Chapter 7

105 3 0
                                    

CHAPTER 7


Umupo nako sa tabi ni Papa Raph at Kuya Joshua. Kumpleto kaming buong Ramirez dito sa bahay.


"Ang sarap naman nitong Kare-kare Maricar" Sabi ni Tita Tony habang naglalagay ng alamang sa kanin nya.


"Oo. Pinapanuod ko nga tong si Wendy para naman matuto ng magluto hindi yung puro itlog lang" Sabi pa ni Mommy sa mga Tita ko.

Saka sila nagtawanan.

Ay nako. Di ko naman kasi namana kay Mommy yung pagiging magaling magluto.

"Nako ayos lang yan. Prinsesa naman tong si Wendy saka bawi naman nya sa Acads nya" Sabi naman ni Tita Julia.


"Oh maiba ko, may mga susuotin naba kayo sa Debut ni Shane?" Tanong naman ni Tita Tony dahil malapit na ang debut ng anak nya.

"Sweetheart, naayos ko na yung susuotin ng mga pamangkin natin. One of these days susukatan na sila" Sabi naman ni Tito Alex na asawa ni Tita Tony.


"We'll that's good. I want everything to be perfect. Maraming pupuntang mga business partners ng Ramirez Corp" Bigla namang sabat ni Lolo Arnold. What do you expect? Hindi naman siguro yayaman ng ganito ang mga Ramirez kung hindi puro business ang inaatupag ni Lolo. Nakakalungkot nga lang at namatay na si Lola.


Yung mga pinsan ko naman ay may kanya-kanyang mundo. Sila Kuya Josh at Clyde na binubwisit si Jay. Eto namang pinsan kong maarte din at kalahati hampas ng hampas while Aila and Shane is discussing kung ano ba yung mga babagay na gown sa kanya. Pero si Ja ang pinakatamahimik sa lahat eh sinasali din nila Aila at ime-make over raw nila.


Si Cha naman ay buhat buhat ng papa nya.


Ako naman e tahimik lang nakikinig sa usapan ng mga Tita at Tito ko, Puro business. Boring.


Nahuhuli kong tumitingin minsan sakin si Clark tapos kikindat. Kaya minabuti ko nalang na yumuko para walang makapansin.



"Ayy!" Napasigaw nalang ako dahil may naramdaman akong paa sa hita ko na para bang nangingiliti.


"What's wrong hija?" Tanong naman Papa Raph sakin agad.

Grabe. Nakakahiya. Alam kong isa lang ang salarin dito.

"Ah wala po"

At bumalik rin naman ulit sila sa naudlot nilang usapan.

Tiningnan ko naman si Clark na nagtaas- baba pa ng kilay sakin. Napakawalang hiya!

Pagkayari ko naman syang lakihan ng mata ay ibinaling nya sa gilid nya ang tingin at pumito-pito pa.

Kung hindi aayos tong hinayupak nato. Mahuhuli talaga kami.


-

"Ohaaa! Tama nay an. Baka isipin ng iba ikaw yung debutante. Haha Go na girl! Wear your dress na!"

Sabi sakin kaibigan ni Mama na nagmake-up sakin.


I am wearing my red long gown. Lahat naman ng pupunta red e. Iba-ibang style lang. Naka-bun yung hair ko then may kulot sa dulo. Nandyan yung picture ko sa side.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon