CHAPTER 26

437 28 6
                                    

"Don't you trust me enough? Kagaya pa rin ba kay Ara ang tingin mo sakin?"

I immediately shook my head when Jillian said that. I don't see her like Ara. She's way too different from her.

"No, Jill. Kaibigan na kita kaya syempre may tiwala ako sa'yo... Ayoko lang maulit yung dati, atsaka, hindi naman ako umiinom." sabi at paliwanag ko sakaniya dahil kanina pa niya ako inaalok na uminom daw ako.

"Oh... Okay... I see, sorry. We'll just order juice nalang for you." sabi niya na tinanguan ko nalang. Siya na rin ang tumawag ng waiter at nag-order ng inumin ko.

We're at the bar, kasama namin ang kapatid niya actually but Jeff is at the other table, hanging out with his friends also. They've decided to have some fun before Jeff leaves the country. Ang bilis nga naman lumipas ng mga araw at linggo, Jeff will leave tomorrow.

By now, Jeff and I both know what's the truth. Obviously, walang naging progress sa amin. Kahit na ganon, hindi ko pa rin alam kung bakit hindi nalang siya tumigil sa panliligaw sa akin.

I take a sip on my juice when it arrived. Then I talked to Jillian na mukhang malalim ang iniisip habang nakatingin sa gawi ng kapatid niya.

"May problema ba, Jill?" tanong ko sakaniya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Ah, wala naman..." sabi niya tsaka ngumiti ng maliit sa akin. "Narealize ko lang na kapag umalis na siya, wala nang susundo sakin sa kung nasaan man ako pag gabing-gabi na. Wala na rin akong kasa-kasama tsaka maaasar sa bahay." sabi niya pa tsaka mahinang tumawa.

"Babalik naman siya after 3 years." sabi ko naman.

"Yeah... Di lang kasi talaga ako sanay, sorry." sabi niya. "Alam ko rin na may mas maganda at malaking opportunity sakaniya sa ibang bansa. Atsaka naalala ko pa, highschool palang kami non sabi niya gusto niya raw talaga pumunta at magtrabaho roon." pagkukwento niya.

Tumango-tango naman ako at nakinig nalang sa mga sumunod niyang sinabi.

They were really close. I admire their closeness and relationship as siblings. Di lahat ng magkakapatid ay ganon kaya naman inaadmire ko talaga yung mga kagaya nila.

Hours had passed and Jillian and I were just talking about some random things. Tipsy na siya, but she's not that drunk dahil nakabantay ang kapatid niya at binabantayan ko rin siya, hindi ko rin naman hahayaan na malasing siya.

It's almost 1 AM when we've decided to leave and go home. Nasa labas nila at naiwan lang ako dahil nag-cr lang ako. Palabas na sana ako nang may makasalubong akong hindi inaasahang tao.

"P-Pau..." I called Paulo's name in shock when I see him. Parehas kaming nagulat dahil bahagyang nanlaki rin ang mga mata niya.

"What are you doing here?"

"Anong ginagawa mo rito?"

Parehas at sabay pa kaming nagsalita at nagtanong kaya parehas din kaming napatikom ng bibig.

I looked at him. There's something inside me that's urging me to do something. To hug him? Basta, parang may gusto akong gawin pero napako ako sa kinatatayuan ko ngayon sa harap niya.

"What are you doing here at this hour? Sinong kasama mo? Alam ba ni Tita 'to?" he asked. He finally spoke, breaking the silence between us.

"I'm with Jeff." I said, answering him immediately still looking at him. Napaiwas naman siya ng tingin nang banggitin ko ang pangalan ni Jeff kaya bahagyang napakunot ang noo ko pero isinawalang bahala ko nalang iyon at nagsalita ulit. "I'm also with his sister. And he's also with his other friends..." I said. "Mom knows where I am right now, she also knows who I am with. And don't worry, I didn't drink. As you can see, hindi ako lasing." I explained to him. Hindi siya nagsalita kaya nagsalita pa ulit ako. "We just had a little hang out here because Jeff will be leaving tomo—" hindi natapos ang sinasabi ko nang magsalita siya.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon