Chapter 5

128 2 1
                                    

A/N: Sorry sa mga grammars. Typos. Pag nagkatime, edit ko. I Promise.

I want to dedicate this chapter for MarcoJose. Grabe. Bagong reader lang nya ako pero grabe sobrang galing. Iba pala pag lalaki yung author. Alam mo yun? Iba magpakilig. Basahin nyo stories nya. Grabe.

CHAPTER 5 (Last day)

Clark's POV

"Shit Clark! . . Clark!!"

Bigla nalang akong napatalon habang hinahanda ang breakfast namin ni Wendy ng bigla syang nagsisigaw mula sa kwarto. Mamaya-maya lang kasi ay dadating na ang private jet para makauwi na kaming Manila.

"Wendy? Hala. Wendy! Bakit may dugo?" Bigla naman akong kinabahan dahil nakita kong may dugo sa kama at namimilipit sya sa sakit habang nakahawak sa ibaba ng tyan.

"Yung puson ko masakit."

"Ano teka. Ano ba? Sandali kumapit ka sakin dadalin kita sa hospital."

"Hindi sira. Sa C.R. dalin moko dun."

"Ha e? Bakit sa C.R.?"

"CLARKKKKKK!"

"Oo eto na nga" At binuhat ko na sya papuntang C.R..

"Labas na. Salamat!"

"Dito lang ako. Baka mapano ka dyan."

"Okay na ako, dun ka sa labas. Please!"

"Eh pa-"

"Clark naman!"

At ayun lumabas na nga ako. Napapunas nalang ako ng towel dahil sa sobrang kaba. Jusko.

"Ahm Clark."

"Hmm? Bakit babe? Anong kailangan mo?"

"Paabot naman ng napkin please."

Inabot ko naman ang napkin na nasa table sa kanya agad-agad. Grabe yung babaeng to. Nagiging robot talaga ko pag sya na ang pinaguusapan.

"Hindi ito! Aanin ko to? Napkin as in MODESS! Clark naman e!"

Ano raw? Ah oo. Yung nilalagay ni Ate Julia sa panty nya dati. Oops. Namiss ko tuloy si Ate. Kumusta na kaya ang mga pamangkin ko?

"Clark!"

"Ayy Sorry Babe.. . Ano ulit?"

"Modess."

"San ba nakakakuha non?"

"Ahm ano sa tindahan. Grocery. Kahit saan maghanap ka bilis!"

"Eh halika na. Bili na tayo."

"Kundi ka man talaga siraulo tingin mo makakaalis ako?"

"Oo nga. Sige sandali lang."

"Hay. Andaming dakdak!"

Sumakay nako sa motor ko at nagdrive na papuntang grocery tinakbo ko lang yata ng 2 minutes ang dapat na 5 minutes.

Pumasok na ako agad at kumuha ng basket.

Nagpunta nako doon kung saan may nakalagay na "FEMININE CARE" Shit. Nakakahiya. Puro babae pa naman yung nandito. May lumapit saking saleslady.

"Anything Sir?"

"Ah Miss. May ano ba kayo dito?" Awww shit. Pano ko ba sasabihin to?

"Ano yun Sir?"

"Yung ano.." Aww Shit. Nakakahiya. Pero baka mapano na si Wendy dun.

"YUNG PANLAGAY SA ANO NG BABAE KAPAG DUMUDUGO!" Aww. Napalakas yata. Nagtinginan yung mga babaeng namimili at nagtatawanan pa. Eto namang Honey yata na Saleslady dahil Honey ang nakalagay sa nametag nya eh isa ring nangingiti.

May mali ba sa sinabi ko?

"Napkin Sir. This way po."

"Sige sige."

At dinala nya na nga ako dun. Napakadami naman nito. Iba't-ibang kulay pa. May violet may blue. Tss.

Kinuha ko nalang lahat ng kulay. Tagsasampong pack. Bahala na.

Umalis na ako dun.

"Thank you Honey."

"Welcome Sir."

"Clark"

At umalis nako para pumuntang cashier.

Nung mailapag ko na yung halos dalawang basket na napkin eh nagtitinginan yung mga kasabay ko. Jusko. Wala nakong nagawa kundi yumuko.

"1,560 Sir."

Inabot ko agad ang 2000 at sinabi kong "Keep the change". Jusko di ko na kaya yung mga nagtitinginan sakin.

————-

Wendy's POV

Haaay. Bakit naman kasi ngayon pako nagka-dysmenorrhea. Girl's problem nga naman.

Buti nalang nandito si Clark. Nung maging okay nako, kinwento nya yung mga nangyari kanina sa grocery. Tawa ko nang sa kalokohan ng loko. At ito pa. Halos tatlong plastic yung inuwi nyang napkin. Napakatagal namang supply nun sakin. Ang baliw talaga ng boyfriend ko.

Ngayon nga e nasa private jet nya kami. Ilang minutes nalang eh lalapag na to sa rooftop ng condo nya.

Nakahawak si Clark sa bewang ko nang buksan namin ang pintuan ng Condo nya.

Bigla ko namang ibinababa yun nang

"SURPRISE!!!!"

Halos malatid yata ang bituka ng mga pinsan kong to sa paghiyaw. Kasakit sa tenga. Pero muntik na kami dun. Muntik pa naman umisa ng halik sa sakin si Clark. Nakapalandi naman kasi ng isang to.

"Wendy, beybi! I miss you!" Sabi ni Jaja na papalapit sakin at nagbeso-beso pa kami.

"Bakit nandito kayo? Saka bakit may susi kayo ng Condo ko?" -Tanong naman ni Clark sa mga pinsan kong pamangkin nya.

"We have our ways Tito. Hahaha. Pa-hug nga! Namiss ka namin e!" Sabi naman ni Jay na pinsan kong bakla.

"Hi Wendy!" Sabi naman ni Aila.

"Aila. Mygosh! Kelan kapa dito?" Tanong ko naman kay Aila.

Si Aila kasi yung pinaka-close ko sa kanilang tatlo, yun nga lang nagkalayo kami kasi sa Canada sya nag-aral.

"Kahapon lang. Alam mo naman. Kailangan ako sa debut ni Shane. Sinurprise sana kita, kaso bakit ako yata ang nasurprise." Oo nga pala debut na ni Shane the day after tomorrow.

Ano raw?

"Oo nga naman! San ba kayo galing ni Tito Clark?" Sabat naman ni Jay habang chine-check yung kuko nya.

Si Clark kasi ay dumiretso na sa loob pagkatapos batiin ang mga pamangkin nya. Ang cool nga e. Tito nila si Clark na ako din eh halos 3 o 2 years lang naman ang gap ni Clark sa kanila.

"Umalis kasi sila Mommy so dito muna ko nag-stay sa Condo ni Cla- ni Tito Clark . Eh magbabakasyon daw sya kasama yung mga kaibigan nya kaya sinama nya na ako" Lie.

"Okay whatever." Sabi ni Aila na tinaasan ako ng kilay at tumalikod. Ghaaaad. Kinabahan ako sa ginawa nya na yun ah.

Tinulungan na nila akong ipasok ang mga gamit ko. Uuwi na rin naman ako bukas dahil dadating na sila Mommy mamayang medaling araw.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon