CHAPTER 34

597 24 1
                                    

Paulo and I slept at almost eleven in the evening. Sabay kaming natulog pero eto ako ngayon, gising. It's 2 AM and I got awake kaya nandito ako ngayon sa sala ng condo niya kaharap ang laptop ko.

I was typing a chapter for my story, a new one earlier for about half of an hour already. Pero ngayon ay nakatitig nalang ako sa screen ng laptop ko at wala nang maitype. Pumasok nanaman sa isip ko yung nakita ko kanina. I opened Paulo's phone earlier dahil lowbat yung akin, and I saw on his Instagram my stolen picture yesterday at the cementery. I didn't knew that he took picture of me and posted it. Ngayon ko lang iyon nakita dahil hindi naman ako masyadong nakagamit ng phone o nakapag-check man lang ng social media ko dahil kasama ko naman siya buong araw.

What he did makes my heart happy, ako rin mismo. After we went out for our dates, after lots of people already seen us holding each others hands, yung simpleng pagdampi niya ng halik sa akin kapag nasa labas kami, ngayon ay kinumpirma at sinabi na niya sa lahat yung katotohanan.

I was sitting comfortably and peacefully at the couch when Paulo suddenly came. Antok na antok pa ang itsura niya pero bumangon siya at pumunta rito sa akin.

"Why are you here? Balik na tayo sa kwarto." he said and sat beside me. Antok siyang sumalampak dito sa sofa tsaka isinandal ang ulo niya sa balikat ko. I touched his head and ruffled his hair a bit.

"Di ko naman alam na kinuhanan mo 'ko ng litrato kahapon, tas pinost mo pa. Pero infairness, ah, kahit na di ako ready doon, maayos pa rin yung itsura ko, yung tayo ko habang nakatalikod." sabi ko tsaka tumawa ng mahina.

"Maganda ka naman eh. At mabuti na rin 'yon, alam na ng mga tao na akin ka. Wala nang makakaporma sa'yo, wala na dapat magbalak."

Natawa ulit ako. Hay nako, si Paulo, nagiging possessive sa akin.

"Hindi mo naman na dapat inaalala 'yon eh, di naman ako papayag na may ibang dumiskarte pa sa akin kahit na kung sakaling hindi pa tayo. I already have you beside me, mamimili o maghahanap pa ba ako ng iba kung nandyan ka naman na." sabi ko.

Umayos siya ng upo. Inagat na rin niya ang ulo niya tsaka tumingin sakin.

We had an eye contact for a second before I cupped his face and smiled at him. Pagkatapos ay mabilis ko siyang pinatakan ng halik sa labi.

"Walang ibang makakapantay sa'yo." sabi ko pa sakaniya.

"Dapat lang." he uttered as he pulled me for a cuddle.

I just smiled as we cuddled each other. Hinaplos-haplos ni Paulo ang buhok ko habang magkayakap kami. Ilang minuto rin iyon kaya habang ginagawa niya 'yon ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman inaya ko na siyang bumalik na sa kwarto niya para matulog ulit.

Nang mag-umaga na ay si Paulo ang nagluto ng agahan dahil siya ang naunang magising sa aming dalawa. He surprised me a breakfast in bed.

To be honest, I didn't knew he would do such thing. Ang sweet kaya no'n.

It was Sunday, sabi niya ay wala naman daw siyang schedule kaya naman buong araw ay magkasama kami sa condo niya. We spent quality time with each other, buong araw ay bebe time namin, sinulit talaga namin ang oras na hindi siya busy.

We cooked our lunch together. Nanood kami ng favorite movies and series niya nung hapon. I checked my social media one time and as expected, sabog din yung notification and messages ko dahil sa kahapon. Hindi na sakin bago ang maraming messages at notifications pero sadyang iba lang talaga yung kahapon kaya nagulat pa rin ako. From his fans, sa mga supporter at readers ko rin ay nakatanggap kami ng congratulations.

Natawa nalang ako nang mabasa ko yung sinabi ng iba. Tama raw sila na magkakaroon ng something between me and Pau dahil iba ang closeness namin. Pero hindi lahat iyon ay magagandang salita lang, napabuntong-hininga nalang ako nang mabasa ko rin yung ibang hindi. But Paulo talked to me about it, 'wag ko nalang daw intindihin ang mga iyon dahil wala naman silang alam sa amin, kung ano talaga yung totoong nararamdaman namin para sa isa't isa at kung ano ba ang istorya namin.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon