulit-ulit niya ko inabutan ng inumin at wala naman akong pasubaling inumin ang mga binibigay niya. Maya-maya pa ay nakaramdam nako ng matinding hilo. Wala nakong magawa kundi ang mapahiga sa couch.

Maya-maya pa ay ramdam na ramdam ko ang paghalik niya sa leeg ko. Pati narin ang kamay niya na pumapasok sa blouse ko.

“Ano ba!” sigaw ko sa kanya at pilit hinahawakan ang kamay niya para tanggalin iyon. Pero nanghihina ako kaya walang-wala ang lakas ko kumpara sa kanya.

“Gusto mo rin naman to. Papaligayahin kita”


At naramdaman ko nalang na binubuksan niya ang zipper ng dress ko.

“Stop it! Ano ba!”

“What the fuck!” Ang alam ko nalang ay nasa ibaba na ang lalaking kanina pa nagmamanyak sakin ng tumingin ako sa itaas ay nakita ko ang mga nanlilisik na mata ng isang lalaki.

Isang lalaking kamuka ni Clark. Kamuka ni Clark? Muli akong tumingin sa kanya at tila ba nawala ang kalasingan ko ng mapagtanto kong si Clark nga talaga iyon.

Ang alam ko nalang na sumunod na nangyari ay nasa loob na ako ng kotse niya at mabilis niya iyong pinaharurot.

Nang makarating ako sa unit niya ay agad akong humiga sa sofa dahil hindi na kaya ng ulo ko ang sobrang sakit.

Maya-maya ay narinig ko ang malakas na pagsuntok niya sa pintuan. Napatayo naman ako dahil sa ginawa niyang iyon.


“ANO BANG PROBLEMA MO?!!!”

“IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! SINO BA  YUNG SINAMAHAN MO NA ‘YON!!!”

“ANO BANG PAKIALAM MO?!”

“ANONG PAKIALAM KO? EH HALOS HUBARAN KA NA NUNG GAGONG YUN E!”

“Wala kang pakialam! Saka wala kanang pakialam sakin. Hindi naman ako  ang girlfriend mo. Hindi ba tapos na tayo? Ikakasal ka nga hindi ba? Wala ng tayo diba sabi mo? Kasi may mahal ka ng iba! Wala na Clark. Wala na! Umuwi ako dito para ayusin yung satin pero ang tanga ko lang dahil nahuli pala ako! Nahuli ako! Nahuli ako sa taong mahal ko! Sabihin mo sakin. Ano ba yung dapat maramdaman ko na yung taong mahal na mahal ko ay ikakasal na sa iba? Alam mo hindi ko na alam. Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Nasasaktan ako pero kasalanan ko naman to!” Hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko. Tama nga sila pag nakakainom ay lumalakas ang loob. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang maramadaman ko ang brasong humawak sa braso ko.

“Sinong nagsabing tapos na tayo?”

Halos kumunot ang noo ko nang marinig ko iyon, pero hindi ko itatangging may tuwa akong nararamdaman sa loob ko.


--Yiiiiiii! Sila na. Sila na. Hahahaha. Kahit ayoko ng mga story na nagkakabalikan pero eto talaga yung story e! Hahaha. 5 more chapters at kita kita na tayo sa POV ni Papa Clark! Salamat Madla!
Facebook.com/djchrissywatty

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon