CHAPTER 36

700 24 11
                                    

⚠️🔞

PABLO's POV

Bianca was so clingy. Kaunti nalang ay maiirita na talaga ako. She's been clinging herself to me since earlier when she arrived here at the condo. I don't know why she's suddenly like this dahil kanina pa siyang tahimik at hindi nagsasalita.

Ni hindi ko pa nga alam kung saan siya galing at kung bakit ginabi na siya sa labas. Well, nagpaalam naman siya sa akin kanina na pupunta lang daw siya sa bookstore but I doubt it. Wala nga siyang dala-dala pag-uwi niya.

I entered my room where Bianca is waiting for me. Nasa kama ko na siya nakahiga at hinihintay ako. I turned off the lights kaya ngayon ay yung lamp shade nalang ang nagsisilbing ilaw namin dito sa kwarto ko. Tumabi na rin ako sakaniya tsaka humiga. At kagaya ng inaasahan ko, yumakap nanaman kaagad siya sa akin kaya nagsalita na ako.

"Ang clingy mo. Hindi mo pa nga sinasabi sakin kung saan ka talaga galing." seryoso kong sambit.

"Sasabihin ko na pero wag kang magagalit ha."

Her voice was so soft. At bakit ako magagalit?

"Why would I? Just tell me the truth, Bianca." I said.

Huminga siya ng malalim tsaka umayos ng higa at kinalas na ang pagkakayakap niya sa akin.

"Galing ako kay Jeff..." my brows automatically furrowed and my forehead creased when I heared what she said. "Just to be clear, babe. I was not with Jeff alone. Kasama ko si Jillian and si Ara..." mas lalo lang kumunot ang noo ko. Bakit sila magkakasama? I mean, there's no problem with me when she's with that Jillian but when she's with Jeff and Ara? Talagang magtataka ako kung bakit.

"Bakit magkakasama kayo? Anong meron?" medyo may inis kong tanong.

She sighed before speaking again.

"Remember the last time we saw Jeff and Ara? Then yung batang kasama nila, anak pala nilang dalawa."

How the hell did that happen? Paano?

Bianca must've known my reaction kaya muli siyang nagsalita. There, she explained how come it happened. Mukhang matagal silang magkakasama kanina dahil marami na rin siyang nalaman, at sinabi niya iyon lahat sa akin.

After Bianca explained everything to me, natahimik siya. Pagkatapos ay sumiksik ulit siya sakin at yumakap, niyakap ko nalang din siya pabalik to comfort her.

"Pau?" I just hummed in response. "You wouldn't do something inappropriate behind my back, right?"

I immediately shook my head. "Ofcourse no, babe." I said.

I know where she's coming from. Maybe she's overthinking because of what she just knew earlier. Na noon may nangyari behind her back, wala siyang kaalam-alam.

"That Jeff and I are completely different. Kung nagawa niya iyon sa'yo, well, ako hindi. Don't overthink too much. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa'yo." I said to assure her. "Mawala man 'tong career ko... I swear I wouldn't do such thing to you." I told her in almost a whisper.

She grabbed the hem of my shirt. Hinila niya iyon nang marinig ang sinabi ko.

Kahit na lamp shade nalang ang nagsisilbing ilaw namin dito, kita pa rin namin ang isa't isa kaya kita ko rin kung paano kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Don't say that, Pau. It's like you're putting your career at risk." she said seriously.

"But you are worth the risk." I said that made her shut her mouth for a moment.

"Banat mo ba 'yan o hindi? Pau, alam ko kung gaano ka-importante sa'yo ang career mo. You strived hard para lang mapunta kayo sa kung nasaan kayo ngayon. At hindi ako matutuwa sa sinabi mong mawala man ang career mo... Lahat ng mahalaga at importante sa'yo, mahalaga at importante na rin sa akin. At lahat ng mahal mo, mahal ko na rin." sabi niya.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon