• CHAPTER 27 •

136 9 6
                                    

My feet took over my body. It was as if all of my thoughts were driven down my sole, making their way to fulfill every inch of it just by running. Thump after thump, crackle after crackle, I just can't seem to get a hold of it. And just like how Lolo had told it, I galloped invisibly like the tikbalang around the woods.

Hindi ko inaalintana ang mga sangang sumasampid sa 'kin habang tinatahak ko ang madilim na landas tungo sa gubatan. 'Di nagtagal at nasipat ko mula sa kalayuan ang matayog na puno ng mahogany na siyang hindi na bago sa 'king paningin.

Not thinking of a single thing, I bolted my way toward it. I was about to take a turn when I noticed a silhouette, of what I thought was a tree, moved. I slowed down, carefully eyeing the silhouette that was seemingly inching toward me.

I formed a mist as I breathed. Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon, bahagyang sinisipat nang mabuti ang hulma ng gumagalaw na silweta. Nanlaki ang aking mga mata nang magbuhol sa gitna ng liwanag ng buwan ang aming mga tingin ng taong iniluwa ng dilim.

"Caloy?"

The trees whizzed with much clamor.

"Caloy... Caloy... Bakit... Caloy..."

The whispers were portentous yet unruffled.

When Caloy got a better glimpse of me, his eyes gawped before furrowing his brows.

"Insan?" mapag-usisa niyang tawag sa 'kin. "Anong ginagawa mo rito? Gabing-gabi na ah? Hindi ka dapat naglalalabas nang ganireng dis-oras ng gabi sa gubatan," he scolded, getting a hold of my arm. His grip tightened as he tried to drag me away.

Marahas kong pinagpag ang aking braso, sapat upang makawala sa kanyang pagkakahawak.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko nang ganyan, Insan," I retorted. "What exactly are you doing here?"

He shook his head. "Wala akong dapat ipalawanag sa 'yo. At hindi mo na rin problema kung anong ginagawa ko rito. Tena't umuwi," he brushed off, attempting to grab me again, by the wrist this time. Nagpumiglas kaagad ako.

"Ayos kayo eh 'no? Ayaw ninyong naglalalabas ako. Ayaw ninyong pumupunta ako rito sa gubatan just because 'nag-aalala kami sa kung anong pwedeng mangyari sa 'yo,'" I mocked. "But here you are. Doing exactly what you are all forbidding me to do. Sobrang tutok sa 'kin nina Tio't Tia pero 'di man lang nila matutukan ang sarili nilang anak?"

"Ah, so ito? Yo'on pala ang tinatago mong inis sa amin? Kaya ga parang ika'y madalas wala sa ulirat?" he narrowed his eyes on me. "Matapos ka naming patuluyin? Ganireng pambabalahura la'ang ang maririnig ko mula sa 'yo?"

"Do you really think I've vented out all this annoyance just to target you or Tio and Tia?" I blew out. "All my high school life, Caloy, nakakulong lang ako sa bahay—sa sarili kong kwarto—trying to make ends meet. Pero wala. I can't go out there, and make friends, and properly talk to people just because a stupid childhood memory made me feel that all I deserve was just to be inside my own box—that I am never cut out to be that kind of friend to somebody. The friend someone could remember. The friend they could rant to. The friend they could be comfortable with. None of those!" A tear started to crawl down my cheek.

"Insan," lumamukot ang kanyang mukha. "I-I'm sorry—"

"—Only one person made me feel important, even as if I am more than just a friend—or a best friend." Nagsimula na akong humikbi, bahagyang pinapalabo ng mga luha ang hitsura ni Caloy sa 'king paningin. "At pinipilit ninyong ilayo sa 'kin yung kalayaang nahanap ko rito sa probinsya para lang mapalabas ako sa kahong naging kulungan ko."

"Vian, 'di sa gano'n. Nag-aalala la'ang kami sa iyo."

"Pero sa sobrang pag-aalala ninyo, parang inalis niyo na rin yung dahilan kung bakit ako pinagbakasyon rito ni Papa. Can I get a breath of fresh air when you are suffocating me with your suspicious stares?"

Napatikhim si Caloy.

"Caloy, ngayon ko lang naramdaman 'yong mga bagay na 'di ko nararamdaman noon. Ngayon ko lang napalaya yung sarili ko sa mga gawa-gawa kong rehas," my voice cracked. I wiped my tears and cursed on how runny my nose has become. "Kaya kung pwede kang maglalalayas nang ganito, dapat ako rin. Umuwi kang mag-isa mo, Insan."

I dejectedly turned my back away from him before getting back on my feet. But as soon as I had just started running, Caloy caught up to me. He tightly clutched on my shoulder, completely stopping me on my path.

"Caloy, ano ba‽" I exasperatingly yelled.

"Nahihibang ka na baga, Vian? Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa iyo dine. Ganireng dayo ka't mag-isa la'ang nang gan'tong dis-oras ng gabi? Aba'y baka matambangan ka ng mga pagala-galang masasamang loob diyan," he admonished, the worry shaking his voice.

My vision dimmed on him, shooting sharply through his eyes.

He heavily breathed. "Insan, I'm sorry. Mali yo'ong mga nasabi ko kanina. Masyado la'ang akong nadala at 'di ko naisip kung ano ba 'yang nararamdaman mo," garalgal niya, mga mata'y lumalambot ang titig. "Pasensya kung ang tanging nararamdaman mo sa amin nitong mga nagdaang araw ay kung gaano ka namin nasasakal mula sa pagmamanman namin sa iyo. Mali namin yo'on, Vian."

I felt a pang in my chest, brewing a lungful of air.

"Kaya tama ka... Ang ipokrito ko ngang tunay—namin ng mga Tio't Tia mo." Nangilid ang kanyang luha.

"Caloy... Caloy... Ipokrito... Caloy... Alis... Alis..."

Nagtaasan ang aking mga balahibo nang matulinigan ang malamig na bulong ng mga puno. Tila mas nakakikilabot ito kumpara sa mga bulong nito kanina.

Nanghina ang aking katawan, dahilan upang biglang bumagsak sa mga bisig ni Caloy. Mahigpit niya akong binalot sa kanyang mainit na pagyapos, puno ng paghingi ng kapatawaran. Isang hikbi ang aking napakawalan.

"Gusto ko lang naman siyang makita ngayong gabi, Caloy," nanunuyo ang aking lalamunan nang ako'y bumulong. "Gusto ko lang siyang yakapin. Gusto kong maramdaman na ulit yung comfort na kailangan ko ngayon. Nami-miss ko siya, Caloy."

My cousin gently patted my back. "Naiintindihan ko, Vian. Pasensya ka na. Sorry," he sighed. "Kung sino man ya'ang tinutukoy mo, palagay ko nama'y hinahanap-hanap ka na rin niya. Pero sobrang lalim na ng gabi, Insan. Nag-aalala akong tunay sa iyo."

Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap, nakatungong tinitingnan kung paano manginig ang aking mga braso.

"Bukas na bukas, Insan. Puntahan mo siya. Ako pa mismo ang maghahatir sa iyo sa may bukana ng gubatan," he soothed. "Sa ngayon ay tayo'y umuwi muna."

Walang imik akong tumango, kusa nang nagpaakay sa kanya. Malumanay na hinaplos ni Caloy ang aking kamay, dahan-dahan akong inaalalayan upang makalad na pabalik sa aming nilalagusan.

Nang bahagya kong nilingon ang puno ng mahogany ay tila may naaninag akong anino na siyang mas pinatingkad pa ng sinag ng buwan. The moon glowed a slight tinge of orange, sending a melancholic wave down my spine. A distant howl was heard from afar as Caloy and I inch further and further away from the tree.

The branches of all the nearby trees gently swayed as the redolent breeze swept in.

"Alis... Alis... Titig... Bakit?"

"Caloy... Bakit..."

A gagging swirl was hurled inside of my stomach. Parang pinipilit nitong palabasin sa 'king katawan ang aking diwa.

Ililihis ko na sana paalis ang aking pagsilip sa gawi ng puno ng mahogany nang kumislap ang mga mata ng aninong naroroon. Unti-unti na itong nasisinagan ng liwanang ng buwan, bahagyang binibigyang-linaw ang kanyang anyo.

Nang lumitaw na ito sa liwanag ay siyang namilog ang aking mga mata, sa kanya lamang ang tingin. Malamlam ang kanyang ibinabalik na titig habang pinapanood akong alalayan ni Caloy sa paglalakad palabas ng gubatan.

"Manood ka lang. Pagmasdan mo lang..."

"Bakit? Bakit... Caloy..."

Nangatal ang aking panga habang pinakikiramdaman ang unti-unting pagbagal ng tibok ng aking puso. At sa huling segundo bago siya muling lamunin ng dilim, tuluyan nang naghalo ang paruparo't gamugamo sa aking sikmura.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon