CHAPTER 8

401 27 4
                                    

PABLO's POV

It just happened two days ago pero hindi ko pa rin makalimutan yung saya sa pakiramdam na may nakakilala, o may nakaala sa grupo namin pagkatapos ng isang event.

Those two teenager girls that approached me and requested to take a picture with me, I sincerely thanked them for remembering our group, for appreciating us.

Kailangang-kailangan namin iyon sa ngayon.

Ngayong nakasama ko ulit yung apat na sina Stell, Josh, Justin, at Ken, ay hindi ko napigilan ang sarili ko na magkwento sakanila tungkol sa na-encounter ko noong nakaraan. Sila yung mga ka-grupo ko at alam kong kagaya ko, matutuwa rin sila sa ikukwento ko.

"Really? Yung sa school event na pinerforman natin?" sambit ni Stell nang maikwento ko na sakanila.

Tumango naman ako habang nakangiti.

Hindi nga ako nagkamali, we all have the same reactions. Pagkatapos kong ikwento iyon sakanila ay napangiti rin sila.

"Mabuti naman kung ganon. Akala ko ni isa walang nakaalala sa grupo natin eh. You know, we're not that popular, yet." Josh said afterwards.

"I didn't also expected that." I said. "Pero maganda na 'yon, atleast now, kahit papaano eh nakadagdag 'yon ng motivation satin." sabi ko pa tsaka tinignan silang apat.

Tumango naman silang lahat.

"Motivation para magpatuloy pa?"

Bumaling kaming lahat ng tingin kay Ken na siyang nagsalita.

"Oo, bakit?" ani ko.

"Wala lang." aniya tsaka umiwas ng tingin. "Pano kung wala talagang progress na mangyari sa grupo natin? Magkakanya-kanya na ba talaga tayo ulit?"

I gulped before avoiding my gaze at him. Lahat kami ay natahimik.

I don't know the answer to that question, we don't know. Basta ang rason kung bakit nandito kami at magkakasama ay dahil iisa lang kami ng gusto at pangarap. We have the same passion. We want to perform in front of people and share to them our music, we want to inspire them.

Normal and usual day namin sa company, nagttraining. Ilang runs ang ginagawa namin sa isang araw, paulit-ulit. Then magvovocalization and everything. It became a cycle. Naging routine na namin iyon the past few months.

"Go Up." pagbasa ni Justin sa title ng isang kanta. "Atin ba 'to?" tanong niya na tinanguan ko nalang. "Kailan natin 'to irerecord? Tsaka, may demo na ba nito o instrumental?" tanong niya ulit.

I gathered them all before answering his question.

Nag-usap-usap kaming lima tungkol sa binigay sa amin. Actually, matagal na 'tong nasa amin. Nagawan ko na nga ng lyrics eh since I'm the one assigned to it, at gusto ko rin naman iyon. We will just be recording it sooner. Pero sa ngayon ay prinactice muna namin iyon.

"Sana talagang mag-go up talaga tayo nito." pabirong sabi ni Josh na siyang nagpapahinga saglit habang binabasa yung lyrics nung kanta.

"I hope so." I said.

I have some songs that I have written. It's my passion to write songs, it's my passion to sing, or anything related sa music, gusto ko iyon ever since.

When an opportunity came to me, I didn't waste a single time and I immediately grabbed it. Kaya ngayon ay kasama ko na yung apat. Masaya ako na nakilala at kasama ko sila, pero sa sitwasyon namin ngayon, magsisinungaling ako kung sasabihin kong kuntento ako na ako. Wala pang malaking nangyayari sa grupo namin. I know it's still early, so I am, or we are really hoping for something big to happen to us.

Nagdirediretso ulit kaming training kaya hindi nanaman ako nakauwi sa bahay. Malayo kasi eh, sayang na sa oras. Mabuti nalang at naiintindihan ako nila Mama.

So now that I have the time ay umuwi ako sa amin. I went home to take a rest, a quick break. Oras ko na rin 'yon para mag-catch up sa pamilya ko, pati na kay Bianca.

I'm glad that Bianca is doing well pero sana talaga magkaayos na sila ni Tita, ng Mommy niya.

She have a new friend now, it's a guy. At hindi ko na rin siya nakikita na kasama si Ara na ipinagtataka ko. Parehas silang walang sinasabi sa akin dahil minsan ko nang tinanong tungkol doon si Ara dahil message siya nang message sa akin na minsan kinaiinis ko na. I don't like getting messages if it's not that important. Pwera nalang kung pamilya kita o kaibigan.

I was focused strumming on my guitar when my phone suddenly rang. Bianca is calling so I answered it.

"Umuwi ka pala. Di ka man lang nagsabi." sabi niya kaagad sa kabilang linya.

"Kakauwi ko lang." sabi ko tsaka inilapag ko na muna ang gitara ko sa kama. "Tsaka pano ko sasabihin? You're not even reading my last chat. Mukhang busy ka eh, kasama yung kaibigan mo." dagdag ko pa pero bahagyang humina ang boses ko sa huli kong sinabi.

"Tampo ka?"

My brows furrowed as she tease me.

Magtatampo? Ako?

"Ba't naman ako magtatampo? Mas kilala kita at mas matagal na tayong magkasama kaysa sa Jeff mo." sabi ko.

"Sus..." bahagya akong napakamot sa ulo ko. "Don't worry, punta ako diyan sainyo bukas." she said.

"Why?" I uttered but then I stopped when I noticed that something is kinda weird with her voice. Para bang hyper siya ngayon compared noon o sa nakalipas na buwan. "Anong meron? May hindi ka ba sinasabi sakin at parang ang saya-saya mo ngayon?" tanong ko. Hindi sa ayaw kong masaya siya, ah, nagtataka lang ako.

"Kaya nga pupunta ako sayo diyan bukas eh. Bukas ko nalang ikukwento. Babye!"

Magsasalita pa sana ako pero mabilis na niyang pinatay ang tawag.

That girl... Napailing nalang ako pero may maliit na ngiti sa labi ko dahil mukhang masaya naman siya. At masaya rin akong nakikita siyang masaya pagkatapos ng ilang pangyayari.

I picked my pen and my paper when a lyric suddenly get inside my head. I wrote it down and I sighed as I looked up the ceiling.

I'm writing a song, for myself and not for the group. Matatambak nanaman 'to.

My phone in my hand suddenly vibrated so I immediately looked at it. My face crumpled in annoyance as I read Ara's message.

Ara:
Hi, Paulo! Free ka ba today?

Napailing nalang ako't napangiwi bago ako nagreply. Nagrereply ako sakaniya dahil kapag hindi ay patuloy lang siyang magtetext hanggang sa sumagot ako. Kaya sinasagot ko nalang kaagad para matapos na. I already know her style...

Me:
No. Busy ako.

I lied.

The truth is free naman talaga ako. Pero ayoko lang kasing lumabas o umalis muna nanaman since pahinga ko na rin 'to.

And I'm not that interested with her to just agree with her plans or something. Tinanong niya ako kung free ba ako ngayon, and if I said yes, alam kong mag-aaya siyang lumabas.

Ara's moves and style is pretty obvious. She's showing interest to me. Hindi ako tanga para hindi maintindihan iyon at hindi rin ako bulag para hindi makita iyon. She likes me. But she's not that lucky because I feel the opposite. I don't have any feelings for her. I'm not even that interested with her.

Ara:
Sayang... Maybe we can go out some other time 'noh? Kapag parehas tayong free nalang.

Hindi na rin ako nagreply pa dahil mukhang wala naman na siyang sasabihin.

I just want to relax for now. I want to calm my mind. Yung walang iniisip na kung ano o sino.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon