EPILOGUE

724 24 25
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

BIANCA's POV

"Parang ang liit naman nung isa. It's not your size." Pau whispered while we're already at the counter. He's looking at the dresses that I bought.

"Sa kapatid mo yung isa, kay Alex. Diba birthday niya next week? 'Yan na yung ireregalo ko sakaniya." sabi ko naman.

I actually bought two dresses. One for me and one for Alex. Naisipan kong bumili dahil bukod sa pang-regalo ko sa kapatid niya yung isa, gagamitin ko naman yung isa ko pang binili para sa book signing ko sa Biyernes, three days from now.

Hindi na umimik si Paulo tsaka tumango nalang.

Na-punch na ng cashier yung dress at inabot ko na rin ang bayad. The cashier put the dresses in a paperbag before handing it to me. Paulo and I thanked her pero bago pa man kami makaalis ay muli itong nagsalita.

"Ah, pwede po bang magpapicture? Fan po ako eh."

I looked at Paulo, when he nodded ay tumango na rin ako. "Sure, sige po." saad ko.

Ngumiti naman ang cashier tsaka inilabas ang cellphone niya para makapagpapicture. Mabuti nalang at wala masyadong tao rito sa department store sa mall.

Pau and I smiled when the cashier started taking a photo of us three. Tatlong shots lang iyon pagkatapos ay nagpasalamat siya sa amin na nginitian ko nalang. Pagod na rin kasi ako, kanina pa kami ni Pau na nandito sa labas nag-iikot.

Day-off kasi nila ngayon pagkatapos ng sunod-sunod nilang events kaya napagdesisyunan namin na lumabas kami after a while.

It has already been a year and almost a month. We already had our first anniversary as a couple but I can't say that we already celebrated more. Simpleng dinner lang ang nangyari noong anniversary namin dahil busy sila no'n ng grupo niya eh, they had a concert and may convention pa silang dinaluhan. Hindi ako nagrereklamo pero aaminin ko na nalungkot ako roon. It was supposed to be our first pero hinayaan ko nalang muna.

Paulo and I rode his motorcycle, Dusty. Sa condo niya ulit ako umuwi kasama niya. Nang makauwi na kami ay diretso lang akong sumalampak ng upo sa sofa niya dahil medyo sumakit yung binti ko kakalakad kanina sa mall, ilang oras ba kaming nandoon?

"Hoy, gagi, nasaan na pala si Ponky?" medyo nataranta ako nang maalala kong nandito nga pala ngayon yung pusa niyang si Ponky na madalas nandoon sa kapatid niya dahil hindi niya ito maaasikaso rito.

"Bibig mo... Nandiyan lang 'yon sa sulok-sulok, alangan namang lumabas."

Nagsalubong ang kilay ko at masama siyang tinignan na nilampasan lang ako at pumasok sa kwarto niya. Akmang igagala ko ang paningin ko para tignan kung nasaan si Ponky at napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ito na galing lang pala sa may kitchen.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon