Chapter 45

48 3 2
                                    



Chapter 45



May gagawin ulit akong bagong story, gusto kong hulaan niyo kung kanino 'yun. Haha. Pero tatapusin ko muna to bago ko i-post ang Prologue non :)

—DC


"Pia, diba I told you na you can't carry Summer. Baka malaglag siya."

"Summer is so cute Mommy I can't help it. As well as Rain"

"I know, pano pag nalaglag siya, baka mapilay gusto mo ba 'yon?"

"Ang tagal naman kasi nila lumaki para magkaron nako ng kalaro."

"Ma – ma!" tumigil na kami sa diskusyon ng anak ko ng tawagin ako ni Summer.

"Baby." Binuhat ko siya at lumapit sa crib. Hindi pa gising ang kakambal niyang si Rain.



Summer and Rain, they are my twins. Bago kami lumipad ni Carly dito ay nalaman kong buntis ako. At isa lang naman ang lalaki sa buhay ko. Mas minabuti ko nang umalis dahil mas lalong magugulo ang buhay ni Clark pag sinabi ko pa sa kanya. Hindi ko naman kailangan ng suporta niya dahil kaya ko naman buhayin ang kambal ko. They are 2 years old now. Alam kong sandali lang ang iintayin ko at itatanong nila sa'kin kung nasaan ang kanilang ama. Pero hindi ko na muna ngayon iisipin yun.




"Wah! Wah! Wah!" napaiktad ako ng marinig ko ang iyak ni Rain. Ay ito na ang mahirap pag pareho silang gising. Pareho silang nagpapabuhat. Inaamin kong hindi madaling magbuntis pag walang asawang umaalalay sayo. I'm so thankful that Carly is here at kahit papano ay tinutulungan niya ko. Ang ayaw lang talaga niya ang pagpapalit ng diaper. But still, I love her!



"Mommy! I am going to post this at the refirigerator!" sabi sakin ni Pia habang hawak ang isang papel.




"What's that?" lumaking medyo pasaway itong si Pia ewan ko, kasalanan ko rin yata at ibinibigay ko sa kanya ang lahat. Sobrang naging protective ako sa kanya simula ng mawala si Ivan. Ayokon maramdaman niyang nag-iisa siya.



Ipinakita niya sakin ang drawing niya. Nandon siya, si Summer at Rain pati ako na nasa gitna nila. May isang malaking araw pa na nakangiti.

"Mommy, bakit yung drawing ng mga classmates ko may boy? Big boy Mommy. Daddy daw nila 'yon. Eh diba si Daddy Ivan is in heaven eh where is Summer and Rain's daddy?"

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon