CHAPTER 7

406 25 12
                                    

"Jeff? Sinong Jeff 'yan?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang magsalita si Paulo sa likod ko. Akala ko may ginagawa rin siya sa phone niya, bigla-bigla nalang siyang susulpot at magsasalita sa likod ko.

"He's a new friend." I said. My brows were furrowed as I am looking at him. "Wag ka ngang manggulat." sabi ko.

"New friend? Lalaki? Kailan pa kayo naging magkaibigan?" sunod-sunod naman niyang tanong.

Before I answered him, I first typed a reply to Jeff saka ko ibinulsa ang phone ko.

"Last December, first encounter namin sa school. Tapos naalala mo nung nagpasundo ako sayo sa bar? Yung lalaking kausap ko bago ka dumating, siya 'yon." I answered him. "Tsaka, okay na 'tong lalaking kaibigan, totoo, kagaya mo. Hindi kagaya ng iba..." kaswal kong sambit.

I can feel Paulo's stares at me but I just ignored it.

I don't know if he got what I said. Bahala na kung ma-gets niya ako o hindi.

Pau sat beside me as our eyes were fixed on the road. Narito kami ngayon sa may waiting shed sa labas ng school. Napadaan daw siya rito kaya naisipan niyang hintaying nalang yung labas ko kaya nandito kami ngayon magkasama.

He said he missed the campus. Well, mukhang magkabaliktad kami. I think I won't miss this school when I graduate. Wala naman ako masyadong magandang memories dito, at hindi ko naman gusto yung pinag-aaralan ko. I know to myself since then that I am not as smart as him. May alam lang ako, pero hindi ako gaanong matalino kagaya niya.

"Nga pala, pwede bang sabihan mo si Ara na wag masyadong text nang text sakin. Nakakaistorbo na rin kasi minsan pag nagtetext siya."

My eyes widened a bit as I heared what Pau suddenly said.

"B-Bakit ako?" tanong ko.

Hindi ko na kasi kinakausap yung babaeng iyon. Iwas na ako, o kami sa isa't isa at mabuti na iyon.

"Ikaw yung close niya, pagsabihan mo siya in not an offensive way."

"N-No!" tanggi ko agad. Napatayo pa ako tsaka magkasalubong ang kilay na tumingin sakaniya. "I mean, kayo yung magkausap, ikaw magsabi sakaniya!" sabi ko pa. Ako pa pag-uusapin niya roon eh paglapit nga hindi ko na ginagawa kay Ara. "S-Sige na, may pupuntahan pa 'ko." sabi ko ulit. Magpapaalam na rin sana ako sakaniya pero nagsalita siya.

"Saan? Hatid na kita."

"Wag na." tanggi ko kaagad. Pupunta ako kay Jeff eh, inaya niya ulit akong lumabas at hindi na ako tumanggi pa. Tutal kaming dalawa lang naman daw at hindi na kasama yung kapatid niya.

Akmang tatalikod na ako kay Paulo pero hinigit niya ang braso ko kaya napaharap ako sakaniya.

"Ihahatid na kita. Saan ka ba pupunta at sinong kasama mo?" tanong niya rin.

I facepalmed before answering him.

"Kay Jeff. Diyan lang sa malapit na mall." sagot ko. "Gusto mong sumama? Para makilala mo rin siya. Tutal gusto mo naman malaman kung sinong palaging nakakausap ko at nakapaligid sakin." I said as I grinned.

I'm just meaning to him that maybe he wants to know who's Jeff is. Since kaibigan ko na rin si Jeff, at siya naman ang bestfriend ko, baka pwede rin na magkakilala na sila.

"Anong gagawin niyo sa mall?" tanong ulit niya.

"I don't know. Pero nabanggit niya na may bibilhin din daw siya kaya ayon." sabi ko.

After that, he didn't say anything and he really insisted na ihatid talaga ako sa mall.

I also already messaged Jeff na on the way na ako at hintayin niya nalang ako roon.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon