❧ 2 ☙

143 13 0
                                    

The first day of my stay here in the province was just fun and superb. Nagkamali ako sa pag-iisip na magiging dull ang mga araw ko rito. Siguro dahil sinanay ko na ang sarili kong nakababad lang magdamag sa harap ng mga video games ko kaya siguro iyon ang unang pumasok sa 'king isipan no'ng pagbakasyunin ako rito.

True to Papa's words, it was refreshing to reconnect with the peaceful ambiance of nature. Parang muling umikot ang dugo sa 'king katawan. Sa habulan pa nga lang namin kahapon nina Caloy at Yna pakiramdam ko muli na akong nabuhay. What more pa kaya sa mga darating pang mga araw?

It was only five in the morning yet I'm already awake. Kung nasa bahay lang namin ako, paniguradong nakahilata pa ako ng ganitong oras.

When I went downstairs, Tio Gimo and Caloy were already having their morning coffee while Tia Amel was already preparing some ingredients in the kitchen. Nasa salas naman si Lolo na siyang nakikinig lang sa radyo.

"Good morning po," mumungat-mungat ko pang bati sa kanila saka sinamahan sina Caloy sa lamesa.

"Aga mo gumising ah. 'Kala namin mamayang patanghali ka pa iige ng bangon ay," ani Tio Gimo bago humigop mula sa kanyang tasa. "Musta tulog mo? 'Di ka naman gininaw? Sadyang malamig dine 'pag paumaga. Para ka kamong nasa Baguio."

Dumampot ako ng isang pandesal saka marahang napakamot sa batok. "Akala ko nga rin po mapapasarap pa ang tulog ko." Kumagat ako sa tinapay. "Ang himbing pa nga po ng tulog ko eh. Pero parang nakakahinayang po kasing sayangin ang umaga rito sa probinsya kaya napabangon na lang din po ako."

Sumilay ang isang malapad na ngiti sa mukha ni Tio. Tahimik lang si Caloy na nakikinig sa usapan, nakaangkla pa ang paa sa upuan. Ilang saglit pa ay hinainan ako ni Tia Amel ng kape.

"Ay tutal gising ka na rin naman, at para 'di masayang ang umaga mo, ay pumar'on kayo nina Caloy sa gubatan pagkatapos ninyong maglinis at mag-almusal," aniya, marahang tinatapik ang aking balikat. "Pasuyo ako ng mga panggatong at parang paubos na ang ating gaas."

Lumandas ang aking mga mata sa gawi ni Caloy. Kumibit lamang ang kilay niya sa 'kin saka linagok ang natitira niyang kape. I just sported a smirk.

Bumalik na si Tia Amel sa kanyang ginagawa ngunit bahagya siyang natigilan upang muli kaming lingunin.

"At saka pala, Caloy, Biyan, pasuyo rin ako ng puso ng saging. Mga isa o dalawa. 'Yong tampos na ha? Ihahalo natin dine sa kare-kare. Pangtanghalian."

"Sige po, Tia. Kami na po bahala ni Caloy," magalang kong sagot saka humigop ng kape.

Ahhh... Ang sarap ng timpla!

"Anla. Ako ay magpapaanyo na. Vian, sumunod ka na pagtapos ko ah? Para 'di tayo masyadong abutin ng init. Daanan natin si Yna. Sama natin," sibat ni Caloy pagkatayong-pagkatayo niya. I just nodded in response as my eyes trailed him until he went out the back door.

I stretched out my neck a bit before finishing off my bread. Tila magkahalong galak at kaba ang aking nararamdaman para sa araw na ito.

Shit naman! Pa'no ba mangahoy? At ano ba kasi ang tampos‽

🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜

After picking up Yna from her place—who's surprisingly already awake this early—we walked a few meters further until we reached a certain part of the fence that has an opening.

Katapat na katapat lang talaga ng mga bahay rito ang kakahuyan—or gubatan, as they prefer to call it. Nahaharangan lang ito ng mataas at mahabang bakod na gawa sa alambre para lang maiwasang magpupunta rito ang mga bata.

May isang parte lang talaga rito na katapat ng maisan kung saan putol ang pagkakabakod. Intensyunal daw 'yon para sa mga gustong mangahoy o tumiba ng mga papaya't saging, maging para sa mga gustong mamitas pa ng kung ano-ano pang mga halaman at herbs na matatagpuan dito.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon