CHAPTER 29

489 22 1
                                    

BIANCA's POV

"Hala, oh my god, thank you so much po!"

I just smiled widely to the girl infront of me who said that. "Thank you rin!" I cheerfully said as I gave her back the book that I signed.

Pakaalis ng babae sa harap ko ay inunat ko muna ang kanang braso ko dahil medyo nangangalay na ako. Sandamakmak ba namang libro ang napirmahan at pipirmahan ko pa. I know this is tiring but atleast I'm having fun. Atleast I'm finally doing the thing that I want.

Kinuha ko ulit ang marker nang may maglapag na ulit ng libro. This time ay dalawang libro ko iyon kaya napaangat ako ng tingin doon sa taong naglapag no'n. He's a guy and he's wearing a facemask and an eye glasses.

"Can you sign it both? I just newly bought the other book." he said, referring to my first book.

"Yes, sure." I said and smiled, shrugging off the thought that his voice is familiar.

Ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa mga libro tsaka ko pinirmahan iyon.

"What's your name?" I asked without looking at him. Kagaya ng iba, tinatanong ko rin ang mga pangalan nila para maisulat ko rin 'yon kasabay ng paglagay ko ng short notes kasama ang pirma ko.

"Jeff."

I was about to write it down when I realized his name. It made me stop for a while and slowly looked back at him.

He slowly took off his mask, revealing his light smile.

"Pirmahan mo na, Bianca. Marami pang nakapila." sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako sandali sa pila. Tama siya, madami-dami pa nga. At nagulat din ako nang mapagtanto ko na ang kapatid niya ang kasunod niya sa pila.

Jillian looked at me smiling while also holding a book. Tumaas-baba pa ang kilay niya.

Napakurap-kurap pa ako sandali sa kanila at tsaka lang ako natauhan. Ipinagpatuloy ko nalang ulit na ang ginagawa ko. I didn't forget to write a short note also on the book before giving it back to him.

"Thank you." I sincerely said to Jeff who just smiled and nodded at me.

Sunod naman ay bahagyang napanguso ako nang bumaling ako kay Jillian. She didn't tell me she's coming here kahit na lagi naman kaming nag-uusap. At higit sa lahat, hindi niya sinabi sakin ang tungkol sa kapatid niya. Hindi ko alam na nakauwi na pala ang isang 'yon. I normally signed her book then leave also a short note.

Pagkatapos nilang dalawa ay sumunod naman na yung iba at nagtuloy-tuloy na hanggang sa matapos na.

It's five in the afternoon when my book signing finished.

I always feel the overwhelming support by everyone who came that supports me and my books. Malaking achievement and fulfillment din iyon para sa akin.

Looking back to where I am right now, masasabi kong mas masaya na ako ngayon at may kahulugan na rin ang ginagawa ko.

It was late February 2020 when I received an email from a book publishing company. Akala ko simpleng meeting at usap lang iyon nung una pero hindi ko inasahan na yung pag-uusap ko na iyon sakanila ay madadala ako rito. Since my first story was booming at that time, I agreed to publish it with them and turn it to a physical book after a month maybe. Hindi naman ako nagsisi, hinding-hindi. I also thought na hanggang doon nalang iyon at kaunti lang ang bibili no'n pero nagkamali ako. Bukod sa pre-order no'n, ilang buwan makalipas nang mailabas na iyon sa mga book stores ay palaging nauubusan ng stocks dahil sa rami ng mga bumibili no'n. It continued for weeks, months, and years hanggang ngayon.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon