Chapter 37

61 2 9
                                    

Chapter 37





"Ano bang  kaek-ekan ni Tito Clark to? Bakit ba nagpunta pa tayo dito? Saka lahat talaga kumpleto?" sabi ni Jay. Nandito kasi kami sa restaurant mismo na pagmamay-ari ni Clark. Nalaman kong ipinasarado ito ni Clark at kung bakit? Yan ang pare-pareho naming hindi alam.






"Baka may pakulo na naman si Tito. Last time yung sa pool? MyGod Wendy dear, kung nandon ka malalaglag ang panty mo. It was Stephanie's birthday and then he gave a necklace tapos habang nilalagay n'ya yon may kung anu-anong lumilipad. Grabe sobrang nakakakilig si Tito." Wika ni Shane sa'kin.







Napayuko nalang ako sa sinabi n'ya. Dati kasi ako ang binibigyan ni Clark ng necklace, ako yung special. Ako lang yung nakikita n'ya. Pero ngayon wala na. Pero alam kong kasalanan ko naman ito. Pero hindi ako susuko. Ilalaban ko yung pagmamahal ko sa kanya.




Oo nasasaktan ako, pero alam kong nasaktan ko din si Clark nun. Pero ipinapangako ko, kapag naayos ko to ay hindi ko na sya sasaktan at iiwan pang muli. Mahal ko si Clark. Alam ko yun sa sarili ko. Dahil hindi naman ako masasaktan ng ganito dahil sa kine-kwento sakin ng mga pinsan ko kung paano maging isang mabuting boyfriend si Clark kay Stephanie.

Mabuti nalang at wala ako dito noong mga panahong masaya. Hindi ko kasi kakayaning ngamamahal ng ibang tao ang mahal ko.

"Oh ayan na pala si Tito! ... Tito!" sigaw ni Jay habang papasok si Clark sa loob ng resto at may dala-dalang maraming roses.






"Here" Wika n'ya sakin ng maiabot ang isang rose. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti. Ano ba ang ibig sabihin nito? Tinitingnan ko sya at nakita kong nakatingin sya sakin. Hindi ko alam kung bakit nya ako binigyan ng rosas. Pero dapat ko pa bang isipin yun. Kasasabi ko lang kanina na hindi na ako special para kay Clark, pero nagkakamali pala ako, dahil hanggang ngayon ay ako parin.

"Thankyou" at nakita ko  nalang ang pagsmirk nya at nilampasan ako. Bigla namang kumunot ang noo kung kaya't tumingin ako kung saan siya papunta. And there I saw it, binibigyan niya rin ng mga roses ang ibang pinsan at emplayado pati na rin sina Tito at Tita ng mga roses.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon