"Ibig sabihin nagandahan sila niyan sa story mo. Isipin mo nga, Bianca. Kapag nagagandahan ka sa isang kwento, diba inuulit-ulit mo 'yon basahin at parang di ka nasasawa? Oh, ganon sila. Kaya don't think negative. Gawa mo 'yan, you should be proud of it." pagpapayo sa akin ni Bria.
We were facing her laptop while taking a look on my story doon sa website kung saan ko iyon pinublish. Di ako makapaniwala sa inabot ng story kong 'yon.
"Pero don't you think it's too fast? Isipin mo, limang buwan ko palang mula nung pinublish yan tapos 614k reads na kaagad? Hindi ako makapaniwala." sabi ko sa mahinahong boses.
"Maniwala ka na, Bianca. It's right in front of you already." she said as she sit properly beside me. Napangalumbaba siya tsaka tumingin sa kawalan. "Marami atang naka-relate kaya maraming nagbabasa. Yung mga magkaibigan lang daw pero nag-jowaan."
I gulped as I felt my cheeks heated.
Maya-maya ay inusog niya palapit sakaniya yung laptop niya na nasa harap ko tsaka nagscroll at may kung anong binasa na comments.
"Gagawan mo ba ng book 2 'to?" Bria asked as she looked at me. "Nagtatanong sila." aniya.
I shrugged. "Hindi ko alam, hindi ko sigurado." sabi ko.
Book 2, huh. I'm not sure of it dahil ang plano ko lang naman nang maumpisahan ko 'yon sulatin is matapos iyon at maipublish para may ibang tao pang makapagbasa. I haven't thought of writing a part two of it.
"Alam mo, curious talaga ako kung ano o sino yung inspiration mo rito sa story mo. Kasi malinaw na hindi ito yung dating manliligaw mo eh, malayo at malabo." sambit ni Bria.
I remained quiet. But she's right, it's very clear that it's not Jeff.
But speaking of that guy, it's been three months when he left. We have connections, but we barely talk. At kung mag-uusap man ay simpleng kamustahan lang at wala na.
And I also have thought about the things that Jeff said at the airport before he left. He made me realize things, especially feelings. Tuloy hindi ko na alam ang gagawin o iaakto ko kapag may insidente na nakikita ko si Paulo. Mukhang totoo nga na siya lang talaga yung kailangan at hanap ko.
Yes, I admit now that I want him. I like him. Napag-isip-isip ko sa mga buwan na lumipas yung nararamdaman ko. Even the gestures I made with Pau before, tsaka ko lang napagtanto na parang sobra na iyon para sa isang magkaibigan lang.
Minsan tuloy ay nahihiya na ako tuwing nakikita ko siya. Kaya kahit na gusto ko siyang kausapin ay hindi ko magawa. Kaya baka ngayon ay siya naman ang mag-isip at baka isipin niyang iniiwasan ko siya, na ako naman ang umiiwas. But I don't think so because he's busy now.
Paulo's been busy with his performing career after they got viral last September, nagtuloy-tuloy na nga sila no'n. And I'm very happy and proud of it, lalong lalo na sakaniya. And to be honest, I was there watching with Mom and his family when they had their first major concert last December. Parang naiiyak na ako no'n sa tuwa nang makita at mapanood ko siya. He even performed one of his solo songs. Hindi na bago sa tainga ko 'yon dahil naiparinig na niya iyon sa akin dati pa pero iba pa rin yung pakiramdam. Masayang-masaya ako sa naaabot niya kasama ang mga kagrupo niya.
I accompanied Bria to the bookstore pagka-out namin sa trabaho dahil may binili siya at nagpasama siya sa akin kaya sinamahan ko naman. Then all of a sudden, habang naglalakad na kami paalis ay nagsalita at nagtanong sakin.
"More than five hundred thousand na yung nakabasa ng story mo. What if may kumuha sayo na isang publishing company tapos alukin ka na i-publish into book yung story mo? Papayag ka?" she asked that made me think. "Nako, pag nangyari 'yon, isa ako sa mga mauunang bibili tapos gusto ko may pirma mo, ha."
BINABASA MO ANG
Forever With You
FanfictionForever With You || SB19 Series #2 Bianca and Paulo are two childhood bestfriends. Paulo is the only friend Bianca has nang talikuran siya ng bestfriend niya. Paulo is always there for Bianca. He's brave enough more than her to say the things that s...