CHAPTER 15

419 22 0
                                    

PABLO's POV

"Oh, saan ka pa pupunta? Diba sabi mo magpapahinga ka na?" tanong ni Mama nang maiuwi ko na sila sa bahay. Kakagaling lang namin kina Bianca, it's her graduation. Tita Madi also invited our family pero kami lang nina Mama at yung dalawa kong kapatid na babae ang nakapunta, busy kasi yung dalawang lalaki.

"Kay Josh lang, Ma. Nakalimutan ko na may pag-uusapan nga po pala kami." I said as an excuse to her pero totoo na pupunta ako kay Josh ngayon.

"Oh, sige. Ingat ka."

I just nodded at Mama.

Umalis din kaagad ako at pumunta kay Josh. Nasa bar ata siya ngayon kaya doon ako pupunta.

I'm sure na hindi naman umiinom 'yon ngayon si Josh at nakatambay lang. Pero si Stell, napadalas doon sa hindi ko malaman na dahilan. And speaking of him, parang nakita ko siya kanina sa graduation nila Bianca o kamukha lang niya yung nakita ko? Siguro kamukha nga, wala naman siya roon pupuntahan.

Josh is the only one I can talk to right now about something. Si Stell kasi ay hindi pa nagrereply kaya anong malay ko sakaniya ngayon kung anong ginagawa niya.

"Gusto mo uminom?"

"Hindi na, ayoko." pagtanggi ko kaagad kay Josh nang makarating ako. Hindi naman inom yung ipinunta ko rito eh.

"Bakit nga pala? Do you need anything?" he asked me as he relaxedly sat beside me.

"Wala naman... Gusto ko lang ng kausap." sabi ko nang hindi nakatingin sakaniya.

Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Baka hindi lang din niya makuha kung anong sasabihin o ikukwento ko.

"About?" he asked, waiting.

"About..." I stopped and think for a second. Should I tell Josh about it? Iba pakiramdam ko kasi ngayon, nag-aalangan ako. "A-About..." I uttered again. "About sa grupo."

Shit. Ayoko. Maybe this is not yet the time to tell someone about it. I should keep this to myself for now. Mukhang hindi pa ngayon yung oras.

"Sus, kala ko naman kung ano na eh." sabi ni Josh tsaka mahinang tumawa.

Good thing he's convinced.

I'll just think about this feeling maybe next time. At dapat doon sa tamang tao ko 'to sinasabi. Kung kanino ko talaga gustong sabihin...

BIANCA's POV

I stared at my wall for a few minutes after I woke up.

Wala na akong aalalahanin ngayon na kung ano-ano na related sa pag-aaral ko dahil natapos na rin. Or maybe I am wrong. Bigla kong naalala yung biglaang pag-uusap namin ni Mommy kagabi tungkol sa isang bagay. The conversation we had last night was so unexpected.

-FLASHBACK-

Nakaalis na sina Paulo at umuwi na, gabi na rin kasi. Naging tahimik ako dahil kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko yung ginawang pag-amin sa akin ni Jeff, na ikinuwento ko naman kaagad kay Pau dahil bakit hindi.

"Magpapahinga na po ako." sambit ko kay Yaya tsaka akmang hahakbang na sa hagdanan kung hindi ako tawagin ni Mommy.

"Bianca, follow me." Mom said which I immediately obeyed dahil ayaw kong magalit siya o mainis nanaman sa akin.

I followed her through her room pero nagulat ako sa nakita at nadatnan ko roon. Kwarto nila 'to ni Daddy noon, pero ngayon ay si Mommy nalang mag-isa rito. At kailanman ay hindi ako pumapasok dito dahil si Mommy na mismo ang nagsabi noon na ayaw niyang may pumapasok dito nang walang pahintulot niya kaya hindi na rin ako nagtangka na suwayin siya.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon