Chapter 30

64 2 0
                                    

CHAPTER 30


Play — Di lang ikaw-Juris

Its 4 in the morning at mahimbing na mahimbing ang tulog ni Clark. Tinawagan ko naman yung caretaker ng bahay at sinabi kong tingnan tingnan si Clark.

Tinext na ako ni Kuya Blake na nasa baba na sila ni Axcel para sunduin ako.

Halos gusto kong humagulgol pero hindi pwede dahil magigising si Clark.

Nung una, natatakot ako dahil akala ko hindi kaya ni Clark. Sabi ko, baka isang araw sumuko nalang sya. Pero eto ako, iiwan sya. Heto ako, aalis kahit nangakong hindi ko sya iiwan.

Mahal na mahal ko si Clark at hindi ko kakayanin na masisira lang ang buhay nya ng dahil sa akin.

Tandang-tanda ko pa ang pagke-kwento nya sa akin nung college sya. Pagbubutihin raw talaga nya ang pag-aaral nya, dahil gusto nyang maging katulad ng mga kapatid nya na nagta-trabaho sa Ramirez Corp.

At nang maging parte sya ng Ramirez Corp ay nakita ko kung pano sya magsaya.

Ayokong iwanan n'ya yung mga pangarap n'ya na 'yon dahil sakin.

Sino lang naman ba ako para guluhin sya diba?

Ayos lang na masaktan ako basta maging maayos sya.

Alam kong sobrang magagalit sa akin si Clark, pero wala akong choice. Mahal ko sya at gustong kong ituloy ang buhay nya.



Malapit na kami sa Airport nang makita kong sumusunod ang kotse ni Clark sa amin. Sobrang bilis ng pagpapatakbo nya.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Kilala ko si Clark, alam kong sa ganitong pagkakataon ay wala syang pakialam sa mga dadaanan nya.

Hindi naman nagtagal ay narating narin namin ang airport. Na-contact ko na si Aila na pupunta ako 'don.

 Hindi ko padin kinakausap si Mama. Si Papa. Kahit ako ay nasaktan sa nangyari. Namimiss ko na ang mga pinsan ko. Sina Jay. Ano kaya ang sinasabi nila?

Tumawag na ako kay Papa Seth at naintindihan naman nila ko.

Si Kuya Blake na alalang-alala sa akin.

Bumaba nako at nakita kong bumaba si Clark sa sasakyan nya at biglang yumakap sa akin.



"Babe, aalis ba tong brother-in- law ko? Hindi mo naman sinabi para nasamahan kitang maghatid. Nagmadali tuloy ako. Ang bilis kasi magpatakbo nitong Pareng Blake ko"


"Clark" at halos maiyak  na ako.


"Bakit ka umiiyak? Babalik naman si Blake. Si Babe talaga.. Tara nga dito" Yayakapin nya na ako pero pinigilan ko sya.


"Clark, let's stop this"


"What? Did I hear you right? Come again baby?"


"I said let's stop this. Tama na. Marami na tayong nasasaktan" tumalikod na ako sa kanya.



At niyakap nya naman ako mula sa likod. Wala na akong nagawa kung hindi umiyak ng umiyak.

Alam ng Diyos, kung gaano ko ka mahal ang lalaki na ito, sadya nga lang malupit ang tadhana at hindi kami itinakda

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon