Chapter 49-1

32 0 0
                                    

Chapter 49

“Tito, sige na kasi, busy si Shane. Si Jay naman ayaw sumagot sa tawag ko. Si Oliver naman na-out of town kasama yung parents niya. Please Tito? Promise. Lilibre kita kahit mas mayaman ka pa sakin. Hahahaha”

Nandito sa condo ko si Wendy at nagpapasama mag-shopping. Wala na namang makasama kaya ako ang kinukulit. She’s third year college now. Ako naman ay nagtatrabaho na sa kompanya ng pamilya at hindi ko na siya masyadong nababantayan. Sila parin ni Oliver, natuto nakong magtiwala dahil sa pagsuno-sunod ko sa kanila ay nakita ko naman kung sino yung tao kahit papaano.

“Sino bang  makakatanggi sa mukang to?” sabi ko sa kanya at madiing kinurot ang mga pisngi niya.

“Ouch! Ang sakit ‘non. Gumayak ka na! Pagamit ng laptop mo!” at tumakbo na siya sa kwarto ko at mabilis na isinarado iyon. Ako naman ay dumiretso na sa CR para maligo.

Anything for my Wendy.

--

“Masyadong maikli. Wag yan!”

“Urrrrgh! Bakit kasi lahat ng tao ngayon busy?” at mabilis niya ibinalik ang dress na hawak niya kanina. Konting maling galaw lang yata niya doon ay kita na ang kaluluwan niya. Hindi ko siya masisi na magsuot ng mga ganon dahil maganda naman talaga yung katawan niya. Morena. Yung iba ko kasing pamangkin ay mapuputi kaso maputla ang pagkaputi nila. Tanging si Wendy lang ang morena. Dahil siguro kay Ate Maricar. Kaya inis na inis ako pag lalabas kami at ang lahat ng lalaki ay parang hinuhubaran siya sa mata nila.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon