CHAPTER 9

364 25 1
                                    

BIANCA's POV

"Nak, ginabi ka nanaman. Halika, maghapunan ka na."

Ngumiti ako kay Yaya Melda tsaka tumango at sumunod sakaniya sa dining.

I just got home. Ginabi na nga ako dahil pagkatapos ng klase ko ay inaya ulit akong lumabas ni Jeff. Hindi naman ako tumanggi dahil noong unang labas ko kasama siya ay okay naman, noong kasama namin no'n si Paulo. He even treated us food dahil siya yung talo sa laro nilang dalawa at iyon nga ang deal ko sa talo, siya ang manlilibre at ginawa naman niya. Ngayon ay lumabas ulit kami, pang-ilang beses na rin naman 'to, hindi ko na nga mabilang dahil naeenjoy ko naman siyang kasama.

"Si Mommy po, kumain na ba?" tanong ko kay Yaya habang pinapanood ko siyang pinaghahandaan ako ng pagkain.

"Oo, nauna na. Nagtanong nga kung bakit wala ka pa eh. Wala naman akong maisagot dahil hindi ko naman alam kung nasaan ka. Alam mo naman, sanay kami ng maaga kang umuuwi. Saan ka ba galing?"

Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa gulat nang marinig ko mula kay Yaya na tinanong ako ni Mommy sakaniya. Was that for real?

"Kain na."

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Yaya.

"A-Ah, thank you po." sabi ko. Naalala ko na nagtanong nga pala siya kaya sinagot ko na iyon. "Kasama ko lang po, 'Ya, yung kaibigan ko. 'Wag po kayong mag-alala, mabait po 'yon." sabi ko.

"Hm, mabuti kung ganon. Sige na, kumain ka na diyan." Yaya said.

I nodded and thanked her again then I started to eat.

I guess Mom wasn't mad. At masaya sa pakiramdam ko knowing na hinanap niya ako after all.

After that, I stayed up late dahil nag-review pa ako ng kaunting oras. Nakaugalian ko na talagang magreview after para ma-absorb pa ng utak ko yung mga lessons namin.

"Hindi ako sasama! Uuwi na ako!"

Nakayuko akong naglalakad sa hallway ng school nang may biglang babaeng sumigaw at nakabangga ko pa.

"Hala, sorry!"

"Omg sorry!"

Agad akong nag-angat ng tingin nang sabay pa kaming magsalita at nag-sorry nung babae.

Parehas kaming nagulat nang makilala at mamukhaan namin ang isa't isa. She's Jeff's sister, si Jillian...

"O-Oh, hi, Bianca, right?"

Siya na ang unang nakapagsalita sa amin. Tumango naman nalang din ako bilang pagsang-ayon sakaniya.

"Sorry, ha? Nabangga tuloy kita." paghingi pa niya ulit ng pasensya sa akin.

"N-No..." I uttered. "I'm the one who's at fault. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry..." I apologized to her.

Pagkatapos no'n ay parehas naman kaming hindi na nakapagsalita. The atmosphere between us became more awkward kaya akmang aalis na rin ako pero pinigilan niya ako.

"P-Pwede ka bang makausap?"

Napatigil ako sandali.

Mahina lang ang pagkakasabi niya no'n pero sapat lang din 'yon para marinig ko. Mukhang nahihiya rin siya at lakas loob lang na kinausap ako base sa nakikita kong itsura niya ngayon.

I slowly nodded my head as an answer.

And I just found myself next walking with her, Jillian, to go to the nearest cafe in our school. Sakto naman na kasing dismissal na kaya nakalabas na kami. Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang sa makarating na kami sa cafe. Naghanap kami ng bakanteng table atsaka doon pumwesto then we ordered something to drink.

Tahimik lang ako. She's the one who asked me if we could talk at siya rin ang nag-aya na pumunta kami rito kaya hahayaan ko lang din siyang una ang magsalita.

Jillian cleared her throat so I had ready myself for her to listen.

"Uhm..." she uttered. She's even playing with her fingers. She looks nervous so I also cleared my throat and showed her a small smile. "Go... You can talk now." I said. She shyly smiled at me before speaking. "I'm sorry about last time..."

I was taken aback for her sudden apology again.

"Sorry saan?" taka kong tanong.

"Yung noong sinama ka ni Ara sa amin doon sa bar." sabi niya.

Oh, I get it.

Nagsalita rin naman kaagad ako. "Kalimutan mo na 'yon. Okay na." sabi ko.

"Pero kasi halata namang hindi ka sanay sa ganong lugar at hindi ka rin umiinom. You shouldn't be in that place." she said that made me stare at her for a while. "Tsaka, wala rin akong magawa no'n kasi hindi naman tayo magkakilala. Wala pa naman akong pakialam minsan sa mga tao na nasa paligid ko. Sorry..." dagdag pa niya.

"Okay lang, Jillian. Okay na." sabi ko ulit. "Nang dahil din sa insedenteng 'yon, may nalaman ako tungkol sa sarili ko eh..." mahina kong sambit.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong niya dahil narinig niya iyon.

"Wala, wala..." pagsisinungaling ko. Mukhang hindi ko rin naman kailangan sabihin sakaniya o kahit na kanino yung tungkol sakin. They have nothing to do with it. "Let's just forget about it." I added.

Nagtataka man ay tumango nalang si Jillian.

What she's showing to me now is just nice of her. Mukhang mabait naman siya base sa pakikitungo niya sakin ngayon. She even apologized for that incident kahit hindi naman siya ang may sadya o gawa no'n.

"And may sasabihin pala ako ako sa'yo. But don't me too shocked." Jillian said so I lightly raised a brow. "Wag mo ring sasabihin kay Kuya 'to, ah. Don't tell him that I said this to you." What does she mean? Nagtataka ako. Anong meron? "I think he likes you."

My mouth lightly parted open because of what she said.

What was that? Am I hearing things or it really came out from Jillian's mouth?

"Sabi kong 'wag kang magugulat eh." sabi niya tsaka nakapalumbaba sa lamesa habang nakatingin sakin. Bahagya rin siyang ngumuso bago ulit nagsalita. "Kuya likes you, I noticed it. Hindi man niya sabihin pero nahahalata ko iyon. Madalas kayong magkausap, diba? You often go out together. Tapos unconsciously ata, nakukwento ka niya sa akin randomly. I've heared things about you, Bianca."

Para naman akong kinabahan nang sabihin niyang marami siyang narinig tungkol sa akin.

"Was that good things or not?" I asked. Wala naman kasi akong kamalay-malay na ikinukwento pala ako ni Jeff dito kay Jillian.

"Don't worry, magaganda naman yung naikukwento ni Kuya." she said so I sighed in relief but then I faced her again with my expression earlier, a little shocked. "G-Gusto ako ng Kuya mo? Gusto ako ni Jeff?" pagtatanong ko. Hindi ako makapaniwala eh.

"Yes. I think so... But it's good if you'll just wait for him to tell you, to confess. Sinabi ko lang talaga 'yon dahil gusto ko." sabi niya tsaka ngumiti nang matamis sa akin.

She take a sip on her drink samantalang ako ay halos hindi pa rin makabawi sa narinig at nalaman ko mula sakaniya.

Porket ba palagi kaming magka-usap ni Jeff at madalas na nagkakasama, she already concluded that her brother likes me. Eh paano naman si Paulo na pinakamadalas kong nakakausap at kasa-kasama ko na simula pagkabata? Baka kasi wala lang naman iyon at siya lang 'tong nag-iisip ng kung ano-ano.

And because of it, hindi na iyon maalis sa isip ko. It almost occupied my mind the whole time to the point na tahimik nalang ako at halos hindi na makapag-salita dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko habang nakikipag-usap sa akin si Jillian.

Jillian took the short time of us to know a few things about each other. Unti-unti na ring gumagaan ang loob ko sakaniya dahil para lang siyang kapatid niya, kagaya kay Jeff, mabait lang din naman pala siya at maayos kasama o kausap. I didn't even much think of her of being friends with Ara who's my ex bestfriend.

----------

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon