CHAPTER 19

393 26 0
                                    

Kakauwi ko lang ngayon, hapon na rin. I just went to a company and look if there's a job na pwede para sa akin. I just tried but I came prepared. I brought the things and requirements that I know will be needed in applying for a job.

Okay naman yung naging lakad ko. Hindi nga pala alam ni Mommy na sumubok na akong mag-apply, saka ko nalang sasabihin pag sigurado na iyon. At sinulit ko na rin 'tong oras na walang nakakaabala sakin at wala ako masyadong inaalala.

I placed my bag at the edge of my bed as I picked up and fixed some papers na naiwan ko. Itinabi ko iyon at ibinalik sa lalagyan ko para hindi nagkakalat at para hindi rin mawala. Pati yung notebook ko na napapadalas ko nang gamitin ngayon dahil may isinusulat ako ay itinabi ko muna dahil baka may biglang pumasok dito at basahin pa 'yon.

I also changed my clothes after, nagpalit na ako ng pambahay na mga damit. Sakto namang tumawag si Jeff, video call ulit. I accepted his call.

I went on my bed. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko tsaka tumingin lang sa phone ko. Connecting pa kaya hinintay ko muna si Jeff ng ilang segundo na lumitaw sa screen.

Hindi ko inaasahan yung nakita ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad na napaiwas ng tingin. What was that? I just saw Jeff, topless and on his wet look.

"Ba't hindi ka magdamit?" sabi ko kaagad habang nakaiwas ng tingin, kunwaring may hinahanap ang mga mata ko.

"Bianca, we just swim. Ayan pa nga si Jill oh, look..." dahan-dahan kong ibinalik ang paningin ko sa screen ng phone ko at nakita kong itinutok ni Jeff ang camera ng phone niya kay Jillian na naka-bathing suit. Pero agad din niyang ibinalik sa dati yung camera pero hindi ko na makita masyado yung pang-itaas niyang katawan, buti naman. "It's fun here, ang sarap magliwaliw." sabi niya kalaunan.

Tumango ako. "Mabuti kung ganon." sabi ko.

He confirmed me na two weeks daw silang magbabakasyon at ngayon ay halos isang linggo na sila roon. I know he's enjoying, they are enjoying, halos gabi-gabi ba naman siyang magkwento ng mga nangyari sa araw niya.

It's a good thing about Jeff. Ngayon ko nalaman na makwento siya, hindi lang tungkol sa mga pinaggagagawa niya kundi na rin pati ng pamilya niya. He's a vocal person, he share his thoughts and feelings.

"Bianca." Jeff caught my attention when maybe he noticed me that I suddenly got quiet. "H-Have you talked to your bestfriend?"

Awtomatiko akong napasimangot tsaka umiling. Nakwento ko nga rin pala sakaniya noong isang araw 'yon. Wala kasing mapag-usapan, kaya naibulalas ko yung tungkol sa hindi namin pag-uusap ni Paulo.

"It's okay." napatingin ako sakaniya nang sabihin niya 'yon habang nakangiti.

Okay? Kailan pa naging okay na hindi ko makausap si Paulo? Feeling ko kulang ako ngayon eh. Parang mas mabuti kung harap-harapan kaming nagkaka-inisan ni Paulo kaysa naman sa ganitong wala siyang paramdam. Hindi ako sanay.

"Just give him more time for himself at baka nga busy lang talaga siya." Jeff said again.

I sighed heavily.

Hindi ko rin alam eh. Kung talagang busy nga lang ba siya o may nangyayari sakaniya na hindi ko alam at ayaw niyang ipaalam. But I'm his bestfriend, pwedeng-pwede siyang magsabi sakin ng kahit na ano.

The conversation between me and Jeff didn't actually last long. Sinabi rin niya na tumawag lang talaga siya to check on me. I appreciate it, though...

I've decided to go out and go somewhere. Ako nalang mag-aadjust, I'll reach out to Paulo. Napagdesisyunan ko na pumunta sa bahay nila pero mukhang wrong timing ang pagpunta at pagbisita ko dahil wala siya roon.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon