Chapter 46-Page 3

34 2 0
                                    

"Sorry" ngayon lang ako natauhan dahil napahigpit palang ang hawak ko sa kanya para lang mailayo sa mokong na'yon.

"Tss. Saan ba yung room ko? Ang init init na dito!"

Tinuro ko naman agad ang classroom niya at agad na tumakbo papasok doon. Tingnan mo tong isang to, kabod nalang akong iiwan dito. Napasipa nalang ako sa batong malapit sa'kin at sinundan siya. Nakita ko naman agad na may kausap na siya. Nagtagis ang bagang ko nang mapansin kong lahat ng lalaki sa room nila ay sa kanya lang nakatingin. Mga gagong to!

Wala na akong nagawa kundi ang i-text nalang siya at sabihing susunduin ko siya mamaya.

*

Tingnan mo tong babaeng to, sabi ko ay susunduin ko siya pero kung sinu-sino na ang kasama. Katatapos lang namin mag-practice para sa tournament at mabilis akong nagpalit para sana masundo siya at sabay kami umuwi. Nakakainis. Di ko naman dapat ginagawa ito. Pero para sa'kin ay parang kailangan ko siyang alagaan. Hindi ako mapapakali kung hindi siya nakikita ng paningin ko.

Kasalukuyan siya kumakain kasama ang mga kaibigan niya nang

"Fuck!" agad akong napatakbo ng makita kong tinamaan siya ng bola sa ulo at agad na bumagsak.

"Excuse!" sigaw ko sa mga istudyanteng nasa paligid. Agad ko naman siyang binuhat at dinala sa clinic. Fuck. Lagot ako kay Kuya Raphael nito. Sino ba naman kasi yung tatanga-tangang naglalaro doon kanina. Babalikan ko talaga yung gago na 'yon maging okay lang si Wendy.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon