Chapter 24

69 3 1
                                    

Hi Guys, sinisimulan ko na yung Story ni Jaja. The one and only, Jackielyn Jade Ramirez ♥

Author's Note: Guys. Alam ko namang marami akong mali. Tinatamad na kasi akong i-edit yun. Pero pag nagka-time naman ako, pagtutulungan namin ng bestfriend ko yun, Kaway Sis : ) Inaayos ko kasi yung paglipat ko ng school e ; ) Pero salamat sa mga tuloy-tuloy na sumusuporta nito. Kahit tahimik lang na nagbabasa. Maraming Salamat : ) Napapasaya ako na may nagvo-vote dito kahit papano. Anyway, brace yourselves, malapit na tayo.




Chapter 24.

Nagising nalang ako dahil sa daliring sundot ng sundot sa pisnge. Napasarap ang tulog dahil sa lamig. Hindi ko na kailangan buksan pa yung aircon dahil sa lamig.

Dinilat ko yung mata ko at nakita kong si Jasmine yun.

"Baby, mamaya na"

"Ate! Gising kana."

"5 minutes baby"

"Eh si Kuya Clark nandito"

" Baby, wag mo ng lokohin si Ate. Kay Kuya ka muna magpagawa ng sandwich mo"

"Ate naman e. Look!" sabi ni Jasmine habang ngumunguso.Nakatagilid kasi ako sa kanya at ngumuso sya sa kabilang gilid. Tinitingnan ko naman sya ng isang mata lang ang nakabukas.

Nagulat naman ako dahil prenteng nakaupo si Clark sa gilid at ngiti-ngiti pa.

"Oy, anong ginagawa mo dito?" Agad naman akong tumalikod sa kanya. Di pa kaya ako nagto-toothbrush.

"Kuya Clark. Baba nako ha? Nagugutom na ko e" sabi naman ni Jasmine na ngumiti pa bago dumiretsong bumaba.

"Namiss kita e. I ask your dad. Okay lang naman daw na sumunod ako. Saka kailangan narin daw nya akong kausapin. Di mo naman sinabi babe na botong-boto sakin ang Daddy mo"

"Ang yabang mo rin eh noh?"

Hinalikan nya ako sa pisngi. Hahalikan nya nasana ako sa lips pero tinakpan ko yun ng kamay ko.

"Oh bakit?"

"Di pa kasi ako nagto-toothbrush"

"C'mon babe, I traveled for almost 5 hours. Do you think papansinin ko pa yun?" At tuluyan nya na akong hinalikan. Mabuti nalang at wala akong bad breath.

Matapos akong halikan or should I say papakin ni Clark ay dumiretso na kami sa baba para kumain dahil nagugutom na rin kami.

Matapos naming kumain ay nakitang kong nag-alisan sina Kuya Blake kasama ang mga pinsan ko. Si Papa naman ay matutulog raw muna. Mamasyal nalang raw muna kami at isama namin si Jasmine.

Kaya ito namang si Clark. Kunwari daw sya yung Daddy ni Jasmine at ako ang Mommy. May sayad talaga. Hahaha.

Nandito kami sa Mines View habang si Jasmine ay nakaupo sa isang table habang kumakain ng strawberry ice cream. Ako naman ay nakatingin lang sa mga bahay na maliliit sa ibaba.

Naramdaman ko nalang ang lalaking yumakap sa likod ko. Syempre sino paba? Ang boyfriend ko. Naglalambing na naman.

"Ang sarap siguro tumira dito no?" Sabi ko sa kanya.

"Pero mas masarap tumira dito pag ikaw ang kasama" Sabi nya sakin sabay halik sa leeg ko.

"Mga banat mo Clark Austin!" Sabay naman kaming napatawa.

"Mommy! Daddy! Smile" napatingin naman kami kay Jasmine na tinapatan kami ng camera. Ang bata talaga na to. Mommy at Daddy daw? Si Clark ang may pakana nyan. Maglaro daw kami sabi nya kay Jasmine. Ito namang kapatid ko go na go lang.

*

Naisipan naman namin mag horse riding dito sa Wright Park.

Isang kabayo lang yung ginamit namin ni Clark hindi na sya nagpa-guide. Si Jasmine naman ay sakay ang isang puting kabayo na may pink na buhok at may nakahawak ditong lalaki para mag-guide sa kanya.

"Daddy! Tingin kayo dito" lumingon naman kami kay Jasmine at naka-ready na naman ang camera nya. Seryoso? Future Photographer pa yata ang kapatid ko.

Hinalikan naman ako sa pisngi ni Clark at yun ang nakuhanan ni Jasmine.

Napagdesiyunan naman na namin umuwi nang malapit na mag-alasais dahil mukang pagod na si Jasmine. Nakatulog na nga sya at binuhat nalang sya ni Clark. Ako naman ay dala-dala ko ang bag ng kapatid ko.

Nang papasok na kami sa bahay ay nakita kong umiinom sina Kuya Blake. Kuya Vin at Axcel.

Pinilit naman ni Kuya Blake itong si Clark na sumama sa kanila. Nagtanguan naman sila. Okay. Guy's language.

Nang maibaba na ni Clark si Jasmine ay nagpaalam syang sasama nga muna kina Blake. Papa-goodpoints raw sya bago bumaba ay humalik muna at kinurot ang isang dibdib ko kaya't nasapak ko sya. Tumatawa-tawa naman syang bumaba.

Naisip ko namang ayusin ang mga dalang damit ni Clark.

Naisip ko naman bigla ang mga Ramirez. Alam kaya nila na nandito si Clark. Na magkasama kami? Alam ko namang hindi. Pero ano kaya ang posibleng mangyari pag nalaman nila? Dapat na siguro naming sabihin. Kailangan na namin silang harapin. Oo tama, haharapin na namin sila.

Maya-maya pa ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Clark at nakita kong mamula-mula na ang kutis nya siguro ay dahil sa alak.

"Babe" lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi.

"Clark." Tawag ko sa kanya habang tinatanggal ang sapatos nya.

"Sabihin na natin sa kanila" napatingin naman sya sakin at ilang sandali munang tumingin sa akin bago magsalita.

"Pag-uwi natin" at ngumiti na sya sa akin.

Add nyo ko -> facebook.com/djchrissywatty

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon