• CHAPTER 22 •

152 10 1
                                    

It's been three days since that awkward dinner with Tio't Tia. Simula no'n, pakiramdam ko'y mas naging mapagmasid na sila sa 'kin pero hindi naman sila masyadong naghigpit din sa kung ano ang mga ginagawa ko o kung saan ako pumupunta. Nevertheless, I knew that they were just looking out for me.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon, 'di pa rin nagpatinag sa 'king isipan ang pangalang pilit na ibinubulong sa 'kin ng mga puno.

Joko.

Makailang ulit ko rin sinubukang kausapin si Caloy ukol sa kanya pero sa tuwing mababanggit ko ang pangalang 'yon, agad din siyang umiiwas. Hindi na rin masyadong nang-uusisa sa 'kin ang aking pinsan kung saan ako pumupunta tuwing ako'y umaalis. Tila hinayaan na lang niya ako sa kung ano ang gusto kong gawin, kung sa'n ko gustong pumunta.

I know for a fact that he knows something about this Joko guy. Pero hindi ko naman maipilit sa kanyang pag-usapan siya lalo na't mukhang hindi siya komportable doon.

I wonder what happened between them.

Malamlam ang simoy ng hangin ngayong tanghali, 'yong tipong ihehele ka nito hanggang dapuan ka ng antok. Bored to death, I led myself outside the house then across the fences. Not knowing where to go, I just took a stroll down the dirt road. Ginamit ko ang naglulunduang mga sanga ng puno bilang panangga sa init habang naglalakad.

As I passed by Yna's house, I saw her rummaging outside with a trash bag in her hands. Kumaway ako sa 'di kalayuan na agad niya rin namang napansin.

Wait... Kay Yna ko unang nalaman na magkakaibigan sila no'ng Joko na 'yon. Maybe she knows something about him.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Lumapit ako sa kanilang gate. When Yna was done taking out the trash, she immediately opened it up and let me in their yard.

"Ano ka na teh? Anong sadya mo? Tanghaling tapat na tanghaling tapat ah?" pang-uuyo agad niya. "Tara. Pasok ka muna. Nagtimpla ako ng juice," anyaya niya.

I followed her inside. Pagkapasok, pinaupo niya muna ako sa kanilang sofa bago siya nagdiretsong pumunta sa kusina. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Sobrang aliwalas pagmasdan ng pagkakahilera ng mga gamit nila rito sa salas.

Natuon ang aking atensyon sa isang glass cabinet na katabi ng kanilang TV set. Napupuno 'yon ng mga action figures at ng kung ano-ano pang mga wedding and birthday trinkets na maayos na naka-display. May ilan-ilan ding mga picture frames doon at saka ilang mga polaroids na nakadisenyo palibot sa glass pane nito.

Curious, I ambled towards the cabinet and marveled at the pictures that were there. Most of it are just school photos of Yna throughout her elementary and high school years. Some of the photos are just family photos. Pero no'ng nalingat na ang aking atensyon sa mga polaroid, tila 'di na pamilyar sa paningin ko ang ilang mga taong naroroon.

I just suspected that those were just her high school friends, judging from how they look. Pero may isang polaroid picture na nakapukaw ng aking atensyon.

Caloy was in the photo. He was with Yna, a girl, and two guys who were unfamiliar to me. They all look... happy.

I scrutinized the photo further. Medyo naninilaw na ang ibabang gilid nito. Siguro matagal na ring nakunan ang litratong ito. But the people in this photo... Hindi kaya—

"Nag-lunch ka na ga?" Halos magitla ako nang marinig ang boses ni Yna. Nakabalik na siya sa salas, hawak-hawak ang isang pitsel ng juice at dalawang baso. Inilapag naman niya 'yon kaagad sa center table.

"Uhh... Y-yeah. Kumain na ako. Thanks," I stammered before making my way back to the sofa.

"Oh? Ano na ngang meron? May ichi-chika ka ga sa akin, teh, kaya ikaw ay nagawi?" she pried. "Nabalitaan ko sa pinsan mong medyo nagiging werid na raw ang mga ikinikilos mo? Aba'y totoo ga?"

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon