❧ 16 ☙

95 11 1
                                    

Panay kiskis ang aking mga kamay sa magkabila kong braso habang tinatahak namin ni Euthymios ang madilim na kagutan. I was trying to keep myself warm while the chilly breeze is still lingering. Tanging ang malamlam na ilaw ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw namin sa daan na paminsa'y natatakpan pa ng naglalaparang mga sanga ng puno.

Euthymios was leading the way. Wala siyang binanggit kung saan ba talaga kami papunta. All I know is that this is just a casual—and very random—night stroll.

"Vian," tawag niya sa 'kin na siyang bumasag sa katahimikang namamayagpag sa aming bawat hakbang. He did not glance at me.

"Hmm?" tanging naging tugon ko. Mas binilisan ko ang paglakad upang makahabol sa kanya.

"Napakinggan mo na ba ang kwento ng mga lobo dito sa gubatan?" usisa niya, paismid akong nililingon.

My brows formed an arch. "Lobo?" I asked in confusion. "As in... balloons? Anong ginagawa ng balloons dito sa gubatan?"

He giggled. "Tangi! Lobo, as in... wolves," aniya, itinataas ang dalawang kamay sa ere na tila mangangalmot.

Nanindig ang aking mga balahibo nang muling dumaplis sa 'king balat ang malamig na hangin. Mas lalo akong lumapit kay Euthymios upang masabayan ko ssiya ng lakad sa kanyang tabihan. I suddenly felt nervous.

"M-may mga wolf dito sa gubatan?" I almost hesitantly asked.

"That's what they say," he shrugged. "Pero hindi lang sila basta-basta wolves..."

I was dead curious yet a bit edgy about where his story is going. I wrapped an arm around his arm, keeping myself closer to him. Sinasapawan ng mga kuliglig ang mga naglulutungang mga dahon at sanga habang kami'y naglalakad.

"Go on," udyok ko sa kanya habang nagpapasikot-sikot ng daan.

He grimaced. "Sabi nila, sa gubatang ito, mayro'ng isang grupo ng tatlong lalaki. But those three men, they are secretly werewolves..."

The trees seemingly whispered in my ears.

🙜 🙜 🙜 🙜 🙜 🙜

Ang kwento nila, madalas na anyong-tao 'yong tatlong taong-lobong 'yon. Kontrolado nila kung kailan sila nagpapalit ng balat o ng anyo. Hindi rin sila basta-basta napaghihinalaang mga taong-lobo dahil hindi naman sila nagpapakita ng kahit anong senyales ng pagiging mabangis.

Pero, kapag sumapit na kabilugan ng buwan kung kailan nagiging kulay pula rin ang buwan, do'n daw lumalabas ang kanilang... viciousness.

Sure, they are werewolves at night, pero nagiging mabangis lang sila at nakamamatay kapag sumapit na ang red moon. Until then, naghahanap na sila ng biktimang kanilang sasakmalin bilang pagkain at bilang alay sa pulang buwang kinikilala nila bilang kanilang santo.

But there is this one werewolf na hindi kasinsama ng dalawa niyang kasamahan. Kumbaga sa pack nila, he is not an alpha type.

Then a story broke last summer.

There's a guy who was lost in the forest, dito sa mismong gubatang 'to. He's not very familiar with the routes here dahil dayo lang naman siya galing sa siyudad. He wandered around, thinking that the forest was a safe place for someone like him.

By the time na naisipan daw ni lost guy na mamahinga sa ilalim ng lilim ng isang puno ay natagpuan naman siya ng tatlong taong-lobo. They were in their human form that day. Maamo. Matipuno. Mukhang mapagkakatiwalaan.

"Hi!" bati sa kanya ng isa sa mga taong-lobo, 'yong mukhang pinakamatipuno sa kanilang tatlo. "Mukhang ngayon ka lang namin nakita rito ah? Dayo ka ba?"

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon