❧ EPILOGUE ☙

435 14 24
                                    

The last twinkle of the bright white light slowly vanished, turning the whole scenery into a dark empty room. There were no stars, no moon, and not even a speck of dust. It was just me in here, floating into eternal nothingness.

With my eyes shut tight, I drifted deeper and deeper from the void that kept on pulling me. Droplets of water started forming around me like bubbles levitating into thin air. They suspended in space, reflecting every inch of my sorrow.

And then suddenly, they dropped one by one, forming an ocean bed beneath me. Gravity became heavier, reeling me in like a weightless anchor. And I kept on falling...

... And falling...

... And falling...

A tear escaped my eye as I softly awoken. The blank ceiling greeted me with much sadness. Parang kanina pa ako nito pinagmamasdan nito na tila ba naaawa sa 'king kinahihigaan.

Gumuhit ang aking luha pababa sa 'king pisngi hanggang tuluyan na itong magpasakop sa punda ng aking unan. Marahan akong bumangon sa 'king kama, nilalandas ng tingin ang apat na sulok ng aking silid. It's like I'm trapped in this box all over again.

"Kuya?" marahang katok ni Vienne mula sa pintuan. Nang hindi ako sumagot ay siya niyang ikinipot ang pinto upang silipin ako. "Kain ka na raw sabi ni Mama. Pagabi na, 'di ka pa rin nakain."

Tumagilid ako sa 'king higaan upang hindi lang magtama ang aming mga tingin. Nagpakawala siya ng buntonghininga.

I heard her footsteps closing in. Bahagyang lumundo ang kama nang maupo siya malapit sa 'king paanan.

"What do you want?" I exasperatingly asked, still sounding tired.

"Ano bang nangyari, Kuya? Simula pagkauwi mo rito galing Quezon, parang bigla ka na lang nawalan ng buhay. Para ka namang naging multo niyan."

Multo...

Tamlay akong bumangon, niyayakap ang aking mga tuhod. Naging malamlam ang aking mga mata nang tumingin ako sa aking kapatid. Namumuo ang pagkabahala mula sa kanyang mga titig.

Vienne reached out for my hand, softly massaging it as she tried to look right through me.

"Kuya," malambing niyang tawag sa 'kin. Kumibit ang aking kilay. "Minsan talaga may mga araw na parang 'di natin maintindihan ang ating sarili. Alam mo 'yon? 'Yong tipong malulungkot ka na lang bigla nang walang dahilan tapos pakiramdam mo sobrang lost mo."

Pinakiramdaman ko ang pagbagal ng tibok ng aking puso.

Sumilay ang isang inosenteng ngiti mula sa mga labi ni Vienne.

She sighed. "It's okay to feel those feelings, Kuya. Pakiramdaman mo lang. It doesn't have to mean anything. Kasi hangga't may nararamdaman ka, ibig sabihin may kahalagahan kang natatangi bilang isang tao." Pinisil-pisil niya ang aking palad, hindi napuputol ang tingin sa 'king mga mata. "And just so you know, pwede mo namang ikwento sa 'kin ang mga nararamdaman mo."

As soon as she smiled, my strings pulled all the soft spots within my system. Mistulang bumigay ang lahat ng kalamnan ko na siyang nag-udyok na aking yakapin ang aking kapatid.

Vienne was taken by surprise by the hug. Magpoprotesta pa sana siya ngunit nang maluha na 'ko sa kanyang balikat ay siya niya rin akong sinuklian ng yapos, mas mahigpit pa kaysa sa 'kin.

"'Yan na 'ata ang pinaka-sweet mong nasabi sa 'kin," hahagihagikhik kong uyo. "Thank you," I softly said, pulling up a gentle smile.

"Psh. Drama queen," asar naman ni Vienne. I can't see her face but I know she's playfully rolling her eyes at me. I pulled away from her embrace.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon