• CHAPTER 8 •

259 21 5
                                    

The rain was still pouring.

The sound was soothing enough to put anyone to sleep ngunit 'di ko man lang mailapat ang aking mga pilik. The whole hut was already dark dahil namatay na rin ang linte ng gasera. Mas lalo ko tuloy nadama ang ginaw dahil do'n kaya mas lalo rin akong bumaluktot sa ilalim ng kumot.

Magkatalikuran kaming nakahiga ni Euthymios. I was the one at the edge samantalang siya ang nakaharap sa dingding na pinagsasandalan ng kama. I still feel awkward by just being beside him.

I mean, we just met out of nowhere and introduced ourselves just this now. Tapos ngayon, magkatabi na kaagad kami sa iisang kama.

Hindi naman sa big deal 'yon pero...

"Hay..." Isang tren ng buntonghininga ang aking pinakawalan.

Tila nagbubuhol pa rin ang aking mga kalamnan na kanina ko pang hindi mahanap-hanapan ng dahilan kung bakit ko nga ba ito nararamdaman.

Ang bilis ng tibok ng aking puso, 'yong tipong anomang segundo ay parang bigla na 'tong lang sasabog. This unexplainable feeling is what is keeping me awake.

Sinubukan kong ipikit nang mariin ang aking mga mata at ipinaagos na lamang ang mga iniisip sa tunog ng mga patak ng ulan. But it was no use. Marahan akong namulat nang marinig na namungot si Euthymios sa 'king tabi.

I tilted my head to get a glimpse of him. He was shivering a bit, catching his breath as if he was running.

Itinagilid ko na ang aking buong katawan upang makaharap ang nilalamig niyang likuran. Bahagya akong umisod sa kanya upang mapagmasdan ang kanyang kalagayan. Mas nilakihan ko na rin ang pagkakasakop ng kumot sa kanya, nagbabakasakaling makatutulong 'yon upang maibsan ang nararamdaman niyang ginaw.

When the back of my hand accidentally touched the side of his neck, I felt a burning sensation. Muli ko 'yong kinapa upang makasigurado. Nang hawiin ko rin ang kanyang buhok sa kanyang noo ay mabilis na nabasa ang aking mga daliri sa pagtagaktak ng kanyang pawis.

"Hala, Euthymios! Nilalagnat ka!"

Napaupo ako mula sa kama at pinagmasdan ang unti-unting pagtihaya ni Euthymios. He was half awake, still moaning and sniffing under the coldness of the weather.

"Teka lang. Balutin mo muna sarili mo sa kumot," halos mataranta kong sambit, tucking him under the blanket while surrounding him in pillows.

Agad akong dumiretso sa aparador niya upang makapaghanap ng bimpo. I think I found one in the small drawer inside it, seemingly along with his underwears. Sa taranta at sa dilim na rin ng paligid ay dinampot ko na lamang ang nauna kong nahawakan.

Kaagad akong kumuha ng plangganita mula sa ilalim ng lababo at mabilis na binasa't binanlawan ang tela. After wringing and nicely folding it, saka ko lang nakapa ang magaspang na bahagi niyon na tila isang garter.

My face almost flushed when I realized it was a pair of boxer shorts. Not just any boxer shorts—it's his boxer shorts.

Halos mataranta na ako sa 'king kinatatayuan pero lahat nang 'yon ay nawala nang marinig ko na namang namungot si Euthymios. I just left all my embarrassment to myself before fetching a glass of water.

'Di na naman siguro niya malalaman na boxers niya 'tong ginamit kong panapal sa noo niya.

Muli kong binalikan ang nilalagnat na Euthymios sa kama. Parang kanina pa siya may binubulong ngunit 'di ko maintindihan.

Inalalayan ko muna siyang makabangon nang kaunti bago siya pinainom ng tubig. Kaagad ko ring inilayo sa kanya ang baso nang maubo na siya sa pangatlong lagok. I put the glass on the bedside table before slowly laying him down again on the bed, plumping his pillows.

Nang masigurong komportable na ang kanyang higa ay inilapat ko na sa kanyang noo ang basang bimpo—este—boxers. Nang mapirme ko na ito sa kanyang noo ay natigil na rin siya sa pagmungot.

Sumilay ang isang malambot na ngiti mula sa aking mukha. I gently stroked locks of his hair away from his eyes. Pinagmasdan ko kung gaano siya kaamong pagmasdan.

"Take care of me... Be gentle... Like you really care..."

I slowly inhaled and exhaled as I seemingly heard that familiar whisper.

"It's the trees..."

There it goes... again!

The trees...

Bahagya akong umiling upang maalis sa 'king utak ang mga guniguning 'yon. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa natutulog nang mukha ni Euthymios. Ito ang unang beses na napagmasdan ko siya nang maayos.

He got these thin eyebrows beautifully partnered with his pair of almond eyes. The bridge of his nose is seemingly inclined, enough to emphasize the arch of his bow-shaped lips. Tila malambot din ang pagkakahulma ng kanyang mga pisngi, 'yong tipong ang sarap-sarap pisilin.

That face... it's something I would like to caress—

I became a bit jumpy when I felt Euthymios's warm hands touch my wrist. Natigilan ako sa paghawi ng kanyang buhok, dinarama ang muling pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko pa rin inaalis ang aking titig sa kanyang mukha. His eyes are still closed.

"Ni..." he trailed off as he shivered. "Ni...la...lamig... a...ko," he managed to mutter the words.

"Uh... Gusto mong ihanap pa kita ng isa pang kumot? Teka lang." I was about to stand up when he forcefully grabbed me by the wrist, causing me to almost topple over him. Sumoporta ang isa kong braso sa kama upang mapigilan ang pagtumba ko sa ibabaw niya.

Our noses almost touched, making me feel the warmth of his breath. Mas lalong nag-igting ang kiliti sa 'king sikmura.

"Yakapin mo lang ako, Vian," mahina niyang sambit. The hoarseness of his voice weakened me. "Dito ka lang..."

Nangatal ang aking panga, pinagsasanib ang mga mainit naming hininga. A droplet of sweat dribbled down my temple.

Marahan siyang kumalas mula sa pagkakahawak sa akin na siyang nagpagaan sa aking pakiramdam. Humiga ako sa kanyang tabihan, marahang hinahabol ang hininga.

What the fuck was that?

Kinapa ng aking parehong kamay ang aking dibdib, sinusubukang pakalmahin ang pagtibok ng aking puso.

You're just overthinking it, Vian. He just wants to feel warm. Nothing more, nothing less. May sakit si Euthymios. 'Di niya alam mga sinasabi niya.

"Vian..."

Muling napatid ang tren ng aking isipin nang marinig kong sambitin niya ang aking pangalan. I shifted my head towards him. Bahagya siyang tumagilid sa 'king gawi dahilan upang muli kaming magkaharap. He was shuddering again.

"Yakap..." mungot niyang muli. "Please?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Fine. It's just a hug," I mumbled to myself.

Umisod na ako papalapit sa kanya, tinatagpo ng aking noo ang basang telang ipinambimpo ko sa kanya. I also got under the blanket, and as soon as I did, Euthymios immediately clung onto me, hugging me tight. Idinantay niya rin sa pagitan ng aking mga binti ang isang binti niyang walang bali.

Naramdaman ko ang init naming dalawa sa kanyang pagyakap. He snuggled his head under my neck before exhaling a huge load of warm air. I felt the awkwardness at first but it immediately vanished.

Nag-aalangan pa akong ipalibot din ang aking mga braso sa kanyang katawan nang biglang kumulog nang malakas. It made me hug him out of surprise and suddenly, I just became comfortable.

Hinayaan ko na lang siyang makatulog nang nakayakap sa 'kin. Inayos ko rin ang pagkakatapal ng "bimpo" sa kanyang noohan. For some odd reason, I also felt sleepy just by feeling the warmth radiating beween us. Mas lalo tuloy napawi ng ulan ang pagiging wala ko sa sarili simula pa kanina. Tila naaalo ako sa tunog ng bawat patak nito.

I just let my breathing get the most out of me as I started counting sheep.

"Bukas na bukas, Euthymios, dadalhan kita ng gamot," malambing kong bulong sa humihilik nang kurimaw. "Kailangan mong magpagaling ha?" I gently nudged my chin over his hair before falling asleep with him.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon