• CHAPTER 11 •

240 16 2
                                    

"AHHH!"

Both of our screams overpowered the gush of the river. Halos manindig ang lahat ng balahibo sa aking katawan dahil sa bungad ni Euthymios sa 'kin.

"Tangina‽"

"Gago, Vian uy! Anong ginagawa mo rito‽"

"Mas gago ka!"

Kaagad kong itinabon sa aking mukha ang hawak-hawak na basang damit nang malibot ng aking mga mata ang walang kasaplot-saplot na si Euthymios. My whole body felt like an oven, profusely sweltering inside, wanting to fry up all my innards.

The sight of his rear made my hips clench a bit, almost making me petrified from where I am standing. Nang siya'y mapaharap sa akin ay siya kong namataan kung paano pumaling ang kanyang... kanyang... ano... k'wan.

Basta!

Fuck! The mental image I had of it is so strong.

Umakyat mula sa aking kalamnan tungo sa aking mukha ang init. I can almost feel my nose bleeding out. Mukha na siguro ako ritong pakwan sa pamumula. Manginig-nginig pa ang aking mga braso sa pagtaas ko ng damit na aking ihinarang sa aking paningin.

"Tangina naman, Euthymios! Magbihis ka nga!" pagkukumahol ko, ramdam na ramdam ang hiyang umaagos sa aking buong sistema.

"Makapagtakip ah? Diring-diri na makita akong hubo't hubad, gano'n?" duro naman niya sa 'kin, mapagbirong sumisinghal. "Wala ka ba nito? Pareho naman tayong lalaki. 'To naman. Parang ngayon ka lang nakakita," giya pa niya saka humalakhak, animo'y wala nang sakit.

I scowled from behind the clothe I'm holding up. Bigla yatang natahimik ang paligid kaya minabuti kong bahagyang ibaba ang damit upang silipin kung ano nang ginagawa niya.

Nang maituwid ko ang aking tingin ay sinalubong ako ng nagkakabanggaang mga kilay ni Euthymios. Our eyes formed electricity as we stared at each other—the clothe blocking half the view of our faces.

"Magbihis ka na nga sabi—" My scolding was easily cut off when he grabbed his clothe from my hand, now using it to cover himself. Napataas ang pareho kong kamay na akala mo'y inaaresto.

Our faces are just a few inches away from each other, enough to feel the exchange of our gasps. His cheeks were fuming in shades of pink as his eyes seemingly teased me.

Kumibit ang aking ibabang labi nang mas malinaw na napagmasdan ang buong hulma ng mamasa-masang katawan ni Euthymios. I can't peel off my stare at his toned chest and lean body. Lumandas ang aking tingin paibaba.

Napalagok ako sa pagkakahapit niya ng damit na siyang ipinanghaharang niya sa kanyang harapan. I can see how the thing throbbed slowly from beneath the clothe. A slow yet adrenaline-like gush stirred from my stomach. Mas lalong napako ang aking mga titig.

"Anong tingin 'yan?"

"Ano bang gusto nin—sa... a..."

"H-hoy! 'Wag!"

"Hawakan mo kasi!"

"Ah! Aray!"

Napailing ako nang tila ibalik ako ng aking isip sa realidad. Napapisil ako sa aking sintido habang pinakikinggan ang agresibong saliw ng pagkiskis ng dahon ng mga puno. 'Di ko mawari pero kung noon ay iisang distinct na boses lang ang aking natutulinigan, ngayon ay parang nadagdagan na ito ng panibago pang boses... na sinamahan na rin ng nakabibinging mga halakhak.

I flinched when I heard Euthymios hiss and wince again.

Did I fucking zone out at the naked sight of him‽

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon