❧ 33 ☙

72 4 5
                                    

"Pero sobrang tagal na no'n, 'Loy. Hindi ba pwedeng ibaon na lang natin 'yon sa limot? Just admit it, Caloy. Maski ikaw ay 'di nakakatiis na bumalik do'n."

Ralph's voice continuously echoed in my mind. Nakailang pagulong-gulong na ako sa kama ngunit tila walang planong tumigil ang mga nakababagabag na ligalig ng mga salitang tumatakbo sa 'king isipan. I can't make sense out of all the things that has been boggling me for weeks now.

Una, 'yong mga bulong ng mga puno. Tapos, 'yong pagkalito ko sa nararamdaman ko kay Euthymios. Then there comes the weird nightmares. And now, this? Bakit ba pakiramdam ko hindi ako nababagay sa lugar na ito?

I got up and bounced off my bed. Patingkayad akong lumabas ng kwarto, sinusubukang huwag makalikha ng kahit anong ingay. Mabigat ngunit maingat ang aking mga paa habang dahan-dahan akong bumababa ng hagdan.

Tahimik ang buong paligid nang marating ko ang sala. Taimtim kong pinagmasdan kung paano binalot ng liwanag ng buwan ang tarangkahan mula sa may bintana. Bahagyang umihip ang hangin, sinasalat ang mga alikabok na nananahimik sa sulok-sulok ng bahay.

I stood right in front of the door. When I was about to twist the knob, a creak sounded across the room just right about from the foot of the stairs. Para akong kinoryente ng gitla dahil doon kung kaya't kaagad din akong napalingat sa 'king likuran.

"Tatakas ka na naman?" There stood a frown-faced Caloy, shooting me with a leery glare. "Hay nako, Insan. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin sa iyo, ee. Hindi ka talaga mapigilan, ano?"

Bahagya akong napabitiw mula sa pinto. Umigting ang aking panga, nilulunok ang sariling laway. Wala siyang narinig mula sa 'kin kundi ang mabigat na buntonghininga.

"Insan, hindi pwedeng ganito ka na la'ang palagi. Hindi ko alam kung sa'n ka laging hahagilapin sa tuwing tumatakas ka. Kapag tatanungin ka naman, hindi ka rin naman nakibot," he reproached. "Pinsan mo 'ko, Vian. Kung meron mang gumgulo sa iyo, pwede mo namang sabihin sa akin at atin namang sosolusyunan."

Tama siya. I can't keep sneaking off like this. Hindi pwedeng ganito na lang lagi ang eksenahan namin. Siguro ito na rin ang panhon para maging totoo ako sa pinsan ko.

If I could give a little trust to him, maybe he would do the same for me.

"Caloy," panimula kong tawag sa kanya, mga daliri'y nagsisimulang maging mapaglaro. "Pwede mo ba 'kong samahang lumabas?"

He blinked twice as he slowly neared me.

"Ano na namang balak mo ngayong gabi?" bahagyang nuya niya.

I fished for his hand as I gently circled my thumb around it. Dahan-dahan ko siyang inakay kasabay ng mahinang pagbukas ng pinto.

"May gusto akong ipakita sa 'yo," I imparted. Itinuro ko ang mga punong nasa gubatan na siyang natatanaw namin mula sa balkonahe. "Sa likod ng mga punong 'yan, may nakilala akong isang lalaki."

"Kaya nga," he presumed. "Nabanggit mo na sa 'kin noon 'di ba?"

I flashed a faint smile. "But you never got a full glimpse of him."

"Huh?"

Mas lumambot ang aking ngiti. "Dadalhin kita ngayon sa kanya, Caloy. I want you to meet him. Oras na para sagutin ko ang mga namumuo mong tanong kung ba't ako nagkakaganito."

🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜

"Ibig mong sabihin, hindi talaga si Joko ang tinutukoy mo noon?"

Leaves were crackling under our feet as Caloy and I brushed right through the path that was already familiar to us. Halos pabulong kami kung mag-usap habang dinaraanan namin ang tila natutulog na mga puno na siyang bahagyang sumasangga sa pagkakapinta ng kalangitan.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon