Chapter 11

71 2 0
                                    

Chapter 11

"Clyde dito mo nalang ipatong yan."

Utos ni Aila kay Clyde habang pinapatong nito ang mga tequila sa gitna. Gabi na rin kasi, tulog na ang mga Ramirez pati narin si Jasmine ay maagang nakatulog dahil ayaw nila paawat ni Cia sa pagsu-swimming kanina, buti nalang at nandito ang dalawa kong Kuya, kaya hindi ako nahirapan kay Jasmine, kahit kasi kinukuha ko na si Jasmine para ako naman ang mag-alaga ay ayaw akong kasama. Mas gusto pang kasama yung dalawa kong Kuya, kaya no choice sila. Pinagtig-isahan nila si Cia at Jasmine.

Ngayon nga ay naisipan nila gumawa ng bonfire dahil ayaw rin naman nila matulog. Kaya nandito kaming lahat. Sila Kuya Clyde, Kuya Joshua, Jay, Shane, Jaja, saka si Aila at Cloe. Hindi rin pinaawat ni Jay etong si Clark kahit sinasabi nyang matanda na raw sya. Wala daw yun e anu naman daw ba ang 2 years gap nya kay Jay.

Nakapa-ikot na kami sa bonfire habang katabi ko si Jay at si Shane. Katapat ko naman si Clark. Sinabi ko kasi sa kanyang lumayo rin sakin minsan dahil baka makahalata ang mga pinsan ko na pamangkin nya. Nung una ay makulit sya pero nang sabihin kong 'walang kiss' ay di na sya umapila pa.

"Body Shot! Body Shot!" Sigaw nila.

"Kadiri kayo! Di maganda yun. Magpipinsan tayo e kung sana maraming babae dito." Sagot ng Kuya Joshua ko. Totoo nga naman.

"Mabilis lang naman. Ang arte mo Joshua." Sagot naman ni Jay sa kanya.

"Landi mo bakla! Pabor na pabor sayo. Palibhasa kahit sila Clyde pinagnanasahan mo!" Sigaw naman ni Aila kay Jay at sabay sabay kaming nagtawanan. Hahaha.

"O game! When I turn the bottle kung sino yung unang tatapatan sya yung magli-lick then, on the second turn sya yung lalagyan ng salt. Ready?"

"Kabaklaan mo talaga Jay. Game!" Sigaw naman ni Shane.

"Oops! " Sigaw ni Bakla!

"Teka parang nananadya nalang si Jay e."

"Ano ba kayo? Malakas lang talaga akis! Game na. Second turn!"

"Oops Joshua!"

"Kadiri!" Sigaw ni Kuya ng tumapat sa kanya. Halos mamatay namin kami kakatawa. Nahuli ko namang patingin-tingin sakin si Clark at kumikindat pa. Ang loko baka mahuli kami.

At sinumulan na nga ni Jay ang pag-inom, si Aila naman ang naglagay ng salt sa leeg ni Kuya. Ang Kuya ko naman ay salubong ang kilay at mukang diring-diri kay Jay. Nabalot naman kami ng malalakas na tawanan dahil kay Jay at may papikit-pikit pa kasi ang gaga! Hahahha.

"Next!"

"Oops! Tito! Ikaw na!" Nagulat naman ako dahil kay Clark tumapat. Jusko, dapat si Jay nalang ulit. Pero malabong mangyari yun dahil nasa gitna si Jay at feel na feel ang pagpa-facilitate samin.

"Cloe baby!"

O shock! Kitang-kita ko naman ang expression ng muka ni Cloe. Halatang kilig na kilig. Hindi man lang ba sya marunong magpakipot?

Tiningnan naman ako ni Clark with the is-it-okay-with-you look. Tumango nalang ako dahil kahit nasa posisyon ako para tumanggi ay wala naman akong magagawa pati na rin sya.

Sinimulan ng inumin ni Clark yung tequila sa shot glass.

Si Jay naman yung naglagay ng salt sa....

"Hmm? Where sould I put this?" Tanong ni Jay habang sinisipat-sipat si Cloe.

Hindi ko naman mapigilan ang pagyuko dahil ayoko makita yung susunod na mangyayari.

"Here." Nilagay nya yung salt sa leeg ni Cloe.

"And here." Nilagyan din ng salt ni Jay ang bandang puson ni Cloe, Teka? Bakit ba andami?

"Lastly, here." At nilagyan nya rin ng salt ang gilid ng mga labi ni Cloe.

Awww. Jay!!!

"Yiiiiii!" Nagsisigawan naman ang mga pinsan kong babae nang magsimula na si Clark.

Pagtingin ko sa kanila ay nakita ko naman ang tingin ni Clark sakin, tumango nalang ulit ako para malaman nyang okay lang sakin kahit hindi.

Natapos na rin ni Clark kunin ang lahat ng salt na ikinalat ni Jay sa katawan ni Cloe.

"Boring to bakla. Okay sana yung kay Clark at Cloe e. Ibahin mo nalang! Truth or Truth nalang!" Sigaw naman ni Shane! Maingay talaga si Aila at Shane kaya magkasundong- magkasundo silang tatlo nila Jay. Eto namang si Ja nalalaglag-laglag na yung ulo dahil napipikit pikit na sya. Ewan ko ba naman kasi sa kanila at pinilit pa nila eh nakitang nagbabasa yung tao kanina.

"Mas boring yun!" Sagot naman ni Jay.

"Okay lang yun, Since matagal na rin naman akong nawala. Marami na akong di alam dito." Sabi naman ni Aila.

Oo nga naman at may point sya.

"Right Wends?" Ano raw?

"Huh? Oo." Sagot ko naman sa tanong ni Aila.

"Sige yun nalang! Makatulog na pagkatapos!" Sigaw naman ni Kuya Clyde.

"Game!"

"Ooops its me again!" Sigaw ni Jay.

"Napakalandi mo talaga! Ano ba itatanong namin sayo? Hahaha. Feeling artista naman kasi!"

"Virgin kapa?" Nagulat naman kami ng biglang magsalita si Cloe.

"Ha? Depende." Sabi ni Jay na mukang kinikilig-kilig pa.

"Yuck! Kadiri ka talaga bakla!" Sabi naman ni Aila.

Depende? Depende kung sa girl or boy? Hahaha! Kadiri nga.

"Wala tayong mapapala kay Jay." Sabi ni Kuya Clyde at tiningnan na naman si Jay na parang diring-diri. Hahaha. Kahit ganito kami kay Jay, inaamin naman na sya talaga yung nagpapasaya samin. Nung una nga, ang tagal bago matanggap ng parents nya na beki ito. Kung sino-sino ang pinapa-date pero ang ending naging chaperone lang ang ka-date. Wala narin namang nagawa sila Tita kaya sinuportahan nalang din nila in the end, pero pag nakaharap ang Daddy nya kailangan lalaki parin sya.

"Oww! Its our Wendy!"

Nagulat naman ako nang sakin na tumapat ang boteng pinapaikot nila. Nakatingin na silang lahat sakin. Pati narin si Clark na nginingitian pa ako.

"May boyfriend ka?" Napatingin naman ako kay Aila.

Lahat sila ay tila ba naghihintay ng sagot mula sa akin. Tiningnan ko naman si Clark na ngayon ay isa ring naghihintay ng sagot sakin. Bakas ang lungkot sa kanyang muka.

Huminga muna ako ng malalim bago salubungin ang mata nilang tila ba gusto ng malaman ang sagot ko.

"Meron." Halos manlaki naman ang mata nilang lahat sakin.

"Ha? Sino?" Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Shane.

Alam rin kasi nila na I'm not into boys. Kundi aral ay puro shopping naman.

"Aw guys! Pasok na dali. Umuulan na!" Bigla na kaming nagtakbuhan sa kanya-kanyang kwarto dahil bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.

Muntik na ako dun.

Si Clark oh, ang yummy ->

-Chrissy

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon