Chapter 12

68 2 1
                                    

Chapter 12

"Tin. Pahiram nga ako ng notes mo. Ang dami kong absent grabe!"

"Nako Wends, wala rin e. Kokopya lang din ako"

"Hay! Ang tamad mo."

"Maganda naman."

"Ako meron."

Napatingin naman ako sa likod namin dahil sa nagsalita. Nandito kasi kami sa garden ng school. Dito kami madalas tumambay lalo  pag punuan na sa library. Tahimik rin naman kasi dito.

"Ivan"

"Wendy, alis muna ko. Nasa labas kasi sila Mommy. Wait lang. Sige Ivan"

"Kumusta kana? Ang tagal na nating di nagkikita aa"

Si Ivan. Nanligaw sya sakin pero sabi ko hanggang magkaibigan lang talaga kami.

"Oo nga e. Nagdebut kasi si Shane"

"Oo nga. Nandun nga ako e. I was looking for you pero di naman kita nakita, Nakita kita nung papasok  ka pero bigla karin nawala"

Boom. Eto yung magkasama kami ni Clark.

"Nagka-emergency kasi nun. Yaan mo babawi ako sayo"

"Aasahan ko yan"

Matangkad si Ivan, maputi, God's gift to women ika nga, pero hanggang kaibigan langa talaga ang tingin ko sa kanya e. Buti naman at di nya nako kinukulit-kulit tungkol sa ligaw-ligaw na yan.

Naputol naman ang usapan namin nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

"Hello?"

"Hello. Is this Ms. Ramirez?"

"Yes. Sino to?"

"This is Ms. Maribeth. Jasmine's teacher. Nasa clinic kasi si Jasmine. Sabi ng nurse pauwiin na kaso, wala namang sumasagot sa bahay nina Mr. Li. Sabi sakin ni Jasmine ikaw yung tawagan ko."

"Sige. I'm on my way po"

"Anything wrong?" Tanong sakin ni Ivan habang nililigpit ko ang mga gamit ko sa mesa.

"Si Jasmine kasi e. Nilalagnat."

"Samahan na kita?"

"Wag na. Okay lang"

"Pero nilalagnat sya. Kaya mo ba syang alagaan?"

Oo nga pala. Hindi naman ako nag-aalaga ng may lagnat, usually kasi ako lagi ang inaalagaan.

"Sige."

"Mag-taxi nalang tayo wala pa yung driver e"

Fascinated by Clark AustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon