Chapter 8

125 1 0
                                    

Chrissy -Sinapian na naman ako kanina at kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip ko. Eh pag ganitong pagkakataon di dapat pinapalagpas. Haha. Minsan lang ako sipagin sa pagsulat. Pasensya na kung may maling grammar ha? Saka typos also punctuation

CHAPTER 8

"Excuse me, Ahmm. Tito Clark, Tita Julia is looking for you upstairs e." Sabi ko ng makarating na ako sa harap nila.

Parang gulat na gulat naman tong Stephanie sakin. Aba dapat lang na magulat sya. Ako ang legal wife dito.Legal wife agad Wendy? Hahaha.

Habang si Clark naman ay nakatingin sakin na parang sinasabing 'buti dumating ka'.

"Hmm. Steph, sige I have to go. Nice meeting you." Aalis na sana si Clark nang.

"Clark wait!"

Saktong tingin naman ni Clark sa tumawag sa kanyang halimaw ay dirediretso syang hinawakan sa buhok nito at idiniin ang ulo nito sa kanya nang mahalikan syang mabuti. Matagal hinahalikan ni Stephanie si Clark.

Hindi ko alam kung bakit parang naninigas ako sa kinatatayuan ko dito. Bakit hindi man lang nya tinulak tong hipong to? Parang nage-enjoy pa ang loko.

Umalis nako kung saan nagaganap ang kababalaghan. Nagdirediretso ako palabas ng venue not knowing kung saan ba ako pupunta. All I can feel and say is sobrang nasasaktan ako na hindi man lang nya nagawang umiwas sa higad na yun.

Ganun ba talaga? Oo nga siguro para hindi mahalatang may relasyon kami kaya siguro pumayag sya. Pero kahit na. Nakakainis sya. Ayoko ng ganun. Ayoko ng may kahati. Pano pag nagustuhan nya yung halik ng Stephanie na yun? Pano kung?

Pano kung si Stephanie na yung magustuhan nya? Alam ko namang mas madali nyang magugustuhan yung higad na yun dahil hindi komplikado.

Hindi nya kailangan ipaliwanag yung pagmamahal nya, unlike sa relasyon namin, kailangan pa naming dumaan sa butas ng karayom dahil sa pamilya namin dahil maaari nila kaming ipagtabuyan. Pano kung ganoon ang mangyari?

Hindi pwede. Ayoko. Mahal ko si Clark. Mahal ko sya, kaso pano nga pag piliin nya nalang magmahal ng babaeng hindi komplikado? Paano na ako? Iiwan nya na ba ako? Paano naman yun? Pumasok pasok sya sa buhay ko tapos iiwan nya ko? Sinabi ko ba sa kanyang 'Hoy Tito, ligawan mo ako' hindi naman diba? Sya yung pumasok sa buhay ko.

Dapat ba talaga ko mag-isip ng ganito? Ang hirap naman kasi makipagpatayan sa Stephanie na yun sa harap ng marami. Alangan namang sabihin kong 'Stay away from my Tito' Jusko. Baka naman pagtawanan nila ako dahil wala naman akong karapatan.

"Babe! Gad. Nandito ka lang pala. I've been looking for you everywhere. Pinakaba mo ako."

"Bat mo naman ako kailangang hanapin pa?"

"Babe, why are you crying?"

"So, you're asking me why am I crying?"

"Okay I get it, I'm sorry. Si Steph yung unang nanghalik. Di ko naman sya maitulak agad dahil baka mapahiya sya, babae padin yun."

"So kapag may nanghahalik sayong babae okay lang, kasi ayaw mo silang mapahiya? Bahala ka!"

Saka tumakbo na ko palabas ng gate ng venue. Di ko naman alam na makikita nya ko malapit dun sa fountain, wala naman kasing tao doon.

-BEEEEEEEP-

Napaluhod nalang ako sa malakas na busina ng kotse.

"Miss!"

May lumabas na matanda siguro mga 30's.

"Okay ka lang ba? Dadalin kita sa hospita." Sabi nya sakin sabay check kung may mga sugat bako.

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon