Chapter 18

63 2 0
                                    

Chapter 18

Nang makauwi naman ako sa bahay nina Papa Seth ay nag-ring ang phone ko.

"Babe. I need you" rinig na rinig ko ang tila ba panghihina ng boses ni Clark na sya naman nagpa-kaba sa akin.

"Ha? Pupuntahan kita. Where are you?"

"My unit. Please babe"

Agad naman akong nagmadali. Hindi narin ako nakapagpalit dahil sobra akong nag-aalala kay Clark. Ano kayang nang-yari dun? Ilang araw ding di kami nag-uusap simula nung Graduation Party ko. Mabilis ko lang narating ang building kung saan naroroon si Clark.

Agad akong sumakay sa elevator at agad-agad ko ring binuksan ang pinto ni Clark dahil may spare key rin naman ako.

Nagulat nalang ako ng lahat ng ilaw ay patay. Napatingin nalang ako sa lalaking nag-gigitara habang may nakatapat na ilaw sa kanya.

Play-I'll Be- Edwin McCain

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath.

And emeralds from mountains thrust towards the sky

Never revealing their depth.

Naririnig ko na ring kumanta si Clark noon at alam kong magaling talaga syang kumanta pero iba pala pag ikaw mismo yung kinakantahan nya.

Tell me that we belong together,

Dress it up with the trappings of love.

I'll be captivated,

Habang kumakanta sya ay nakatingin lang sya sa akin ng diretso. Tingin na para bang ako yung lakas nya, tingin na punong-puno ng pagmamahal.

I'll hang from your lips,

Instead of the gallows of heartache that hang from above.

I'll be your crying shoulder,

I'll be love's suicide

I'll be better when I'm older,

I'll be the greatest fan of your life.

Hindi ko alam na napatulo na pala ang luha ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

I'll be your crying shoulder,

I'll be love's suicide

I'll be better when I'm older,

I'll be the greatest fan of your life.

Tumayo na sya sa kinauupuan nya at inabot sakin ang isang boquoet ng red roses which are my favorite.

"Happy Monthsary babe." Sabi nya sakin habang inaabot ang roses.

"Nakakainis ka!"

"Bakit? Nainis kapa talaga ha? Di ka man lang kinilig?"

"Kinilig, kaso akala ko may nangyari na sayong masama. Nagmadali ako pumunta dito. Pano nalang pag naaksidente ako ha?"

"It won't happen babe. In fact, may pinasunod ako sayo kanina. Alam ko kasing mag-aapura ka talaga."

"Sira ka talaga!"

Niyakap nya naman ako at hinalikan sa ulo.

"I love you Wendy. Don't you dare to leave me. I swear, I might die"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit naman kita iiwan? Hindi mangyayari yun. Mahal kaya kita" at hinalikan ko na sya labi.

Hinding-hindi kita iiwan Clark. Never.

*

Nagpahatid rin naman ako kay Clark matapos namin i-celebrate ang 4th Monthsary namin. Ibinigay ko na rin yung Monthsary gift ko sa kanya nang maihatid nya ko dito kina Papa, mabuti nalang talaga at dala ko.

"Goodmorning Ate" Nahinto naman ako sa pagtulong kay Manang sa pag-prepare ng breakfast dahil lumapit sakin si Jasmine at humalik sa pisngi ko.

Nakita ko namang bumaba na si Kuya Blake sa hagdan. Gad. Ngayon ko nalang ulit nakita si Kuya. Sobrang busy nya na kasi dahil sya tine-train na sya si Daddy sa company.

"Wendy! Gad! I miss you so much!"

Niyakap nya ko at binuhat-buhat pa.

"Kuya, Kuya, ibaba moko!"

"Namiss lang kita. Ikaw ha porket may Clark kana!"

"Kuya Blake!"

Tinulungan narin naman ako maglagay ng mga kubyertos sa table ni Kuya.

"Kelan nyo balak sabihin?" Napa-seryoso tanong sa akin ni Kuya. Alam rin nya ang tungkol samin dahil napapansin naman raw nya. Alam rin naman daw nyang mahal na mahal ako ni Clark kaya ayos lang sa kanya.

"After Graduation sana, kaso humahanap pa kami ng tamang tyempo."

"Basta mag-iingat ka. Always remember nandito lang kami nina Papa para sayo"

Tumango nalang ako kay Kuya. Medyo lumakas yung loob ko dahil alam kong di lang ako nag-iisa sa laban na ito. Napaka-swerte ko dahil may isang pamilya pa ko na nagmamahal sa akin.

Natapos naman namin ang breakfast namin with Papa. Umalis na rin si Papa, si Kuya naman ay nagpaalam munang di papasok dahil masama raw ang pakiramdam nya, si Jasmine naman ay umakyat sa kwarto nya habang ako ay nandito sa kusina tiningnan ang mga ginagawa ng katulong at medyo nagpapaturo ring magluto.

"Mam Wendy, may naghahanap po sa inyo"

"Sino raw po? "

"Pinsan nyo daw po"

Wala naman akong maisip na gala namin ngayon nina Jay.

"Aila?"

Tinaasan naman nya ako ng kilay.

Tumayo sya sa pagkaka-upo nya.

At dire-diretsong sinampal ako.

"My gad Wendy. Lahat ng hinala ko tama! I was there at building last night! I asked the security guard kung anong nangyayare and he said you're there para mag-celebrate ng Monthsary nyo. Mygad Wendy? May nalalaman pa kayong pa Monthsary monthsary? Monthsary with your Uncle? Mygad. Pati yung security guard dinamay nyo pa sa kalandian nyo! Wala nabang ibang nanliligaw sayo kaya pinatulan pati ang Tito natin? Parang wala ka namang pinag-aralan! And worst, Cumlaude ka pa! The way Tito Clark look at you alam kong meron. At yung sa CR. Dun palang Aila. Mygad. Diba kayo nandidiri? Immoral yang ginagawa nyo!"

Halos maubos na ang luha ko dahil sa mga sinasabi ni Aila. Totoo naman e. Napaka-walang kwenta ko. Pero wala naman akong pinag-sisihan dahil mahal na mahal ko si Clark. Hindi ko lang alam kung paano haharapin ang galit ni Aila. Alam kong malalaman rin nila at eto na nga nagsisimula na.

"Excuse me Miss. Diba immoral din yang ginagawa mo. Nandito ka mismo sa bahay namin and yet kung insu-insultuhin mo itong kapatid ko. Teka sino kaba?" Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Kuya.

"I'm Aila. Aila Ramirez. Cousin of Wendy Ramirez na boyfriend si Clark Ramirez na tito namin. Ano? Kukunsintihin mo nalang ba yung kapatid mo?"

"Kuya please. I can handle this"

"No Wendy. Sumosobra na tong babaeng to. Ni hindi nga kayo magkadugo e, kaya wala syang karapatang pagsalitaan ka ng ganyan."

"Kuya Please" Medyo napataas na ang boses ko kaya't umalis na si Kuya.

Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong sabihin kay Aila. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Ito naba yung kinatatakutan ko? Masisira pa yata ng isang ampon ang mga Ramirez. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Clark. Kakayanin kaya namin ang laban na to?

-Hello sa mga silent readers dyan.Haha! Ipaalam nyo naman sakin ang mga saloobin nyo. 12:26 na, nakapag-update parin ako : )

Add nyo ko sa facebook -> facebook.com/DjchrissyWatty

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon